21~ The Party and the Trouble

398 34 12
                                    

“Jess,” sabi ko sa kabilang linya. Oo, tinawagan ko si Jess. Babalik na kasi ako sa school at ayoko ng babalik pa sa bahay ng letseng Jack na iyon. Syete kasi, umaasa naman ako—ewan! Forget about it, Carol! Napakamot na lamang ako ng ulo ko.

“Yes? Hello? Shocks ka girl, nag-le-lecture pa rito si Ma’am. Tumawag ka naman, nag-excuse lang ako. Kamusta ka na?” Napalunok muna ako ng laway at huminga ng malalim. Heto na naman, bumibigat na naman ang nararamdaman ko at parang lalabas na naman ang luha kong pinipigilan ko kanina pa.

“Eh, kasi—babalik na ako diyan sa dorm… pwede ba?” I heard her cussing.

“Girl, mag-isip ka muna ng maigi. Huwag ka munang bumalik dito sa school. Alam mo ba ang three months? Bilang mo ba, ha?” Bumuntong hininga na lamang ako. “Okay, sige. Text mo 'ko kung anong oras out mo diyan. Hintayin kita, maghanap lang ako ng lugar para makapagpalipas ng oras.”

Binaba ko na ang tawag at naglakad na lang ako ng mag-isa. Kainis, kaasar, nakaka-badtrip naman kasi. Tanga ba ako? Manhid o ano? Kanina pa akong lakad ng lakad na mag-isa. Napagpasiyahan ko na lamang umupo rito sa bench na nasa bus stop. Wala na kasi akong alam na lugar para makapagpalipas ng oras. Siguro dito na lang ako. Nakakainis lang kasi sila. Si Jack at si Jeff. Nakakainis sila, big time! Sumandal na lamang ako ng buong magdamag dito sa bench. Nang nangawit na ako, ay humiga na lamang ako. Ginawa kong unan ang bag ko. Ipinikit ko na lamang ang mata ko kahit hindi ako naantok.

Ah! Peste, bumalikwas ako ng higa pero muntikan na akong malaglag buti na lang ay nakakapit ako. Umupo muli ako sa bench at bumuntong hininga. Dapat ba babalik ako roon kay Jack? Eh, ano’ng gagawin ko do’n? Wala na kami? Tinapos ko na ang namamagitan sa amin. Ayoko kasing maalala muli ang binanggit niyang pangalan habang natutulog. Ayokong masaktan pa muli.

Para naman akong tanga rito na nakatunganga lang. Walang nagagawa humiga muli ako sa bench pero sa pagkakataong ito, ay dinalaw ako ng antok kaya nakatulog na ako.

Lumuhod siya sa harapan ko, habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Teka, bakit ko 'to nararamdaman? Iyong parang malulupasay ako sa kilig?! Tinitigan ko ang mukha ng lalaki pero hindi ko masiyadong maaninag ang kaniyang mukha. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko habang kinikilatis ko ang mukha niya pero hindi ko pa rin makita iyon. Malabo ang mukha nito. Bigla siyang tumikhim.

“Carolyn, will you be my girl again? But this time, it’s for real.” Tila nagpi-piyesta ang mga paru-paro sa sikmura ko sa sinabi ng lalaking ito. Hindi ko alam, para bang naiihi ako na ewan? Kinikilig ako! Namuo ang init sa mukha ko habang nakatitig sa kaniya. Nakaluhod kasi siya, at medyo natakpan ang kaniyang mukha ng kaniyang buhok na kulay brown.

“Y-Yes! Yes I will, again!” Hindi ko na matantiya ang kasiyahan ko kaya agad na siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Iyong yakap na hindi mo maikukumpara sa kahit ano’ng bagay. Iyong yakap ng isang tao na punong-puno ng pagmamahal. Parang sasabog ako sa kilig hindi dahil sa nakaka-in love ang boses niya, kundi sa pagpropose niya sa akin—ulit.

Ulit? Teka, sino ba talaga itong lalaking ito? Humiwalay na ako sa yakap niya at tiningnan siya. Nakatakip ang buhok niyang kulay brown sa kaniyang mata kaya hinawi ko iyon. Bakit ganito? Malabo pa rin?! Hindi ko maaninag kung sino itong lalaking ito!

Naramdaman ko na lang ang mainit niyang palad sa mga pisngi ko. Nakikita ko labi niya, nakangiti—namumula pa rin ako! Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay gusto ko rin ang lalaking ito. Papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko—gahibla na lamang ang pagitan nito sa akin. Dahan-dahan akong pumikit nang maramdaman ko ang mainit niyang labi na humahalik ngayon sa labi ko. Tumugon ako sa kaniya ng halik at pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon