Chapter 21: After Them
Astralla
I watched as the sun illuminated everything it touched, from the tip of the enormous trees to the specks of dust on the ground. The dawn breaks have come, yet we still haven't found them.
I sighed as I wiped the tears off my cheeks. Magdamag namin silang hinanap ngunit agad nakalayo ang mga ito. Napag-alaman ko rin na kasama sina Wilma at Tegan para itakas ang batang lalaki.
Someone sat beside in the meadow. Naramdaman kong gumapang sa likod ko ang kanyang braso kaya sumandal naman ako sa kanya.
"Anak mo nga sila..." Tumawa si Brix saka mas hinigit ako pasandal sa kanya. "Ang hirap hawakan. Kahit na sobrang higpit na ng mga bantay ay nakakatakas pa rin."
That put a smile on my face. Alam na rin niya.
I heard him sigh.
"I'm sorry, Astra..." he whispered. Hinalikan niya ang aking buhok saka huminga roon. "I failed to look after our children. I was too focused on building our world that I kind of neglected the reason why I was doing that."
"Corbie suffered enough," I mumbled, halting my tears.
"I know..." Brix held my shoulder and turned me to him. He then cupped my face with his palms and leaned towards me. "That's enough..."
"I-I don't know what else to do..." I told the truth.
"I will save you all..." he smiled.
"How—"
"Trust me the way you trusted me back then..." Bumaba sa labi ko ang kanyang mga tingin saka bumalik sa mga mata ko. "There will be no more suffering after this. We will all both live in peace."
I swallowed. No words escaped my lips.
"I will free us, Astra."
Napapikit ako nung halikan niya ako sa noo. When I found out that our children escaped from us, I wasn't scared at all. Maybe... frustrated.
Kung kailan alam ko na ay saka pa siya nawala.
Why did I just find out now?
While I locked myself in our room, Brix unleashed his influence as the King of Severus Kingdom to look for them. I was calmly brushing my hair while staring outside the balcony.
My mind was unusually unworried, maybe because I could see it now.
I know where this one was heading.
Another war?
Binisita ako ni Lola. Pinagdalhan niya ako ng mga pagkain. Wala akong ganang kumain pero pinilit ko na lang din. Pareho lang kaming tahimik.
"Malapit nang mapigtas ang purselas ng anak mo," sabi ni Lola. "Babalik na ang buong lakas na matagal na kinubli sa kanyang loob. Magiging mapaminsala ito hindi lang sa mga nakapaligid sa kanya kung hindi maging sa kanya mismo."
"Hindi iyon ang inaalala ko, Lola..."
Huminga siya nang malalim. Tila naintindihan naman niya ang gusto kong sabihin. Kinuha niya ang pinagkainan ko saka tinabi. Saka siya bumalik sa tabi ko sa kama.
"Ang pagpapasya..." bulong ni Lola.
I nodded. "Hindi papayag si Brix. Dadanak muna ang dugo bago nila makuha ang isa sa mga anak namin. Natatakot ako Lola..."
"Natatakot ka?"
"N-natatakot ako sa maaari pang gawin ni Brix..." Mapait akong ngumiti. "Kilala ko ang lalaking iyon, gagawin niya ang lahat para lang mailigtas ang mga mahal niya. Hindi lang basta-bastang malapit sa kanya ang ngayo'y nasa panganib. Mga anak niya mismo..."
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.