Chapter 1: Next Generation
Astralla
Corbie reminded me so much of Brixton. The thought of being free in a world where everyone was your enemy, that was something I feared Aya would get back when everything was still chaotic.
Kung titingnan ay halos magkasing-edad lang sina Aya at Koko pero mulat na mulat na ang mga mata ni Koko sa mga nangyayari sa mundong ito. Naramdaman na niya ang hagupit nito.
I was looking for Aya but I found Koko sitting under the willow tree and eating a piece of green apple. He was leaning against the trunk while looking up at the branches.
He looked peaceful as ever.
"Kumusta naman ang tulog mo, Koko?" tanong ko nang makalapit.
Bumaba ang tingin niya sa akin. "Mahimbing, Tita Astra. Ang lambot ng kama tapos may kandado ang pinto. Naligo ako uli bago matulog kasi sabi ni Aya ay gano'n daw dapat."
Napangiti ako dahil hatala ang galak sa kanyang boses. Masaya rin akong nakikisama si Aya sa kanya at naintindihan ng anak ko na ang kailangan ng lalaking ito ay kaibigan na makakausap.
"Mabuti naman kung gano'n, Koko."
"Ay si Aya ba? Kasama niya si Tegan." Biglang tumayo si Koko. Tumingala ito. "Pero pabalik na rin sila. May dala na naman silang strawberry galing sa farm."
"Paano mo nalaman?"
Ngumisi ito. "Doon kasi sila pupunta sabi nila e."
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"
He chewed the portion of apple he bit. "Oo nga pala, Tita Astra. Pwede ba akong magtagal dito?"
"Oo naman, Koko. Bakit?"
"Ano ang kapalit—"
"Huwag mong isipin 'yon—"
"Pwede akong maging kawal!" aniya pa. Lumiwanag ang mukha nito. "Pwede ring manananim. Magaan ang mga kamay ko kaya mabilis na tumutubo ang mga halaman na tinatanim ko."
Napatitig na lang ako sa kanya. I wanted to hug him and tell him it's fine, he doesn't need to do anything while staying here, but I just shrugged my shoulders.
"Sige na!" pangungulit nito.
"Masyado kang bata para maging kawal, Koko."
"Eh?" Tumagilid ang ulo nito. "Mas magaling pa ako sa mga kawal dito."
Umupo uli ito sa ilalim ng puno. Tinapon niya sa gilid ang tirang mansanas at humikab. Maganda ang pangangatawan nito na halatang nahasa sa mahihirap na gawain sa labas.
"Nakakabagot..." bulong nito.
Umupo rin ako sa tabi niya. May isang gumugulo pa sa isipan ko tungkol kay Koko.
"Kung hindi mo mamasamain..." Huminga ako nang malalim. "Pwede ko bang malaman kung nasaan ang mga magulang mo at bakit mag-isa ka lang?"
Ilang sandali bago ito nakasagot. Maybe my question somehow triggered a sensitive part of his experience and just like that, I suddenly regret asking about it.
"Hindi ko rin alam e. Nagkahiwalay kami nung minsang may nakasagupa kaming rebelde..." Humina ang boses nito. "Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Mama."
"I'm sorry to hear that..." I swallowed as I tried to think of how to divert the topic. "But I'm sure she's proud of you, Koko. You survived it. Nakakahanga para sa iyong murang edad."
He didn't respond.
"Gusto mo ba ng gagawin?" tanong ko.
Nanlaki ang mga mata nito at sunod-sunod na tumango.
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.