20~ Breaking into pieces

431 40 12
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nang 'di ako pinapansin ni Jack. May problema ba kami? Tatlong araw na ito ang pag-iiwas niya sa 'kin Gumigising ako ng madaling araw para lang hanapin siya pero walang bakas niya sa tabi ko t'wing gabi. Oo, kasama ko si Jack na matulog sa iisang kwarto kasi minsan, na-fi-freak out ako 'pag mag-isa lang ako sa kwarto. Tumayo na ako para lumabas na nang makita ko naman siya sa sofa na nakahiga. Tulog yata ito, napasinghap na lamang ako at lumapit sa kanya.

Umupo ako sa sahig at ipinatong ko ang ulo ko sa maliit na space sa sofa. Tulog nga yata siya, tahimik kasi at hindi niya ramdam ang presensya ko. Tumayo muli ako at umupo na lamang sa espasyo sa sofa. Tinitigan ko na lamang siya-gusto ko sanang tanggalin ang maskara niya pero hindi ko alam para bang merong pumipigil sa 'kin na gawin iyon. Gumalaw siya ng konti at niyakap ng mahigpit ang throw pillow. Sana, unan na lang ako. Hinaplos ko ang maskara niya at hinawakan ko naman ang bakal na nakakabit sa kaniyang leeg. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.

"Hmm," napangiti naman ako dahil narinig ko naman ang boses niya. Napalunok ako at dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya at pinisil-pisil ko ito. Umakyat naman ang init sa mukha ko habang nakangiti ng mag-isa. Para ba naman akong tanga rito na ngumingiti ng wala man lang dahilan.

"M-Mahal na kita, Jack. Although it's a deal pero-sana m-mahalin mo rin ako." Turan ko habang tahimik naman siyang natutulog. Bumuntong hininga naman siya at bumalikwas dahilan ng pagtayo ko ng 'di oras. Napatutop na lamang ako ng bibig habang namumula na ang pisngi ko. Ewan ko ba! Mahal ko na nga siya, better than his deal. Tumalikod na ako at gusto ko ng maglulupasay sa tuwa. Ewan ko ba, masaya lang ako. Pero narinig niya kaya iyong sinabi ko sa kanya?

Humakbang na ako patungo sa kwarto nang dinig ko siyang tumikhim at huminga ng malalim.

"Mahal rin kita..." He said in a husky voice. Pasimple akong ngumiti habang ng nakatalikod ako. "Nina. Mahal na mahal kita."

Biglang napawi ang ngiti kong iyon at patuloy na akong pumasok sa kwarto at buong puwersa kong isinara ng pinto. Alam kong nananaginip lang siya pero sino iyong Nina na binanggit niya? Carol ang pangalan ko, hindi Nina! Napatingin na lamang ako sa repleksyon ko sa salamin at unti-unting tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Ang sakit no'n, kahit sabihin ko pang panaginip lang niya iyon pero-ang sakit!

Niyukom ko na lang ang palad ko at napaupo ako sa sahig ng 'di oras. Siguro, kailangan ko ng umalis-kailangan ko ng magpakalayo. Hindi ko alam para bang tinusok-tusok ng barbecue stick ang puso ko nang marinig ko iyon mula sa kanya. Bakit? Heto na nga ang sinasabi ko eh, dapat hindi na lang ako nakipag-deal sa kanya. Hindi pa ako nasaktan ng ganito. Tumayo muli ako at pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Isa lang ang maging desisyon ko rito. Ang umalis na sa lugar na ito at kakalimutan na lang siya. Tutal, hindi naman niya ako pinapansin at hindi rin kami nagkikibuang dalawa rito.

Hindi na ako naligo bagkus ay inayos ko na ang gamit ko at gumayak para umalis na. Baka kasi umulit pa iyon, ayoko na masaktan pa-sapat na iyon. At siguro naman ang Nina na iyon ang gusto niyang kalimutan kaya niya ako binigyan ng deal na mahalin siya. Hindi ko alam kung iyon nga talaga pero-ang sakit pa rin.

Lumabas na ako mula sa kwarto at nakita ko siyang umuupo na. Kanina lang kasi nakahiga pa siya at hindi ko alam kung tulog ba talaga siya no'n o nagtutulog-tulugan lang. Nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko ang lumingon siya sa 'kin. Hindi ko mahulaan kung nabigla ba ang ekspresyon niya o ano. Kumuyom ang bagang ko at umiwas na ako ng tingin sa kanya. Humakbang na ako patungo sa pintuan para lumabas na pero bigla niyang hinigit ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Sinundan niya pala ako.

"'Wag kang umalis," malamig na turan niya. Huminga ako ng malalim at kumalas ako sa yakap niya. "Bitawan mo ako!" Madiin kong sabi sa kanya.

"Ano ba ang problema natin?" Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at bumuntong hininga. Hindi ko alam, naiinis ba ako o - hay! Ewan! Naasar ako sa sarili ko, naaasar ako dahil sa deal na ito sa p-tang-inang deal na ito! Fuck! Tiningnan ko muli siya diretso sa kanyang eye socket at lumunok.

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ako." Tumalikod na muli ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likod. Ramdam ko ang pagpatong ng kanyang ulo sa balikat ko. Dinig ko rin na parang-umiiyak siya? "I'm sorry." Umiling na lang ako at tinanggal ko na lang ang kamay niya sa baywang ko.

"Carol, please." Buong tapang ko siyang hinarap muli-sa huling pagkakataon. "You don't fucking love me, do you? Nagdadayaan lang ba tayo rito? Ako tumupad ako sa deal mo kahit na labag sa loob ko iyon kasi nga priority ko sana ang pag-aaral. Pero Jack, I gave up my study just to love you. But heck! Ang sakit 'pag ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa. So it's better to cut this relati-"

"Then go," sa boses niyang iyon, malungkot siya. May halong lungkot at galit na sabi niyang iyon sa akin. Pinunasan ko na lang ang luha ko at tumalikod na sa kanya at humakbang paalis.

Aaminin ko, kahit sinabi ko 'yon, meron pa ring kahit konting sakit akong naramdaman sa sinabi ko. Mabigat sa loob ko ang ginawa ko pero I have no choice. He doesn't love me. Ako lang ang nakaramdam na mahal ko siya. Ako lang ang nag-e-effort, naglalambing. Wala akong may natangap na sukli niya sa pagmamahal ko sa kaniya. His sweetness is nothing to me. Pero bakit gan'to? Parang gusto ko siyang balikan na hindi? Gusto dahil na-hook na ako sa kanya na mahal ko na siya talaga. Hindi dahil, may dati pala siyang minahal and he still love her. Jack loves that Nina.

Eh, bakit ako nakipag-deal do'n? Heck, I'm just fooling myself. Nakakaasar to the point na nagpapakatanga ako sa isang weird man who's wearing black hoodie with a blue mask on it. Shit! Walang humpay ang pag-agos ng luha ko habang naglalakad na dala-dala ang bag ko. Ayoko na bumalik pa roon! Ayoko nang makita ang mukha niya. Pakiramdam ko kasi-kung makita ko pa siya maaalala ko lang iyong binanggit niya habang natutulog siya. That hurts me a lot!

Sa kakalakad ko, napahinto na lamang ako nang makita ko si Jeff sa tapat ng abandonadong bahay na kung saan kong naisipang pasukin. Napahinto ako roon at nakita ko siyang nakayukom lang ang mga kamao niya. Hindi ko alam para bang may sariliing isip itong paa ko dahil humakbang ito papunta sa kanya.

"Leave me, alone." Malamig na sabi niya sa 'kin. Hindi ko siya pinakinggan bagkus ay umiyak na lamang ako sa likod niya. "P-Papa monster, I'm sorry." Humarap naman siya sa 'kin na basang-basa ang pisngi niya. Nagtaka naman ako roon.

"May sasabihin ako sa iyo." Aniya sabay hila sa akin papasok sa loob ng bahay na iyon. Napatingin na lang ako sa paligid-this place seems so familiar. Hindi ko na maalala kung kailan ko ito nakita. Hinawakan ni Jeff ang kamay ko at umakyat patungo sa taas. Humakbang kami sa hagdan na hanggang ngayon ay matibay pa rin. Matagal na 'tong bahay na ito, tila ilang taon na ang nilipasan nito. Huminto kami sa isang kwartong nakabukas na ang pintuan.

Hindi pa kami nakapasok at biglang kinapa ni Jeff ang pisngi ko. "May itatanong ako sa iyo,"

"Ano iyon, Papa monster?" Huminga na lamang siya ng malalim. "Na-miss mo ba si Mama Leila mo?" Biglaang tumulo naman ang luha ko at tumango na lang bilang sagot sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at lumuhod sa harap ko. Hindi ko siya maintindihan, hindi ko alam kung ano ang pinahihiwatig niya rito. Napakagat na lamang ako at sumulyap sa loob ng kwartong iyon. Binaling ko naman ang tingin ko sa kaniya. "Papa, tumayo na po kayo,"

Pilit ko siyang pinatayo nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Carol... I killed her... I killed Leila." Bigla akong napahiwalay sa yakap niya at sinampal ko siya ng matindi.

"How could you!?" Sigaw ko sa kanya. Binaling ko muli ang pintuang kalahati ang bukas at pinasok iyon. Isang masangsang na amoy ang sumalubong sa 'kin pero pinilit kong lumapit do'n. Napaluhod na lamang ako ng 'di oras at humagulhol lalo sa iyak. There on the bed, was the corpse of Mama Leila. Kalansay na lang pala siya. Humikbi ako at lumapit ako sa kama niyang may natuyong dugo pa-naging itim na. Lumingon na lamang ako kay Jeff na nasa bandang pintuan, tumutulo ang luha niya. He's a jerk! Inirapan ko na lang siya at tumayo para i-report ito.

"Sorry," hindi ko na lamang siya pinansin bagkus ay binangga ko siya. Dati humupa na ang galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang sa pisngi ko-pero ngayon, tingin ko hindi na huhupa ang galit ko sa kanya. I fucking hate him!

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon