Myrh POV:
I was busy typing my update to my story when my Mom called me.
"Dein. Kain na!!! Mamaya na 'yang update mo. Maghihintay naman 'yang mga readers mo eh.!!". - sigaw nito.
Yes. My mom know that I'm an author except kuya and dad.
Mirabella Stanley
- my momBlake Stanley
- my dadLyle Drake Stanley
- my brotherBut I told her not to tell to other people that I'm an author. 'Coz as much as possible, ayukong ireveal ang identity ko. I'm a famous one in an Author World pero I want to public myself if book signing nah.
Haha. Book signing agad. But I know, soon. I will give my autograph and books to my readers. Tiwala lang.
"Dein!!!!! Isa!!! Papaluin na kita ng sandok, kita mo!!!". - sigaw ulit ni Mom. My God. Talo pa ni Mom si Abra sa pagrarap eh.
Kaya bago pa ako habulin ni besti sandok ay bumaba na ako at dumeretsong kusina.
Nagdasal muna kami bago kumain. Wala si Kuya and Dad ngayon kasi nasa Business sila. Tinuturuan na kasi ni Dad si kuya on how to handle our company kasi siya naman ang magmamanage soon. And me, nahh. Magiging sikat na author and Engineer. Para 'di ko na kailangang humanap ng engineer na umiigting ang panga. Tsk.
Nagpatuloy kami ni Mom sa pagkain ng maalala ko na pasukan na pala namin next week at kailangan ko ng pera pambili ng school supplies.
"Mom. I need money. Pasukan na namin next week and I have to buy my needs.". - ani ko.
"Okay then. Bigyan kitang 5k. Kasya na siguro yun. Hala. Bilisan mo na ng makagayak ka na.". - sagot naman nito kaya tinapos ko na ang pagkain ko at naghanda.
FastForward
Nakaligo na ako. Nagsuot lamang ako ng white ripped short, black adidas jacket, white cap and black adidas shoes. Nagpahatid ako kay kuya Jack(driver namin) sa Mall.
*Mall*
Pagbaba ko ay dumeretso akong National Bookstore at kumuha na ng mga gagamitin ko. I use to buy my things alone. Aside kasi sa mahilig ako sa pagbili ng mga stuffs about schools are mahilig din akong magkolekta ng mga booklets, yung may mga authentic designs. Nakaka-engganyo kasing magsulat. And aminin niyo, sa mga mahilig magsulat ng stories and poems, sobrang nakakahikayat sa loob ang magsulat ng magsulat kung alam mong ganon yung kagamitan mo. Kaya bago pa ako dumalsal ng dumaldal, pumasok na ako sa school supplies department at namili.
10 notebooks
1 box ballpen
(mahirap na, lalo na't bigla-bigla itong nawawala kaya mas mabuti ng my extra)1 box lapis
Yellow paper
(for my update's outline)One whole paper, 1/2, 1/4 paper
2 Eraser
1 rim bond paper
1 rim colored paper
Designing materials
"3,500 po lahat ma'am.". - ani ng cashier kaya binigay ko ang 4k at 1,500 nalang ang natira.
Kinuha ko ang pinamili ko at dumeretsong Mang Inasal para extra rice. 'Pag ganitong gutom ako, talagang sa mga fastfood chains or karinderia talaga ako bumili. Mura na sulit pa yung bili unlike sa mga restaurants na mahal na nga hindi ka pa busog.
*Mang Inasal*
Pag-order ko ay umupo ako agad at lumamon na.
Kasalukuyan akong kumakain ng....
"Bess alam mo. Ang ganda ng binabasa ko sa wattpad. Yung "His Unfading Love" ni _urmilady_.". ani ng babae na nakapagpatigil sa akin.
"Oo ng a Bess. Shet. Nakakakilig. Iniimagine ko nga na ako si Girl do'n eh.". ani pa ng isa.
"I adore and love that author talaga. Ang galing niya and ang astig. Sino kaya siya? I wanna meet her and can't wait to have an autograph of her". - masayang sagot naman ng isa.
Muntik tuloy ako mabulunan dahil sa nga narinig ko sa katabing mesa.
Heck. Ganito pala ang feeling 'pag may nakatabi kang reader mo. I admit kasi na hindi ako masyadong confident sa sulat at gawa ko, seeing those other authors na andaming achievements, talagang nakakagulat lang na may hahanga sakin. Nakakakaba at the same time happy kasi nagugustuhan nila ang gawa ko and they love me.Wala sa sariling napangiti ako at tinapos ang kinakain ko. Nagpahinga muna ako saglit at nagscroll sa social media bago nilisan ang kainan.
*Home*
Agad akong dumeretso sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Agad na natawag ng pansin ko ang nakaref na chocolate ice cream. Agad ko itong kinuha at kinain. I love cold foods and snacks. Pero and problems, mahina ang metabolism ko sa lamig. Kahit isang ice candy lang na kainin ko, talagang sinisipon at inuubo na ako. Tapos aabutin pa ng buwan bago gumaling. Kaya pinagbabawalan nila ako mom na kumain pero sabi nga nila, masarap ang bawal. Hindi naman nila malalaman kung walang magsusumbong eh. Diba?
"Princess! What do you think you're doing? You're not allowed to eat ice cream!" - Kuya.
Agad na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Kuya pala na patungo dito sa kusina. Agad kong ibinalik sa ref at patakbong pumunta sa kwarto.
"This naughty, Princess. Tsk. Tsk. Tsk." - dinig ko pa ang reklamo nito.
Yon na yon eh! Nakatikim na. Dapat pinuslit ko nalang sa kwarto ko para naenjoy ko ang kumain. Sayang.
Nilabas ko na ang mga pinamili ko, linagyan ng respective subjects, quotations, name and cover. Tapos yung booklets naman, nilagay ko sa collections ko. Pagkatapos ay naglinis na ako ng katawan. 'Di na ako kumain dahil tapos naman na ako at baka mapagalitan pa ako dahil sa ginawa ko. OA kasi sila mom minsan pero alam ko naman na para rin naman sakin yun eh. Kaya no worries naman, pero ayuko lang talagang matalakan. Haha. Humilata ako sa kama ko at hindi ko maiwasang isipin ang narinig ko kanina.
Ang saya ko talaga ngayon dahil sa kanila. And I will make them as my inspiration to write more. Ewan pero kinilikig talaga ako. Kasi ako yung tipo ng taong madaling maka-appreciate at madali lang din masaktan yung damdamin. Hindi naman sa balat-sibuyas ako pero ganon talaga ako eh. Pero despite of that, madali lang rin akong magpatawad and makonsenya. Ewan ko ba, nature ko na din ata eh.
Kaya may mga ngiti sa labi akong namahinga. Sweet dreams for me.
Keep reading guys💖💖
Sa mga kapwa ko authors and poets there😍😍 keep writing and bleeding 🥰🥰 set aside those bashers and be great. Love u all❤❤❤
BINABASA MO ANG
That Wattpad Author Is Mine (COMPLETED)
Teen Fiction#plagiarism is a CRIME PROLOGUE True love? Wala 'yan sa totoong buhay, nasa libro lang. That's why I prefer writing than giving my time to pointless things. Hindi naman sa bitter ako pero that's reality. I also love reading. It helps me to go beyond...