Chapter 5

57.9K 4.9K 1.5K
                                    

Chapter 5: What If

Astralla

I was holding Lola's hand while we were walking around. Halos mapunit ang mga labi ko sa lapad ng aking ngiti habang nakikinig sa kanyang mga kwento tungkol kay Papa.

"Malapit ang pamilya namin sa kalikasan," aniya pa. "Pero mas namana ni Rold ang kakayahan ng mga magulang namin. Mas kumapit sa kanya ang puso ng kalikasan. Magaan ang kanyang mga kamay, kabaliktaran ng kanyang kapilyuhan."

I giggled knowing Mom was gentle as the night breeze. It was fascinating how my mischievous father caught her attention. I wonder if she knew from the very start that the man she fell in love with was not just an ordinary human?

"Simula pa lang ay alam mo na ang pagkakakilanlan ko, Lola?" tanong ko.

"Hindi, Astra. Naaalala mo nung nasa Nightfall pa tayo? Nagkaroon kayo ng kasiyahan, nakainom ka at ginabi ng uwi. Nasa labas pa rin ako no'n. Nakita ko ang hamog... nakita mo. Tayo lang ang nakakita."

Oh. I remember that! Doon unang nagparamdam sa akin si Brix. I was with Lady Lena that time but she had no idea. I asked her if she noticed the fog but she didn't. Ang akala niya ay dahil lang sa nakainom ako.

So... it's true then. Brixton was there that time.

"Doon ko nalaman na may kakaiba sa 'yo," makahulugang banggit ni Lola. "Unti-unti ay natuklasan ko ang pagkakakilanlan mo. Paumanhin kung hindi kita agad natulungan."

Humarap ako kay Lola at hinawakan ang kanyang dalawang mga kamay.

Sa kanyang mga mata ay bakas na ang tagal ng pananatili niya sa mundong ito. That kind of struck me. Hindi ako tatanda nang katulad sa kanya.

"You saved me, Lola," I told her. "Thank you for trusting me this necklace."

She smiled back. "Regalo ko sana 'yan sa anak ko."

"Talaga po?"

"Pero masaya akong sa 'yo ito napunta." Hinaplos niya ang kamay ko. "Hindi na rin ako magtatagal sa mundong ito, Astra. Ingatan mo ang kwintas na 'yan ah? Malayo pa ang lalakbayin mo."

No. I hate when someone is leaving. But then again, I was born to witness everyone leaving. I was here to stay while everyone else was passing. I was one of the few things time cannot touch.

Nang mapagod si Lola ay nagpahinga muna kami sa ilalim ng puno kung saan may upuan. Pumasok sa isipan ko si Aya. Mamaya na ang pagsasanay niya kaya hinayaan ko muna siyang maglaro para kahit papaano ay kumalma siya.

"One more thing..." I turned to Lola. "May ibang kakayahan ang hamog ni Aya, Lola. Hindi lang ito may sariling buhay, may kakayahan din itong gumamot ng mga sugat at magbalik ng lakas."

Her fog once saved us.

"Dahil nung napunta ito kay Brixton ay hindi kumpleto. Ang anak mo lang ang maaaring gumamit sa buong porsyentong kakayahan ng hamog na ito. "

"S-she's still a kid. Don't you think that's too much?"

"Hindi siya habang buhay na bata, Astra."

"Mahihirapan siya, hindi ba?" I need to accept that fact. It's part of the process.

Siya naman ngayon ang humawak sa kamay ko.

"Magtiwala ka sa anak mo, Astra. Sino ba ang mga magulang niya?"

Napangiti ako. I tend to forget that Hyacinth is the daughter of Brixton Wenz Cardinal. Dapat ay hindi ako nangangamba dahil alam kong kaya niya.

"Hindi lang dahil si Brixton ang ama niya." Hinaplos ni Lola ang pisngi ko. "Sa 'yo siya nanggaling. Nasaksihan ko ang paghihirap mo at kung paano ka bumangon. Kampante akong gano'n din ang anak mo."

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon