Chapter 6

58.4K 5K 1.7K
                                    

Chapter 6: Secret

Hyacinth

I never feared my ability. Did I ever love it? I don't think so. But the thought of I have this strange ability that kept me somehow different from the rest never scared me. Did it make me proud? I don't think so either.

What I fear is whenever someone tries to help me, I end up hurting her. Not like I intend to, sometimes, it just gets too much that I can't control it anymore. Not like I can control it at all.

Habang naglalakad kami ni Lola papasok sa gubat ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Masyado na siyang matanda kung ikukumpara sa mga nagdaang guro ko. Baka mabalian siya ng buto o 'di kaya'y madapa.

"Hindi ka po bampira, hindi ba?" tanong ko.

"Isa akong manggagamot, Aya."

"Madilim na kasi. I heard that witches and humans eye sights can't see in the dark clearly. Baka po madapa kayo."

Tumawa si Lola. "Huwag mo akong alalahanin, Aya. Malinaw pa naman ang mga mata ko."

I just nodded. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. Mabigat siya kaya kapag nadapa siya ay madadapa rin ako.

After minutes of walking, we finally stopped. We stood in an open field of green grasses swaying under our feet. Mula rito ay kitang-kita rin ang langit dahil walang mga puno.

"Alam mo bang kaya ng pamilya nating pahintuin ang ihip ng hangin?"

Napatingin ako kay Lola, namangha.

"Kagaya nito..." Sumipol si Lola at tumigil ang pag-ihip ng hangin. Tumigil sa paggalaw ang buhok ko. "Tatandaan mo lagi na kaibigan natin ang kalikasan, Aya."

"Kalikasan..."

"Halika, maupo tayo."

Hinawakan ni Lola ang kamay ko at ginaya ako sa kanyang pag-upo. Magkaharap kami sa isa't isa. Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Hinaplos niya ang purselas.

"Ano ang nararamdaman mo, Aya?"

Bumalik ang ihip ng hangin.

"Magaan..." Suminghap ako ng hangin at napangiti. "Sa totoo po niyan ay mas gusto ko ang gabi kesa sa umaga." Tumingala ako sa kalangitan. "Gustong-gusto kong nakikita ang mga bituin."

"Mas malamig ang hangin..." dagdag ni Lola.

"Ano po ang gagawin natin?" tanong ko.

"Wala." Umiling siya.

Napangiwi ako. Wala?

"Gusto lang kitang makausap. Pero bago ang lahat..." Tinaas niya ang kanyang dalawang mga kamay. "Hindi ba't mas maganda kung may kaunting init sa tabi natin?"

Tiny lights sparked above her hands and it ignited a fire floating in the air. Napatitig ako sa apoy na hindi kayang apulahin ng lakas ng hangin. Napangiti ako.

"Cool..." I mumbled, fascinated.

She made it look so easy.

"Hindi ba't ang ganda tingnan kapag kaya mong hawakan ang kakayahan mo?"

"Kung sanang gano'n lang kadali 'yon..." Napanguso ako dahil hindi ko nga kayang palabasin na lang bigla ang hamog ko. Bigla na lang itong lumalabas at kapag nagpakita naman ay galit.

"Hindi rin naman naging madali para sa akin na mahawakan ang kakayahan ko, Aya." Hinila ako ni Lola at tinalikod sa kanya. Hinagod niya ang buhok ko. "Dumaan muna rin ako sa mga pagkabigo gaya mo. Hindi ako sumuko hanggang sa napagtagumpayan ko."

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon