3~ Welcome Party

731 79 28
                                    

Kakagising ko lang at nagsisipilyo pa ako. Oo nga naman, another day nga naman dito sa dorm. Maganda naman ang tulog ko walang sagabal. Saka wala namang multong gumambala sa pagtulog ko ah. Baka, in-e-echos lang ako ni Jess para matakot ako. Naku, hindi na ako matakutin, 'no! Sa dinami-raming mga unknown faces na nakikita ko, hindi na ako natatakot. Maliban sa lalaking nakita ko sa dinaanan ko kahapon. Ang weird talaga ng hitsura niya.

“CAROL!!” Dinig kong sigaw ni Jess sa labas ng kwarto ko. Dinura ko na at nagmumog, tumungo ako sa pintuan at pinagbuksa ko si Jess. Ang aga-aga nga naman, nambubulabog, buti na lang wala pa ang roommate ko. Pero nagtataka ako, kailan pa ang balak niyang pumasok? Baka siguro tinamad nang mag-dorm.

“Ang aga-aga, para ka namang excited diyan.” Huminga siya ng malalim sabay dilat ng mata niya. “EXACTLY! Oo, excited ako wanna know why?” Ngumiti siya sa 'kin at may dinukot na invitation. Kinuha ko naman iyon at kumunot naman ang noo ko. What? Welcome party? Para saan naman 'to? Seriously, tingin ko, hindi gusto ng mga tao rito ang matuto. Kaya nagbibigay na lang sila ng mga pa-party o kaya mga programs na wala namang tinulong sa mga studyante. Bumuga na lang ako ng hangin at ibinalik kay Jess ang invitation.

“Wala akong time para diyan. I’d rather read books than joining that welcome party.” Tumalikod na ako nang nagsalita siya.

“Wait, hindi pa nga ako tapos eh, para ito sa ating lahat! Freshmen! Newbies, ano pa nga ba? Mga baguhan, kaya attend na tayo!! Gusto kong magparty-party!” I rolled my eyes on her and I raised my left eyebrow. Naku, ano ba ang makukuha nila sa party na iyan? Kung ni-lecture na lang nila 'yan, kaysa mag-party aba’y okay pa.

“I don’t like parties.” Yumuko naman siya na parang na-dismaya. Isa ring dahilan kung bakit ayaw kong dumalo diyan sa party na 'yan ay wala akong damit, make-ups, accessories at shoes. Kaya magbasa na lang ako ng mga libro para namang, mag-enjoy ako. Oo, I can say na meron akong sariling mundo. But hey, meron tayong sari-sariling mundo. Kaya kung saan ako masaya, at mag-e-enjoy, doon ako.

“Sorry talaga, Jess.” Tiningnan niya lang ako at bumuntong hininga. Well, naiisip ko na ang iniisip niya, pipilitin niya naman ako nito. “Please,” she pleaded then she knelt. Sabi ko na ng aba, magmamakaawa talaga siya na dadalo ako. Hay, ayoko talagang dumalo, ayokong uminom, ayokong mag-chit-chatting ayokong mag-mingle basta, ayoko sa party.

“I-I,” hindi ko na tuloy kayang sabihin, kasi parang naawa na rin ako kay Jess eh. Napaisip muna ako, at oo, kailangan ko talagang mag-isip baka naman maraming manyak sa party. Ayoko kayang mamanyak, ewan—I can say na nega talaga akong tao at hindi na iyon magbabago pa. Umiwas pa ako ng tingin kay Jess, at bumaling muli sa kanya.

“Sige, pero paano 'yon? Wala akong damit? At, maganda ba ang welcome party dito?” Tiningnan niya ako na may halong pagtataka. “Are you really sure na hindi ka pa nag-pa-party?”

“Never in my whole entire life.” Sagot ko, bigla niya akong tinulak papasok sa kwarto ko at humagikhik ng tawa. Napakamot na lang ako ng ulo sa kanya, dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Medyo nag-alala ako ng konti baka kasi, aatakihin ito at ma-passed out dito sa kwarto ko. Bigla siyang tumahimik at sumeryoso ang mukha niya. “'Yon ang tawa ni Laughing Jack.” Bumuga na lang ako ng hangin at umupo sa kama ko. May sarili rin siyang mundo eh, so do I.

Nag-iisip pa rin ako kung dadalo ako o ano? Hindi ko talaga alam, wala naman akong kutob sa mangyayari mamaya, ang iniisip ko lang kung paano 'yon? Sa mga libro ko lang nababasa ang mga party-party na 'yan eh, minsan napapanood ko. I’m too innocent enough, ano kaya ang gagawin ko if ever sasama ako kay Jess na maki-party sa mga studyante rito? Napahawak na lang ako sa baba ko, at oo nag-iisip talaga ako. Baka may inumin roon, saka ano—saka ayokong malasing! Naku, baka hindi naman siguro magkaroon dahil school ito eh, hindi bar.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon