Chapter 23: I'm Here
Astralla
It's just a matter of time. Kailangan naming maunahan ang mga cloaks. Alam kong kumikilos na rin sila ngayon para maisakatuparan ang kanilang batas.
I honestly have no idea what to do anymore. I can't think of any solution to resolve this problem without raising another war. We are up against The Cloaks again, but our chance of winning this time seems impossible.
No. It's really impossible.
Mas hinigpitan ko ang kapit kay Brixton. There's nothing I can do but trust him. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero alam kong meron. Sana.
Naramdaman kong bumagal ang pagpapatakbo ni Brix kay Servena. Dumiretso ang tingin ko kay Abel na bumagal din pala. Akala ko ay narating na namin ang lugar ngunit hindi pa pala.
That's when I knew why. Someone's following us. No. Marami sila. I can feel them, circling us and waiting for the right moment to attack. This is no longer new to me.
They are the followers of The Cloaks.
Shit.
"Astra..." Brix whispered.
"I know..." I said.
Inalis ko ang pagkakalingkis ng mga braso ko kay Brix. Nararamdaman kong palapit sila nang palapit sa akin. I know they are not alone. Kung andito ang mga tagasunod ng cloaks, ibig sabihin ay narito rin ang isa sa kanila.
I cursed under my breath. Inaantala nila ang tunay naming pakay. Ibig sabihin lang nito ay hindi pa nila nararating ang kinalalagyan ng mga bata.
"Hanggang dito na lang kayo..."
Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Hindi ko maipaliwanag ang gulat na naramdaman nung makilala kung sino ito. Hindi ako agad nakapagsalita.
"P-Papa..." bulong ni Abel.
It's the leader of Esparago Clan. Si Ginoong Bermudo na ama ni Abel.
"Abel..." May diin ang salita nito. "Pakiusap, anak. Sumama ka sa akin. Alam ko kung nasaan si Tegan. Huwag kang sumama sa kanila. Madadamay ka lang."
"G-Ginoong Bermudo..." Bumaba ako mula sa kabayo saka humarap sa kanya. "Kailangan ako ng mga anak ko. Hayaan niyo kaming makita sila."
Malungkot na umiling si Ginoong Bermudo.
"Paumanhin, Astra. Napag-utusan ako ng isa sa mga nakakataas," panimula niya. "Kapag sinuway ko sila ay ang pangkat ko naman ang mapapahamak. Hindi niyo na mababago ang nakatakda. Dalawa ang anak ninyo, isa lang ang maaaring manatili."
"Sino ka para magdikta sa magiging kapalaran ng pamilya ko?" madilim na wika ni Brix. "Malaki ang respeto ko sa inyo, Ginoong Bermudo. Pero kung magiging hadlang ka rin naman..."
"Papa!" Bumaba rin ng kabayo si Abel saka nilapitan ang ama. "Pakiusap, huwag na kayong makisali rito. Kailangan kayo ng pangkat natin!"
Nakangiting hinawakan ni Ginoong Bermudo ang buhok ng anak saka hinaplos. Hindi napigilan ni Abel na yakapin ang ama, ngunit hindi na mababago ang pasya nito.
"Kailangan kong sundin ang mga ninuno natin..." bulong ni Pinunong Bermudo. "Paumanhin, anak. Hindi kita mapagbibigyan sa pagkakataong ito."
Lumabas na sa pinagtataguan ang mga alagad ng cloaks. Sila rin ang nakasagupa namin dati. Lahat sila ay handa nang atakihin kami.
"Umalis ka na, Abel!" babala ni Ginoong Bermudo.
Napatingin sa amin si Abel. Pumirmi kay Brix ang atensyon niya. "I am begging you, Mr. Cardinal. Spare the life of my father. Napag-utusan lang siya ng mga ninuno natin."
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.