30~ I wish I could save you

387 23 8
                                    

I feel different these past few days. Para bang magkakasakit ako na ewan? Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa 'kin. Minsan parang lalagnatin ako na ewan. Minsan naman, naduduwal ako. May sakit kaya ako? Ilanga raw simula no'ng binalita sa akin ni Masky ang tungkol kay Jack. Hanggang ngayon ay wala pa talaga akong balita sa lalaking iyon. Nakakainis lang kasi hindi na talaga siya nagparamdam pa sa akin. Agad ko namang hinablot ang aking cellphone para tawagan si Jess. Kailangan kong magpasama sa kaniya na pumunta sa clinic. Hindi na talaga maganda pakiramdam ko.

"Hello, Jess? P-Puwede mo ba akong samahan?" Sabi ko sa kabilang linya. Medyo kakagising pa lamang ng bruha dinig ko kasi ang creepy este iyong bedroom voice niya. Suminghap na lamang ako.

"Oh? Bakit? May sakit ka? Iyan na! Baka napasukan nga talaga ng surot iyang ano mo!" Tumawa naman ako sa kaniya. Nakakatawa talaga 'tong si Jess.

"Baliw, baka may sinat ako. Kailangan ko magpakonsulta." Um-okay naman siya kaya binaba ko na ang tawag. Ang weird talaga ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Tila hindi ko alam kung may sakit ako o wala? Hay, 'wag naman sana ito karamdaman. Ayoko pang mamatay ng maaga. Sumandal muna ako sa kama at dumungaw sa bintana. Wala na talaga. Wala na talagang presensiya ni Jack dito. Nasa'n na kaya siya? Nagtatago ba siya? Iniiwasan ba niya ako? Hay, nakakainis lang kasi kinuha niya lang naman ang pagkababae ko at 'di na agad nagparamdam pa. Akala ko naman, iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Akala ko lang pala iyon. Iyon pala, pare-pareho lang sila.

Tumayo na lamang ako at tumungo sa banyo. Tinitigan ko na lamang ang repleksiyon ko sa salamin. Wala pa naman may nagbago sa 'kin. Agad na akong nagsipilyo at naghilamos. Nilalagnat talaga ako ang init ng pakiramdam ko. Dahil siguro ito sa ulan no'ng panahon na iyon. Pero matagal-tagal na iyon nakalipas ah. Ang weird talaga nito.

Napatungo na lamang ako sa pintuan dahil may nagdoorbell at alam kong si Jess iyon. Binuksan ko na lamang ang pinto at siya na nga. Kinapa niya ang mga pisngi ko at niyakap ako.

"Girl, hindi ka ba kumakain dito? Bakit mukhang nangayayat ka? Marami naman akong mga pagkain ah." Aniya sabay hagod-hagod sa likod ko. Bumuntong hininga na lamang ako at humiwalay na sa yakap niya.

"Masama pakiramdam ko, Jess."

"Okay, tara na. Samahan na lang kita sa doktor baka lumala pa iyan at dumami pa ang surot sa ano mo." Hinampas ko naman siya.

"Baliw! Walang surot sa ano ko, 'no!" Umiling na lamang siya at bumaba na kami ng unit niya. Iyon na nga, sinamahan na ako ni Jess papuntang clinic na hindi naman masiyado kalayuan dito sa condo unit niya. Siguro mga trenta minutos lamang ang biyahe mula roon sa unit niya. Nakarating na nga kami at hindi naman masiyadong marami ang mga pasiyente.

Matiyaga kaming nakapilang dalawa. Medyo malapit-lapit na kami eh. At heto na naman, nangangati na naman ang ilong ko na parang mangangatsing ako. Napatingin na lamang si Jess sa akin. Kinapa-kapa ko pa ang leeg ko medyo mainit pa rin. Pero hindi na kasing-init katulad ng kanina. Ewan pero kahit papa'no, magpapakonsulta na lang ako. Baka tama nga si Jess na may pumasok na surot sa ano ko. Hay naku.

Agad na tinawag ang pangalan ko at sinamahan na ako ni Jess sa loob. Baka raw kasi mahimatay ako bigla. 'Di pa naman ako nakakain ng pang-umagahan. Umupo na ako sa harap ng doktor. M.D. ito at ito na yata ang makakapagsabi kung may sakit ako o wala. Kinakabahan tuloy ako. Kung anu-ano na ang ginawa ng doktor sa akin. Ch-in-eck niya iyong tainga ko, iyong mata pati ang paghinga ko. At agad naman itong may isinulat sa kaniyang papel. Tiningnan niya rin ang body temperature ko kung mataas o mababa ang body temperature ko.

"Hija, ano'ng nararamdaman mo pagkagising mo?" Tanong nito sa 'kin. Huminga naman ako ng malalim.

"Ano po, kasi po masama ang pakiramdam ko t'wing gigising ako sa umaga. Mga ilang weeks ko na napansin ito. 'Tapos naduduwal po ako pero wala naman may lumalabas. 'Tas minsan, may hinahanap akong bagay na hindi ko naman makikita sa isang lugar. At mabilis po ako mairita kahit mag-isa lang po ako." Pagpahayag ko. Napatingin na lamang ako kay Jess na nakaawang na ang bibig na parang papasukan ng toneladang mga bubuyog. Napakamot na lamang ako ng ulo at pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ng doktor.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon