No trace I

98 12 0
                                    


Author's POV:

Kapag iniiwasan ka ng mahal mo, walang oras ang magulang mo at nangungulila ka sa kapatid mong hindi mo alam kung buhay pa ba or wala na. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Myrh? Of course, masakit. Naranasan mo na bang maramdaman na nag-iisa ka, walang may pake sayo at balewala ka lang. 'Yan ang nararamdaman ng dalaga. Buwan na ang lumipas, malapit na ang pagtatapos at wala ng magandang nangyari. Papasok siya sa paaralan na babatiin ng mga kaskwela niya habang siya ay malungkot na ngiti lamang ang naibibigay at mag-aaral maghapon. She's going with the flow. Wala man sa sarili ay hindi niya naman napapabayaan ang pag-aaral niya. At matagal na rin na hindi niya nakakausap ang lalaking mahal niya. Simula ng umiwas ito ay hindi niya na rin sinubukang kausapin ito. Pati ang mga kaibigan nito ay minsanan niya nalang makausap dahil busy na sila at minsanan nalang din dumalaw sa department niya.

Myrh's POV:

Masarap magmahal pero mahirap masaktan lalo na kung mahal mo ang dahilan. Sa mga napagdaanan ko, ewan ko ba. Namanhid na ata ang puso ko. Na minsan kapag naaaksidenteng magtapo ang mga mata namin, hindi na masyadong masakit. Meron pa yung kirot dahil mahal ko parin siya pero hindi na katulad dati na pagkauwi ko ay iiyak na naman ako o 'pag mag-isa ay dadaloy nalang ang mga luha ko na hindi namamalayan. Pero ngayon, napipigilan ko na. Si Kuya, syempre namimiss ko parin siya ng sobra. Buwan na ang lumipas pero wala parin eh. Walang balita, paramdam at palatandaan na buhay pa siya. Sila mom, laging trabaho at paghahanap kay kuya ang naging routine sa araw-araw. Kahit na ganon hindi naman nila nakakaligtaang umuwi sa bahay pero hindi na katulad dati na tatanungin ako sa mga nangyari sa buong maghapon ko, ngayon minsanan nalang.

Hindi naman ako nagagalit kasi wala naman akong karapatan pero 'di ko maiwasang magtampo. Kasi nakakalumitan na nila ako. Anak din naman nila ako, may responsibilidad din sila sakin pero bakit parang nakakalimutan na nila ako.

"Okay class. Tomorrow is our schedule for recollection in a famous forest resort in Cinque Amore. We only have a half day class today because you have to go home and pack your things. Here's your waver and please give it to me tomorrow with your parent's signature. Dismiss." - ma'am Mendez. Siya pala ang adviser namin. Patapos na ang klase pero ngayon lang namin nalaman. Pa-mysterious din si ma'am eh.

*Bahay*

Pagdating ko ay agad na akong naghanda ng gagamitin ko. Mga jeans, shirt, jacket, sneakers, and undergarments lang ang hinanda ko at libro. To kill my boredom and also the ukulele that he gave me in our first monthsarry. Yeah, marunong akong tumugtog nito aside from piano, guitar and violin.

*Beep*beep*beep*

They're here. Sila mom and dad. Kinuha ko ang waver na nakaipit sa aking notebook para hindi magusot at dali-daling bumaba.

"Mom! Can you sign this for me po." - agad na salubong ko kay mommy. Agad niya naman itong kinuha at pinirmahan ng hindi manlang ako nililingon. Masakit na parang hangin lang ako sa kanila. Naging ganito na sila sakin pagkatapos mawala si Kuya. Iniisip ko tuloy kong mahal parin ba nila ako.

"Hello detective? Any news about my son?" - mommy.

"Yes, okay police officer. Thank you." - daddy.

Yan lagi ang routine nila. Uuwi sila na laging detective, son, and police officer ang bukambibig. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Tutal tapos naman na akong kumain, alam ko din na sila rin. Umuuwi sila dito sa bahay para magpalit ng damit tapos aalis ulit. Tahimik nalang akong lumuha.

Huhu. Kuya, wala na akong kakampi. Wala na silang oras sakin. Wala na akong halaga. *sobs* kelan ka ba babalik? Miss na miss na kita. Siguro kung nandito ka, hindi sila ganyan. Si-siguro *hik* masaya pa tayo, ako.

That Wattpad Author Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon