New faces

198 23 0
                                    

Dedicated to my dear bb😍 azia2030. Thank you for always supporting me bb ko😘😘love u always💖💖

Myrh's POV:

Monday ngayon and katulad ng nakagawian ko, gigising na naman ako sa umaga para pumasok kumbaga back to normal na ako. Papasok sa room then makikinig sa teacher unlike the pass days na lagi akong nasa library to review. Ngayon babalik na naman ako sa dati kung gawi which is huwarang estudyante. Naghanda na nga ako at bumaba na kaagad para kumain ng umagahan. Pagbaba ko ay naabutan ko sila Mom sa dining.

"Good morning Mom, Dad and Kuya." - pagbati ko sa kanila at hinalikan ang kanilang mga pisngi.

"Good morning too, Princess. Baby." - sabay-sabay na ani nila. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Anyway Princess. Congratulations again. We are so proud of you anak." - nakangiting sambit ni Mom. It was a simple greet yet very meaningful for me. Iba parin kasi yung sasabihan ka nilang proud sila sayo. Nakakataba ng puso at nakakagaan ng loob. Feeling ko nasa cloud nine ako nang sinabi ni Mom iyon.

I just look at her, then I feel that a drop of tears flows to my cheeks. When it comes to them I'm really emotional. Tumayo silang tatlo at niyakap ako. They are the greatest gift that I ever received from God.

Matapos ang kunting drama ay pumasok na kami ni Kuya sa school and same with mom and dad, pumasok na din sila sa company.



*SCHOOL*

Pagdating namin ay nagtaka ako dahil wala kaming naabutang ni isang estudyante sa Campus.

"Kuya ba't walang student dito sa school? Wala bang pasok ngayon?"- tanong ko kay Kuya na nakatalikod. Wala akong narinig na sagot kaya nilingon ko ito at nagulat ako dahil wala na pala siya at ako nalang mag-isa dito.

Great. Just great. Nagmukha akong tanga. Nagsasalita ng mag-isa.

Pero nagulat ako dahil...

"Ms. Myrh Dein Stanley. Please proceed to the gymnasium. Now."

"I repeat. Ms. Myrh Dein Stanley. Please proceed to the gymnasium. Now."

Kahit naguguluhan ay pumunta parin ako.


Pagpasok ko ay naabutan ko si Kuya sa bungad ng gym at hinawakan ako nito sa braso at inalalayan dahil sobrang dilim sa loob. Naramdaman kong papunta kami sa stage.


Nang nasa gitna na kami ay binitawan ako nito na ikinagulat ko.


"Hey! Kuya, don't leave me. What the----


Nag-echo ang boses sa bawat sulok ng lugar, nakakacreepy tuloy pero----

*Bogssh*

(tunog po ng confetti)

Biglang bumukas ang ilaw at napatalon ako sa gulat dahil may confetti na sumabog pagtingin ko sa harap ay nandito lahat ng estudyante. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang picture kong naka tarpaulin. It was taken in the contest event. Nakahawak ako ng trophy at suot ang mga medalya nang nakangiti. Naiyak ako bigla. I didn't expect na may ganito. Akala ko icocongrats lang nila ako pero may ganito palang pakulo even kuya know this. Hiyawan, palakpakan at pangalan ko ang naririnig ko sa paligid ko. Napaluha ako sa saya. Napaupo ako at tinakpan ang mukha. I just can't hide my happiness, it's a tears of joy. Nagulat nalang ako ng may nagtayo sa akin at pagtingin ko ay si Ma'am Principal. Nginitian ako nito at niyakap na akin namang tinugon. Hinayaan kong dumaloy ang masaganang luha sa aking mata.

That Wattpad Author Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon