Chapter 8

56.3K 4.5K 2.5K
                                    

Chapter 8: Strange Woman

Hyacinth

Corbie's daily stories kept me on the edge of my seat. Sa aming tatlo nila Tegan, siya ang may pinakamaraming nalalaman at karanasan sa mga ibang nilalang na tulad ng mga tao.

"How? We are not allowed to interact with humans, right?" I asked, confused.

Tegan released a sigh for the nth time. Tutol ito sa mga kinukwento sa akin ni Corbie. Ngunit gaya ko ay hindi rin mapigilan ni Koko ang sabihin sa akin ang mga nalalaman.

Koko bit a portion of his green apple. Nakaupo ito sa sanga ng kabilang puno katapat ko. Nakaupo rin sa isang sanga si Tegan at may hawak lang na libro at nagbabasa. Kunwari ay hindi ito interesado sa kwento ni Corbie pero tahimik itong nakikinig.

"Interact?" tanong ni Corbie.

"Makisalamuha," sagot ni Tegan nang hindi inaalis sa libro ang tingin.

"Ah!" Tumango si Koko. "Totoo 'yon. Maliban na lang kung hindi nila alam na bampira pala ang kinakausap nila. Labag lang naman sa batas ang ginagawa mo kapag nahuli ka."

Tumango ako. Gano'n ba 'yon?

"Hays." Pabagsak na sinarado ni Tegan ang libro para tumingin kay Corbie. "Alam mo ang bawal sa hindi, Koko. Hindi kailangang may makahuli pa sa 'yo bago mo ito tigilan."

Well, I agreed with Tegan. Makulit talaga si Koko.

"Bro..." Tumango si Koko bago tumawa. "Easy lang."

"Oh, shut up, Corbie." Tegan turned to me. "Ako ang pinakamatanda sa ating tatlo kaya dapat ay nakikinig kayo sa akin. Una sa lahat... enough talking about humans. I don't want to hear about them anymore."

"KJ mo naman!" singhal ko.

"Pero Baby Aya..." Lumambot ang expression ng mukha nito.

"Bakit baby tawag mo kay Aya?" tanong ni Koko. "Hindi na siya baby, hindi ba?"

Tila napakapa ng sagot si Tegan. "She's... younger than me? Saka nasanay na rin ako."

Yeah. Is that a big deal?

"Ibig bang sabihin no'n—"

"I won't call you baby, Corbie," Tegan cut him off.

"Eh? Gano'n?" Bumali ang leeg ni Corbie bago bumaling sa akin. Bigla itong ngumiti na parang may biglang naisip. "Kung gano'n mas matanda ako sa 'yo—"

"Hell no. She's my baby, Corbie. Think of something else," ani Tegan. "Or Aya is enough. Just not baby."

Tumahimik naman si Corbie. Sumandal ito sa puno at pinagpatuloy ang pagkain ng mansanas.

Tumingala ako at sinalubong ang mga tuldok na sinag ng araw na sumisingit sa mga dahon. Bigla akong nakaramdam ng antok. Nitong mga nakaraang araw ay tila wala ako lagi sa mood makipaglaro. Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto.

When will it come back?

"Wala ka pa bang nakausap na tao, Tegan?" dinig kong tanong ni Corbie.

Ilang segundo ang lumipas bago nakasagot si Tegan. "Wala. I am always with my father whenever I go out of this place. I've never had the chance to talk to one, not like I am planning to."

Corbie yawned. "Wala lang sagot mo, nag-english ka pa."

"Fine. Hindi pa. Wala sa plano."

"Wala pa bang napadpad na tao sa lugar na ito?" sunod na tanong ni Koko. "Its not even far. Malamang na marami-rami na ring napadpad dito. Hindi niyo lang pinatuloy o kaya'y..."

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon