25~ I wouldn't mind

432 32 4
                                    

Nandito ako ngayon sa condo unit ni Jess. Kasi raw hindi na ako puwedeng pumasok sa school dahil drop na ako roon. Laglag na rin ang title ko. Higa, nood ng TV o 'di kaya movies ang ginagawa ko which is ayaw ko. Hindi ko lang alam, mas gusto ko pang magbasa ng libro kaysa naman manood ng kung anu-anong palabas. Napasinghap na lamang ako ng hangin at dumungaw sa bintana. Tago at malayo ito sa pamilya ko ang condo unit ni Jess. Kaka-check out lang namin sa hotel kaya dito ako dinala ni Jess. Hindi na rin nagpakita si Masky sa 'kin. Pero na-mi-miss ko na talaga si Jack.

Nagsisisi ba ako kung bakit ko ginawa iyon sa kaniya? Kung bakit nag-jump agad ako sa conclusion. Mali ba ang ginawa ko? 'Di ba, nakaraan niya lang ang Nina na iyon. Pero bakit ganito ako kaapektado?! Bumaba muna ako ng unit kasi meron akong nakitang park na 'di kalayuan sa condo unit ni Jess. Nilakad ko lang at ang sarap ng hangin na humahalik sa balat ko. Tila ba nagpapaalala sa mga nakaraan na magkasama kami ni Jack.

Nagtungo agad ako sa bakanteng swing at umupo. Medyo malakas ang simoy ng hangin na may dalang konting lamig kaya napayakap na lamang ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit naalala ko pa rin ang kabataan ko sa playground. Naalala ko pa no’ng mga panahon na binu-bully ako ng ibang mga bata. Dahil nga naligaw ako kasi nag-pi-picnic kami ng pamilya ko. 'Di ko pala namalayan na iniwan na nila ako. Hindi man lang silang naghanap ng paraan para mahanap ako.

Ramdam ko na lamang ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Naiyak na pala ako. Pinunasan ko na lamang iyon nang bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likod ko. Napatingin ako sa hoodie na kulay black na nakayakap sa 'kin. Dahan-dahan ko tinanggal iyon at hinarap ko ang taong iyon.

“'Di ba J—”

“Ay, sorry, Miss. Akala ko ikaw iyong girlfriend ko.” Sabi ng lalaki sabay kamot sa ulo niya. Na-pa-paranoid na ba ako? Bakit siya na lang palagi ang iniisip ko? Sinundan ko na lamang ang lalaki na naglalakad paalis mula sa direksyon ko.

Naka-black hoodie siya kasi nang nagkita na sila ng hinahanap niyang girlfriend ay agad ko naman nasaksihan ang paghahalikan nilang dalawa. Tumulo pa lalo ang mga luha ko. Hindi ko lang alam. Naalala ko lang siguro ang first kiss ko kay Jack. Napakagat na lamang ako ng labi at umupo muli sa swing.

Dinuyan-duyan ko ang swing habang dinadama ang hangin na humahampas sa balat ko. Nakakarelax ang ganito, ang ganda pa ng lugar. Tahimik pa at walang problema. Marami naman ang mga nag-pi-picnic kaya siguro naalala ko ang childhood ko. Pero tama na 'to, ayoko na umiyak pa muli dahil sa nakaraan ko.

Nahagip naman ng paningin ang taong umupo sa katabing swing ko. Nakikita ko lamang ito sa gilid ng paningin ko. Wait, hindi siya ito. Napaparanoid ka lang, Carol. Hindi ko maiwasan ang lingunin ang katabi ko na nag-s-swing. Wala eh, hindi ko lang talaga maiwasan. Sakto  namang nagkatagpo ang paningin naming dalawa. I miss that blue eyes, that well curved lips and his pointed nose.

“J-Jack?”

Ngumiti na lamang siya sa 'kin at tumayo mula sa swing. Tuluyan na siyang tumalikod at umalis na. Kailangan ko siyang makausap kaya tumayo na rin ako sa swing at balak ko siyang habulin ngunit sa nakita ko sa mga mata ko. Bawat nadadaanan niyang tao ay tinutusok niya ang mga gilid nito sabay hila sa kidney. Saksi ako roon. Napatutop na lamang ako ng bibig pero hindi pa rin ako sumuko. Hinabol ko pa rin siya habang siya naman ay patuloy ng pagkuha ng kidney sa mga tao.

Nagkakagulo na ang mga tao sa playground lalo na’t magkakagat na ang dilim. Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko at nang malapit ko na siyang mahabol ay agad ko siyang niyakap sa likod.

“J-Jack,” I said while sobbing. Dinig ko naman siyang huminga ng malalim at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Saka niya tinanggal iyon pero nagmatigas pa rin ako, niyakap ko pa rin siya.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon