Chapter 30

50.4K 4K 5K
                                    

Hello, vamps!

This will be the last chapter of Freed Souls. That means after this will be the epilogue and the end of the Souls Trilogy. This will also mark the beginning of the next generation of vampires. Again, thank you so much for supporting this series. You have become a part of their journey and one of the reasons why there's more.

In addition to this, if you are not aware yet, this trilogy is just a part of Cardinals Series. The next story will be about Nathalia Cardinal which is already posted here. Just search for the title— Never Classic. I will also write about Oscar's story which will be posted after Never Classic.

I appreciate you and I hope to see you again.

KiB

***


Hyacinth

Chapter 30: Sunset

Mahigpit ang kapit ko sa likod ni Corbie habang palapit kami nang palapit sa malaking gate. Hindi ko inakalang ganito kalawak ang lugar na ito. Napalitan tuloy ng takot ang pagkasabik ko.

"How can we get in?" I asked while anxiously watching those guards protecting the huge gates. "Hindi nila dapat malaman na anak tayo ni papa."

"Hindi ko rin alam..." bulong ni Corbie. "Pero kung hindi nila tayo papapasukin, gagawa naman tayo ng paraan. Ako na ang bahala."

Napalunok ako. That sounds scary.

Corbie halted the horse just a few meters from those guards. Nagtago ako sa likod niya nung mapansin na lalapitan kami ng isa sa mga kawal.

"Naliligaw ba kayo, mga bata?" baritonong tanong nito.

Sumilip ako nang bahagya. Napalunok ako nung makita ang matalas na sandata na namamahinga sa kanyang kamay. Parang isang daplis lang no'n ay mahahati na ang katawan namin ni Koko.

"Paano kami makakapasok sa loob?" dinig kong tanong ni Corbie.

"Saang pangkat kayo galing?" balik na tanong nito.

Napansin kong nangunot ang noo ng lalaki dahil sa biglang pagtahimik ni Koko. Mas nataranta ako dahil baka isipin niyang rebelde kami.

"Esparago Clan," sagot ni Corbie matapos ng ilang segundong pagtahimik. "Galing kami sa pangkat ng Esparago."

"Espar— ano?" Napasinghap ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko saka hinarap sa kanya. Sinuri niya ang balat ko saka mukha. "Pinagloloko niyo ba ako? Wala akong matandaan na pangalan ng ganyang pangkat."

"E-Esparago is just a small clan, that's why we are not that known outside," I responded. Naging maliit ang boses ko dahil sa takot.

He looked like he would yell at us in any moment. I would burst out into tears if that happened. Hindi pa ako nasigawan ng mga magulang ko.

But I think I got him amused. Bumilog ang kanyang mga mata at halatang nagulat sa sagot ko. Napaisip naman ako kung ano ba ang sinabi ko na hindi ko na maalala.

"Marunong kang mag-English," sabi niya sa akin. "Makinis din ang balat ng babaeng ito kaya maniniwala akong hindi kayo rebelde. Kung gano'n ay bakit hindi niyo masabi ang pangkat kung saan kayo kabilang?"

"Sinabi na namin! Mokong ka kasi. Ayaw maniwal—"

"Koko..." pigil ko sa kanya. "I told you the truth, Mr. Guard. We belong to Esparago Clan. Bakit hindi mo itanong sa mga kasama mo baka sila alam nila?"

I was brave to open my mouth again, but I instantly regret it after. That means... we will be interrogated by more than one man.

"Hmmm..." He stared at us, suspiciously. Saka siya tumango para lapitan ang iba niyang kasama para humingi ng tulong.

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon