23~ Why?

481 34 10
                                    

Nagising na lamang ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Umaga na pala—teka! Nasa’n ako?! Napahawak na lamang ako sa sentido ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko, parang nahihilo yata ako? Bumangon na ako sa kama na ito at tumayo na. Teka, iba talaga ang lugar na ito! Hindi ito ang bahay ni Jack, hindi rin ito ang dorm namin, pero malay ko? Lumipat na kami ng dorm eh. Hindi pa rin eh! Tumungo ang direksyon ko sa kabilang kama, walang may nakahiga. Ako lang mag-isa ngayon sa kwartong ito.

Mariin ko pinikit ang mga mata ko at inalala ang nangyari kagabi—TAMA! Si, si Masky ba iyon?! Oo, siya ang huli kong kausap. 'Tapos, nasira ang elevator, so that means, patay na ako? Nasa langit na ako? Paano ako makakasiguro na nasa langit ako. Yumuko na lamang ako pero biglang nabaling ang atensyon ko sa pintuan na gumagalaw ang pihitan nito. Nanlaki ang mata ko at kinabahan ako bigla roon! Napakagat ako ng labi at lumunok ng konting laway.

Hayan na! Biglang bumukas kaya pinikit ko na lamang ng mariin ang mga mata ko. Huminga ako ng napakalalim at binuksan ko na mga mata ko.

“Carol, you okay?” S-Si Jess? Patay na rin? What the—hindi nga?! Tumayo na ako at lumapit kay Jess sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. Kitang-kita ko naman sa reaksyon niya ang pagkabigla. Sino ba naman hindi mabibigla na namatay ka na kaagad na hindi mo alam, 'di ba? Hinawakan niya rin ang kamay ko at tinanggal iyon mula sa mga pisngi niya.

“Hoy! Nakainom ka lang ng alak naging tomboy ka na! Gano’n na ba ang epekto sa iyo ng Baileys?” Umiwas ako ng tingin at umiling-iling. Patay na ba talaga ako?! Ang huling naalala ko kasi, ay natulog ako sa mga balikat ni Masky. Nasa loob kami ng elevator, na trap. Iyon lamang ang naalala ko 'tapos, nagising na lang ako na nandito na sa king size bed na dalawa pa! 'Tapos ang aliwalas ng paligid na parang walang problema.

“P-Patay ka na rin, Jess?” Agad sumalubong ang mga kilay niya at tinampal-tampal ako na parang ginigising.

“Ay baliw! Hinanap kaya kita sa reception desk. Akala ko nga nasa lobby ka lang iyon pala may kasama kang boylet. Tell me, virgin ka pa ba?” Namilog naman ang mata ko kaya biglaan ko siyang binatukan ng matindi.

“Aray!” Napahawak na lamang siya sa batok niya. Tiningnan pa rin niya ako ng seryoso. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. “God, am I that liberated, huh? I’m still a virgin girl, and innocent as well! Kaya huwag kang talak ng talak diyan!”

“Well, sino ang kasama mong boylet sabi ng receptionist doon?” Tsimosa nga naman! I simply rolled my eyes on her.

“Naku, si Masky iyon. Kaibigan ni Jack. Oops!” Napatutop ako bigla ng bibig. Shit! Nadulas yata ako?! Naku, ang bibig kong ito! Nakakaasar! Bakit ko pa kasi sinabi iyon? Ang hirap tuloy magdahilan sa babaeng ito. Baka kasi bigla niya akong sisingilin ng pinakain niya sa akin at iyong Baileys na pinainom niya sa akin. Huwag naman sana. Sumulyap ako sa kaniya at nakita kong naniningkit na ang mga mata niya at halatang-halatang naiinis siya dahil may tinatago ako sa kaniya.

“Carolyn?” Tinaasan ko siya ng kilay sabay puppy eyes. Ewan, hindi ko talaga alam kung paano magdadahilan sa kaniya. Paano nga ba?!

“Ahh… yeah! S-Si Jack, umm… nakilala ko no’ng napadpad ako s-sa…park! Yes, sa park ta—”

“Just tell me the truth, Carolyn.” Mariin na sabi ni Jessica Thomas sa akin! Naku, hindi ba kapani-paniwala ang pinagsasabi ko sa kaniya? Ang hirap nga namang gumawa ng alibi lalo na sa taong pinagkakatiwalaan mo. Lumunok muna ako ng laway at huminga ng malalim.

“Jess kasi,”

“I know Masky.” Napakagat na lamang ako ng labi at umiwas ng tingin sa kaniya. God! Ang hirap talaga, paano ko 'to sisimulan?! I snapped at heto na nga, ikukuwento ko na nga lang.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon