Chapter 19

47.3K 4K 3.9K
                                    

Chapter 19: TEP

Astralla

It's not just a dream.

I could feel it in my heart. Kung dati ay kaya kong ipasawalang-bahala ang panaginip na 'yon, ngayon ay hindi ko na gagawin 'yon. I need answers. I need it as soon as possible.

Pakiramdam ko habang tumatagal ay palalim nang palalim ang hukay na maaari kong bagsakan kapag hindi pa rin naintindihan ang mga pangyayari.

Ilang araw rin akong hindi gaanong makausap. Naabutan ko ang sariling nakatulala habang kausap si Brix o 'di kaya'y hindi makasagot sa mga tanong ni Hyacinth.

Hindi pa pumuputok ang araw ay bumangon na ako sa higaan. Mahimbing pa rin ang tulog ni Brix na walang saplot. Kumuha ako ng damit saka sandaling naligo. Hanggang sa matapos ako ay hindi pa rin gising si Brix.

I went out of our room. Pumunta ako sa silid ni Aya. Naabutan ko siyang mahimbing ang tulog. Yumuko ako para pulutin ang librong nahulog niya. Nanigas ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung saan tungkol ang libro. Tungkol ito sa mga tao.

She's starting to explore the other world.

"TEP..." she murmured.

What?

Tinaas ko hanggang leeg niya ang kumot. Nung masigurong kumportable na siya at malinis ang kwarto ay lumabas na rin ako. Naabutan ko si Koko na nagja-jog. Wala siyang daming pang-itaas.

"Tita Astra!" nakangiting lumapit siya akin. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat. "Good morning po. Gising na ba si Aya?"

I smiled at him. "Good morning, Koko. She's still asleep."

"Gano'n ba?" he sighed. "May pupuntahan ba kayo?"

"Magpapahangin lang..."

Tumango naman siya.

"Come and join me," yaya ko sa kanya.

Lumiwanag ang mukha niya. "Sige po!"

We went in a meadow to witness the sunrise. Magkatabi kami ni Koko na nakaupo sa damuhan. Bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa pataas na araw.

"Ang ganda..." bulong niya.

I chuckled. "Ngayon mo lang ba nasaksihan ang pagsikat nito?"

Tumango naman siya. "Opo. Madalas kasi ay ipinagsasawalang-bahala ko lang ito. Ang ganda pala 'no? Habang pataas nang pataas, paliwag din nang paliwanag ang paligid."

My hand unconsciously moved to his hair. Natulala siya sa akin habang hinahawi ko ang kanyang buhok. Lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Nakakakiliti..." he giggled.

"You are so cute..." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Kumusta naman ang pananatili mo rito, Koko? Masaya ka naman ba?"

Mabilis na tumango siya. "Sobra!"

"Good to know..." Suminghap ako. "Huwag ka nang aalis dito ah?"

Natikom ang bibig niya. Saka siya umiwas ng tingin.

I sighed. Humarap ako uli sa araw na mataas na ang sikat.

"Hindi ba kayo natatakot sa akin, Tita Astra?"

Nakuha niya uli ang atensyon. "Huh? Bakit naman?"

"Alam mo na, hindi ba?"

Natigilan ako. That caught me off guard. He knew.

He smiled. "Hindi naman po ako bad, Tita Astra. Saka kapag po pumunta rito ang mga kasama ko para kunin ako, sasama naman po ako agad para hindi na kayo madamay. Bad po kasi sila, eh. Baka saktan nila kayo..."

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon