Chapter 28

46.1K 3.8K 2.1K
                                    

Chapter 28: Arrived

Hyacinth

I woke up before even the sun came up. Akala ko ay ako na ang pinakamaaga pero wala na sa tabi ko si Koo. Bumaling ako kina Mama at Papa na parehong tulog. Nakalingkis sa bewang ni Mama ang binti ni Papa kaya inalis ko dahil baka mabigatan si Mama. Saka na rin ako lumabas.

I stretched my arms on both sides as I felt the cold air on my skin. Napatingin ako kay Corbie na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatalikod siya sa akin at mukhang may tinitingnan.

I called his name, but I don't think he heard me. What is he doing? I decided to approach him first. Nakapikit ang kanyang mga mata.

Is he sleeping?

"Corbie..." I tapped his shoulder.

Napasinghap siya bago nagmulat ng mga mata. Agad akong nagsisi sa ginawa ko dahil mukhang naantala ko siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Sorry. Naistorbo ba kita?" tanong ko.

He shook his head. "May tiningnan lang ako. Ang aga mo yatang nagising?"

"Yeah. How about you? Nakatulog ka ba?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nilapitan niya ang pinag-ihawan namin kagabi. Umupo ako sa para panuoring siyang pagkiskisin ang mga tuyong kawayan.

"May tira pa tayong pagkain kagabi. Gutom ka na ba?" tanong niya.

Pinatong ko ang baba ng mukha sa tuhod habang nakatingin sa ginagawa ni Corbie. Nagkaroon ng usok sa kawayan hanggang sa nagliyab ito. Hindi na ako namangha dahil ilang beses na ring ginawa ni Tegan 'yon.

"Ano ang gusto nila?" tanong ko.

Umangat sa akin ang tingin ni Corbie. Gano'n pa man ay pinanatili ko sa apoy ang aking atensyon. Alam ko naman na alam niya ang tinutukoy ko.

"Iyong mga nakamasid sa atin kagabi..." bulong ko pa. "Ano ba talaga ang gusto nila?" Umangat ang tingin ko. "Kalaban ba sila ni Papa?"

Umiling si Corbie.

"Hindi," simpleng sagot nito.

"Eh, ano?"

"Tayo ang kalaban," tumawa si Koko. "Huwag mo nang isipin 'yon, Aya."

"What do you mean?"

Sinimulan na niyang initin ang karne na hindi namin naubos kagabi. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Wala na sila..." bigla niyang sinabi. "Iyong mga nakamasid sa atin kagabi, hindi ko na sila makita."

"Really? Eh bakit parang hindi ka masaya?"

If that's true, then we have nothing to be worried about now. Hindi na nila kami gagambalain. Saka... ano ba talaga ang pakay nila?

He sighed. "Hindi ko rin alam."

Napatingin ako kina Papa at Mama na nagtutulakan sa malayo. Hinampas ni Mama si Papa sa braso. Narinig kong may sinabi pa ito.

"Kasalanan mo 'to. Pinagod mo ako kagabi!" dinig kong sambit ni Mama. "Nakakahiya sa mga anak mo na nauna pa silang nagising sa atin."

"Nauna naman silang natulog!" rason ni Papa.

"Ikaw maunang bumati sa kanila!" udyok ni Mama.

Kumakamot sa batok na nilapitan kami ni Papa. Umupo siya sa tabi ko saka humikab. Kumurot siya ng karne sa iniihaw ni Corbie.

"Saan ka galing, Papa?" tanong ko.

Natigilan siya sa pagnguya.

"Puwede na 'to!" sabi ni Corbie. "Malinamnam pa rin naman. Kainan na!"

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon