5~ His name is Jack

572 69 29
                                    

Napamulat na ako, at umaga na pala, at teka!? Saang kwarto ito? Ba’t hindi pamilyar sa 'kin? Saang lugar ako? Ano’ng ginagawa ko rito? Tumayo na ako sa kama at tumingin sa salaaming may marka pa ng dugo! Gosh, saan ako?!! Napatingin ako sa suot kong damit, 'yong dress ko—

— merong dugo!

“AAAAHHHH!!!!” Sigaw ko ng bigla akong may narinig na yabag papunta sa kwarto na 'to. Biglang bumukas ang pinto at bumungad 'yong lalaki—'yong lalaking pumatay kay Mr. Manyak kagabi. Namilog mata ko ng makita ko siyang may hawak na—kidney! Pasimple ko kinapa ang tagiliran ko, malay mo kasi baka kinuha na niya ang tagasala ng ihi ko. Ehh, kadiri naman nito, bakit siya kumakain ng kidney?! Wala namang sustansyang makukuha roon! Bumalik agad ako s realidad.

“Hoy! Ikaw, b-bakit ako nandito?!” Bulalas ko sabay duro sa kanya habang nakahawak pa rin ako sa tagiliran ko. Okay naman ang pakiramdam ko kasi, wala naman akong may nararamdamang sakit sa mga parte ng katawan ko. Dinig ko siyang ngumisi.

“Natulog ka lang naman habang buhat-buhat kita,” pasimpleng sumandal siya sa may pintuan. Agad namang nag-flashback sa 'kin ang mga nangyari kagabi—OO NGA! Tumakbo ako sa kanya sabay sinuntok-suntok ko siya sa dibdib niya. “Hayop ka, ibalik mo 'ko sa school! May klase pa ako!” Bigla niyang inilabas ang tingin kong sobrang talim na kutsilyo.

“Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sa 'kin?” Aniya na ikinakunot ng noo ko. What the—ano’ng utang na naman ito? Wala akong may naalala na umutang ako sa kanya, kahit utang na loob wala nga eh! Hindi ako umutang ng loob sa kanya, at kahit ano pang utang na tinutukoy nito! Pero pansin ko lang, bakit 'di na ako takot masiyado sa kanya? Dahil ba, umaga na? Maliwanag, pero kahit na, he’s still a sightless man. I don’t know kung nakikita niya ako.

“Hello? Are you insane? Wala akong utang sa 'yo. At kahit kailan, hinding-hindi ako uutang sa 'yo!” I crossed my arms on him. Bigla niya naman ako c-in-orner, at inilapit niya ang mukha este, 'yong may maskara niyang mukha sa 'kin! Teka, ba’t gan’to—my heart, is palpitating! Bigla ko naman siya tinulak, at tumalikod.

“Wala? Talaga lang ha?” Pinaglalaruan lang siguro ako ng lalaking 'to. Wala talaga akong maalalang utang. Utang, big word flashed in my mind. Lecheng utang na 'to, pa’no ako nagkautang sa isang sightless man na 'to. Sa mukha pa lang niya, ay—ewan! Hinarap ko muli siya. “Kung gayon, ano ang utang ko sa 'yo, aber?” Bigla niya akong hinila palapit sa kanya, tapos…tapos… he wrapped his arms around my waist! Mali ito, ang bata ko pa at isa pa, stranger siya!

Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nanlalamig na dahil sa, kanina pang kaba na hindi ko maexplain. Huminga ako ng malalim, at nakapikit lang ako. He tilted his head on mine and whispered, “are you really sure, babe?” Bigla namang uminit ang pisngi ko, babe? Kailan pa naging kami? Este, ano’ng trip talaga nito?! Hindi na ako makapagsalita, huminga na lang ako ng malalim. Pero gusto kong ipaglaban na wala talaga akong utang sa kanya! Asar siya ah!

“Wala akong utang sa 'yo, sightless man!” Tumawa siya sa 'kin, “well, ang utang mo sa 'kin, ay ito.” Bigla niyang itinapat sa— “AAAAHHH!!!!” Bwisit! Gago siya, naha-nahawakan ko ang, ang ano niya! Gross! Tinulak ko siya ng matindi at tumakbo sa loob ng banyo at naghugas ng kamay. Gago talaga siya, nakakainis! Hindi ko naramdaman 'yon, hindi ko nahawakan 'yon. Carol, he let you touch his— NOOO! Hindi, mali, wrong, basta mali iyon! Lord, sorry po nakahawak ako ng ano ng lalaki, pero siya naman ang humawak ng kamay ko! Ayoko na, mali iyon!

Nanghilamos na kaagad ako dahil nga may makeup pa ako sa mukha. Kinamot-kamot ko pa ang pisngi ko, bwisit siya! Bwisit na sightless 'yon, kainis! Pagkatapos kong maghilamos ay nag-alcohol ako para naman mawala ang kasalanan sa kamay ko. Nakakainis, tiningnan ko siya at nasa pintuan pa rin siya ngumingisi. Oo, dinig ko pa ang pag-ngisi niya. Inirapan ko naman siya at inayos ko ang damit ko. Naglakad na ako paalis at binangga ko pa siya.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon