18~ A Thank You Kiss

450 44 6
                                    

Maghahapon na pero tulog pa rin si Jack. Nag-alala na ako sa kanya baka kasi may sakit siya o ano? Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Galing kwarto, ay bumalik muli ako sa sofa na kung saan siya natutulog. As in, kanina pa siyang 'di nagigising. Hindi kaya—ewan! Bakit ko naman iisipin 'yon! Ayokong mawala siya sa 'kin. Napakamot na lamang ako ng batok ko at umupo sa harap ng sofa na kung saan siya nakahiga. Bahala na si superman, gigisingin ko na talaga siya.

“Jack,” turan ko sabay yugyog sa kanya. Napaungol siya bigla at bumalikwas ng hinga. Namula ako roon ah, dahil narinig ko ang—stop this Carol! Pume-pervert ka na naman! Umiling na lamang ako, kasi nga eh, ewan ko ba hay! Ipinatong ko na lamang ang ulo ko sa espasyo na nasa sofa. Para naman akong aso na naghihintay na bigyan ng kanyang amo ng pagkain. Gumapang na naman ang kamay ko papunta sa kanyang balikat. Nakatalikod kasi siya sa 'kin eh.

“Jack, gumising ka na.” Mahinang bulong ko sabay yugyog muli sa kanya. Wala pa ring turan si Jack. Medyo naaasar na ako sa kanya. “Ayaw mo talagang gumising, halikan kita. Sige ka,” banta ko sa kanya. Dinig ko naman siyang ngumisi. Talaga china-challenge niya ako ha! Bumuo na naman ang pamumula sa pisngi ko at tingin ko, magkasinkulay na kami ng strawberry na kaka-harvest lang!

“Eh, Jack naman eh. Gumising ka na.” Isang buntong hininga na lamang ang sagot niya sa 'kin. Nainis na ako kaya bigla ko siyang pinatiyaha at tanggalin na sana ang kanyang maskara ngunit mabilis niya naman akong niyapos at niyakap ng mahigpit! Gosh, ano ba naman 'to, 'di ko na tuloy kayang tanggalin ang maskara niya.

Pero nagkusa siyang inangat ang kanyang maskara hanggang sa kanyang bibig lang—parati naman 'to eh! Napapikit na lamang ako at sinubsob ko ang mukha ko sa bandang leeg niya. Ano ba naman 'to, oo nagtatago ako. Huminga na naman siya bigla.

“'Di ba, halikan mo 'ko? 'Asan na?” Nakakatuksong tanong niya sa 'kin. Eh, ewan bahala siya diyan. Actually, joke ko lang 'yon eh, paano kasi ayaw pa niyang gumising. At kung sakaling hahalikan ko siya, siyempre sa pisngi lang. Ayoko sa lips, kadiri, yuck! Pero according sa study, nakakapag-burn daw 'yon ng calories—eh, basta ayoko sa lips. Pero teka, pa’nong napunta sa halik sa lips ang iniisip ko?

“Eh, pakawalan mo na 'ko.” Pag-iwas ko sa tanong niya. Oo, dinedma ko ang tanong niya. Bahala siya. Nakayakap pa rin siya sa 'kin, at same position pa rin 'to no’ng nakita ko siyang natulog sa sofa no’ng may red tide ako. Inamoy ko naman siya, well amoy—oso lang naman 'to. Ewan ko ba kung saan-saan siya napapadpad. Buti na lang wala akong maamoy sa kanya na dugo. Good thing din 'yon dahil sumusunod siya sa kasunduan.

Kung ganyan lang naman siya palagi, ay mamahalin ko na siya—erase, this is just a deal, only. Take note, a deal. Pero kung deal lang 'yon, matutulungan ko pa baa ng sarili ko na hindi mahulog sa kanya? Tingnan ko na lang. Bigla naman siyang tumahimik at tingin ko, natulog na naman siyang muli. Hay, naaasar na talaga ako. Wala na nga akong makakausap dito, matutulog na naman siya. Bakit kasi panay ang puyat niya. Nakakainis tuloy mukha na siyang nocturnal being.

“Jack,”

“Hmm?”

“Gising na,” sabi ko habang nakasubsob sa kanya. Gumalaw siya ng konti at pinakawalan niya ako sa mga bisig niya. Salamat naman. Umupo na naman ako sa sahig at tinitigan ko lamang siya. Umupo na siya at inayos na ang kanyang sarili. Well, nag-aayos pala siya ng sarili niya. Napatingin naman ako sa buhok niyang kulay brown. Ang sexy talaga tingnan 'pag messy. Lalo na parang nakatakip pa sa kanyang eyesocket. Pero mas maganda 'pag pinakita niya ang buong mukha niya.

Well, nakatitig na lang ako sa kanya ng matagalan na parang pinag-aaralan ko ang features ng mukha niya. Kahit na ang weird ng kulay ng balat niya, still, tao pa rin siya sa 'kin. Umukit na lamang ang ngiti sa mukha ko at 'di ko namalayan na nakatingin nap ala siya sa 'kin.

“Oh? Ba’t ka tulala diyan?” Napakurap na lamang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Well, ang epic lang naman ng scene na 'yon, 'no. “Ah—eh, w-wala. A-actually gutom na 'ko.”

Ngumisi na naman siya at tumayo at humakbang patungong kusina. Sinundan ko na lamang siya ng tingin at tumayo na rin. 'Yong gutom na sinasabi ko ay alibi ko lang, pero bakit parang nararamdaman ko na 'yon? Gutom na nga talaga ako. Nagtungo ako sa ref at bumungad sa 'kin ang napakaraming kidney at maamoy niya. Napatakip na lamang ako ng ilong at nagtungo sa lababo. Naduwal ako roon, oo kainis. Mukhang ilang dekada na yata nakatambak sa ref niya ang mga kidney. Napatingin na lamang ako sa kanya na pa-cool cool lang na tumungo sa ref at kumuha ng dalawang kidney.

Naduwal muli ako sa pangalawang pagkakataon. Dinig ko naman siyang tumawa ng nakakaasar. Pinunasan ko ng damit ko ang gilid ng bibig ko dahil nga nagsusuka na ako. Peste lang kasi, iniimbak pa niya ang mga kidney na ugh, umiitim na sa loob ng ref. Lumabas muna ako ng bahay at nagpahangin. Instead na gusto ko na kumain, nawala pa kasi nga sa amoy ng kidneys na nasa ref. Asar talaga, napatingin na lamang ako sa swing na parang tinali lang ang gulong at isinabit sa kahoy. Agad akong tumakbo papunta roon para naman makapag-refresh ng sarili. Since maghahapon na eh dapat lubusin ko na ang sariwa ng hangin.

Napapikit na lamang ako habang nag-s-swing. Sarap sa pakiramdam, naalala ko tuloy ang childhood memories ko no’ng nasa ampunan pa ako. Na-miss ko na rin si Sister Tessa. Saka 'yong mga nakalaro ko dati, na-miss ko na rin. Tiyak may kani-kanila na siguro silang pamilya. Napangiti na lamang ako nang may tumulak sa 'kin sa swing ng mahina. Mahina lang naman 'yon. Kumunot naman ang noo ko at napalingon sa likuran ko.

“Want some candy?” Namilog mata ko nang masilayan ko naman ang nakakatakot na mukha ng clown na ito! Sumigaw ako at bumaba ng swing para tumakbo pero bigla niya akong hinawakan sa kamay ng mahigpit. Tumawa naman siya ng nakakahilakbot.

“I want you into pieces. I want your lungs, your heart, your brain, everything. Just answer me, do you want some candy?” Hindi ako makapagsalita, pakiramdam ko na-hi-hypnotize ako sa tingin niya. Natatakot na ako, naalala ko ang sinabi ni Jack na si Jack ito. Si Laughing Jack.

“L-Let me go!”

“No, I won’t. I’ll give you candies and you’ll go with me. HAHAHAHA” Mariin akong pumikit at sumigaw ng napakalakas. Sumigaw na rin ako ng tulong pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at napatumba ako pero merong sumalo sa 'kin. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Jack. Napayakap na lamang ako sa kanya ng mahigpit. Hinaplos niya na lamang ang likod ko. Hindi pa rin mawala ang takot ko sa Laughing Jack na 'yon. Nakakatakot siya, nakakatakot. Bigla siyang humiwalay sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“'Di ba sabi ko naman sa 'yo, 'pag lalabas ka, dapat kasama mo ako? Hindi mo kasi alam na kusa na lang sumusulpot si Jack? Kaya ka niyang utuhin, Carol. Kaya ka niyang patayin, pero kung gagawin niya 'yon, magkapatayan muna kaming dalawa.” Hindi na lamang ako nakapagsalita pa at yumuko na lamang.

Inalalayan niya ako na tumayo at bumalik kami muli sa loob ng bahay. Hindi ko alam, napakamisteryoso ng isang Jack. Biglaan na lang kasi siya nawala no’ng sumigaw ako. Pero natatakot pa rin ako. Ano ba kasi ang pakay niya sa 'kin? Bakit ako? Naguguluhan na ako sa nangyayari sa 'kin mula ng umalis ako ng dorm ng school. Mula ng mapadpad ako sa bahay ni Jack. Pakiramdam ko, mga anong oras man lang ay makukuha na ako ng Jack na 'yon. Pero may tiwala ako kay Jack, I mean si Jack na boyfriend ko. May tiwala ako sa kanya.

Pinaupo niya na ako sa sofa at kumuha siya ng tubig sa ref. Pumikit ako at huminga ng malalim para naman mapakalma ko na ang isip ko. Umupo naman si Jack sa tabi ko at pinainom niya ako ng tubig. Nahimasmasan na ako kahit papa’no. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil iyon. Tumingin ako ng diretso sa kanya.

“I want to see you smiling,” wala sa mundo kong turan sa kanya. Sinunod niya naman ako at medyo inangat niya ang kanyang maskara. Nasilayan kong ngumiti siya sa kanyang bibig. Napangiti na rin ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nawala na ang ngiting iyon sa labi niya at hinalikan ko siya sa gilid no’n. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Oo, hinalikan ko siya, sa tabi nga lang ng labi niya. That was a thank you kiss. Biglang tumahimik ang paligid pero binasag ko 'yon.

“Thank you for being here for me.” Ngumiti muli ako sa kanya at tumango na lamang siya. I don’t know, I felt somewhat like butterflies in my stomach.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon