Chapter 13: No, Please
Astralla
Just like what Brix promised to our daughter, he was starting to show Aya how to ride a horse. I was not against it at first since I also wanted her to learn it since I know she will need it in the future. But after she attempted to escape last time, I couldn't help but worry now.
What if she used it as a way to escape again?
On the way back, I've bumped into Lola. Katulad ng madalas ay may banayad na ngiti sa kanyang labi. She always reminds me of Lady Melendez.
"Mabuting balita na dumating na ang ama ni Aya," aniya sa akin. Nilagay niya sa likod ang mga kamay at suminghap. "Kahit papaano ay mababaling sa iba ang atensyon ng anak niyo."
Sumagi sa isipan ko si Koko. Naguguluhan pa rin ako kung bakit hindi siya makakita kagabi. Alam kong isa ito sa mga tinatago niyang misteryo at alam ko rin na kung may mas alam tungkol dito ay si Lola 'yon.
But she's been skeptical about him since then. Mas lalo lang nitong pasisiklabin ang kagustuhan niyang mas kilalanin si Corbie. Ayokong pangunahan ang batang 'yon.
As much as possible, I wanted to leave him untouched.However, I am also starting to question things.
Who really is that kid?
"Nakita mo ba ang buwan kagabi, Astra?" tanong ni Lola. Tumingala pa ito na parang inaalala ang nasaksihan. "Bilog, buo at maliwanag. Napakahiwaga."
"May simbolo po ba ang bilog na buwan?" tanong ko.
"Marami, Astra. Napakaraming simbolo ng bilog na buwan..."
Parang may bumara sa lalamunan ko. Gusto kong magtanong pa ngunit baka magtanong na rin ito. Ayokong isipin niya na may bumabagabag sa akin.
"Kalakasan. Kahinaan. Kabuhayan. Kamatayan," banggit pa ni Lola bago bumaba uli sa akin ang tingin. "Bihira mangyari pero maraming dulot. Tunay na napakahiwaga."
"Ang mga taong lobo ay nagbabalik sa pagiging asong lobo, hindi po ba?" tanong ko.
"Ang tunay nilang anyo..."
"Kung gano'n..." Sandali akong tumigil para humagilap ng lakas ng loob para buuin ang isang tanong na magdamag ding gumulo sa isipan ko. "Kung kahinaan ito para sa mga asong lobo, maaari bang manghina ang kanilang paningin o pang-amoy?"
Tumitig sa akin sandali si Lola bago natawa. Umiling-iling pa ito.
"Hindi kailanman nagging kahinaan ang bilog na buwan para sa mga taong lobo, Astra. Sa katunayan ay nagiging buo ang lakas nila sa tuwing sumisikat ito."
I was wrong.
"Gano'n po ba?" Ngumiti na lang ako kahit na nababagabag pa rin. "Pwede po ba kayong magtulungan ni Brixton para matulungan din ang anak ko?"
Bumuntonghininga si Lola. "Tatapatin kita, Astra..."
Kumabog ang dibdib ko.
"Ang tanging makakatulong na lang kay Aya ay ang sarili niya. Magiging sagabal na lang kami kung patuloy kaming makikialam. Alam kong alam na rin ito ng anak mo..."
"Pero bata pa siya, Lola. Hindi niya pa maiintidihan—"
"Bakit tila napakababa ng tingin mo sa anak mo?"
"H-hindi naman sa gano'n, Lola..." Nahirapan akong ipaglaban ang katwiran. "Gusto ko lang na gumaan sa kanya ang mga bagay. Hindi man bata ang tingin niyo sa kanya, para sa akin ay bata pa siya. She's still my baby whatever happens."
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.