MIN JI’s POV
Since that night, umiiwas na ako kay Sehun pero alam ko na hindi pangmatagalan yun because of the upcoming showcase. Kasi naman, bakit ba ako nagexpect eh hindi naman kami friends di ba? He’s just my partner in the showcase. Haist! Ano na bang gagawin ko? Nasa dance studio ako listening to the song na ipeperform namin nang may biglang kumuha ng isa kong earphone. Nakapikit kasi ako kaya di ko siya namalayang lumapit.
“Yah!” pilit kong inaagaw yung earphone pero nakikipag-agawan siya.
“Chen-Chen! What do you think your doing?” Sabi nung lalaking lumapit samin. Oh, ang cute naman niya.
“I just wanna make friends to Eonnie.” Nagulat ako sa sinabi niya. He wants to make friends pero iniinis niya ako, nice strategy. Naasar lang ako.
“WHAT?!” sigaw ko then I kicked his legs bago umalis. Saan nga ba ako pupunta? Haist! Bahala na.
Sa may rooftop na lang ako tumambay. I tried practicing na rin at ng mapagod ako, I rest my head on the wall. I checked the time and napanganga ako. Bakit ko ba nakalimutan na may klase nga pala kami. Paano na ‘to? Dali-dali akong pumunta sa room. Wooh! Buti na lang, kakarating lang ng dance instructor namin.
“Ok class. Are you ready to perform? Tomorrow will be the big day for you. Sa showcase bukas, ibebase ang magiging final grade niyo so I’m expecting and hoping that you will do your best. Gusto ko ring ipaalam na hindi lang mga students, teachers and faculty staffs ang manonood.”
“WHAT?!” sabay-sabay na sigaw ng mga classmates ko.
“Sino pa ang manunuod?” tanong ni Kai-oppa.
“The chairman and owner of the biggest entertainment in South Korea. Mr. Lee Soo Man of SM Entertainment.” Hindi naman kami makapaniwalang lahat. Seryoso ba siya? Lalo tuloy akong napressure. Kakayanin ko ba? “And I’m expecting that our three top students will never disappoint me because I recommended them to the chairman.”
“Top three students?”
“Who are they?” tanong ng mga classmates ko. Sino kaya yun? Ang swerte naman nila.
“KAI, SEHUN and MIN JI!” WHAT?! Did I hear my name? Did he really STATE my name? Oh my Gee! Nagkatinginan naman kaming tatlo. Ang mga classmates naman namin ay parang di na nagulat.
The next day, AT THE SHOWCASE…
“Couz, goodluck sa performance mo.” Sabi ni Ji hyun.
“Wag kang kakabahan. Ang isipin mo na lang, this is your dream. Subukan mo lang magkamali, wag ka ng bababa ng stage at talagang babatukan ka naming dalawa ni Ji hyun.” Sabi niYen. Ang brutal talaga ng dalawang ‘to. Tsk.
“Nakakapressure naman kayo.”
“Isipin mo na lang na walang nanunuod and just feel the song.”
“Now, we’ll gonna start the showcase. We hope you’ll like it and enjoy!” sabi ng MC. So, I think this is it. This is my dream and I’ll do everything para maging maganda at maayos ang performance ko. Goodluck to me!
SEHUN’s POV
This is the day for our showcase pero hindi pa rin ako pinapansin ni Min Ji. Paano na yung performance namin mamaya? Magawa kaya namin ng maayos? I’m in a deep thought ng biglang may bumatok sa akin. Aray! Ang sakit nun ah.
“A…”
“Ano bang iniisip mo dyan?” Tss! Si Luhan-hyung lang pala.
“Wala.” Cold kong sagot.