Chapter 2

67K 5.7K 3.2K
                                    

Chapter 2: Stay

Hyacinth

Hinintay naming makabalik si Koko para pagsaluhan namin ang mga strawberry na pinitas namin ni Tegan. Pansin ko pa ring yamot si Tegan dahil sa pag-ako ni Koko ng pag-uwi ni George sa kwadra.

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, Baby Aya," aniya sa akin.

Kasalukuyan akong nakaupo ugat ng puno at kumakain ng strawberry. Si Tegan naman ay nakatayo sa harapan ko at nakapamaywang. Nakalimutan na naman niyang magdamit.

"Kasi..." Kumamot siya sa kanyang batok. "Kita mo kanina? Bigla na lang niyang kinuha sa akin si George tapos sabi pa niya ay trabaho niya 'yon. He's weird."

"He's funny..." I told him.

"You find him funny?" Tumaas ang dalawang kilay ni Tegan.

Tumango ako. "Kinda. Is that a bad thing?"

Sumimangot si Tegan. "Sabi mo e."

Dumapa ito sa lupa at nag push-ups. Minsan na ring akong umupo sa likod niya habang nagtutulak siya. Tuwang-tuwa ako kahit na alam kong nahihirapan siya.

"Ayaw mo ba kay Koko, Tegan?" tanong ko.

Nilapag ko sa gilid ang basket ng strawberry. Ngayon naman ay nauuhaw ako. Hihintayin muna namin si Koko bago kami pumunta sa kusina. Ba't ang tagal no'n?

Tumigil sa pagtutulak si Tegan. Nakapwesto pa rin ang mga kamay niya sa lupa, nakadapa at nakatingin sa akin. Nakakunot ang mga makapal niyang kilay.

"Ayaw ko sa kanya? Hays!" He groaned as he pulled himself up. Nagpagpag ito ng mga kamay. "I am not. Hindi lang ako sanay sa ugali niya. Pabibo."

"Ayaw mo siyang maging kaibigan?"

"Hindi naman sa gano'n—"

"Hindi rin naman siya magtatagal dito e," sambit ko. "Narinig mo si Mama, hindi ba? He's not here to stay forever. Aalis din siya. Gusto mo bang masamang alaala ang dadalhin niya mula rito?"

Natigilan siya at mukhang napaisip.

Napatingin kami sa lalaking parating. May dala itong patpat na winawasiwas niya. Nang mapansin na nakatingin kami sa kanya at kumaway ito at patakbong lumapit.

"Tapos na! Nilagyan ko na rin ng tubig si George dahil mukhang napagod siya," nakangiting ulat ni Koko. Pumirmi sa akin ang kanyang tingin. "May gusto ka bang puntahan?"

Napakurap ako.

"H-ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Ewan." Umiling-iling pa ito. "Sabihin mo lang kung may gusto kang puntahan ah? Babantayan kita!"

"She's with me, dude," ani Tegan.

"Ikaw rin, Tegan! Babantayan kita."

Napatingin sa akin si Tegan at natawa. Nilapitan niya si Koko at binatukan. "Ano'ng akala mo sa akin? Bata? Mas matanda naman ako sa inyong dalawa ni Aya!"

"Gano'n? Okay, Kuya Tegan. Si Aya na lang—"

"Hindi kita kapatid!"

"Eh mas matanda ka sa akin—"

"Okay, Baby Koko—"

Nanlaki ang mga mata ni Koko. "Hindi na ako baby! Si Aya ang baby natin dito!"

"Ba't pati ako nadamay?" tanong ko.

"Eh mas bata ka sa 'kin, Baby Koko."

"Suntukan?" hamon ni Koko.

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon