10~ Is this LOVE?

533 50 13
                                    

Patuloy pa rin niya akong kinakaladkad. Hindi ko alam kung bakit biglaan siyang nagalit sa 'kin. Isa pa, wala naman dapat siyang ikagagalit kasi in the first place, wala siyang karapatang magalit. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa braso ko kulang na lang ay maputol ito. Hindi ko na talaga alam kung saang lupalop na kami ng lugar ngayon. Kasi nga, hindi na pamilyar sa 'kin ang mga nadadaanan namin. Bigla siyang tumigil sa kalagitnaang paglalakad namin ng mabilis, at binitawan niya ang kamay ko. Napahawak ako roon at dinig kong hiningal siya bigla. Bumuntong hininga naman ako at inayos ko ang buhok ko.

“Bakit mo ko dinala rito?” Iritableng tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot. Ano ba kasing problema nito? At bigla-biglang na lang ako hinablot. Kinapa ko muli ang sugat ko sa mukha at hindi na masiyadong nagdudugo pero medyo mahapdi na ito.

“Bakit ka nakipag-usap sa Jeff na 'yon?” Bakit, bakit puro na lang bakit. Magbabatuhan na lang ba kami nito ng bakit? Ako ang unang nagtanong 'tapos 'di niya ako sinagot. 'Tapos, siya naman ang nagtanong, edi bahala siya. Hindi ko na lang siya sinagot, bagkus ay napaupo ako sa isang malaking ugat ng puno. Sumandal ako roon at pinunit ko na naman ang damit na ito kahit nagmukha na siyang crop top.

“Bakit, Carol. May gusto ka kay Jeff? Mahal mo si Jeff?” Napatingin ako bigla sa kanya, dahil bigla niya akong pinaharap. Nabigla ako roon sa mga sunod-sunod niyang tanong kaya napakamot ako ng ulo ko habang tinatakpan ko ang sugat ko.

“ANSWER ME!” sigaw niya. Napayuko na lang ako at tumayo muli, tiningnan ko siya ng diretso kahit 'di ko kaya.

“H-Hindi ko siya m-mahal. Siya ang tumayong ama sa 'kin.” Paliwanag ko, dinig kong ngumisi siya at tumalikod sa 'kin. “Sa tingin mo ba, maniniwala ako sa 'yo?”

“Sabi mo gusto mo 'ko, so ano 'yon? Gusto mo ko kahit wala kang tiwala sa 'kin?” Hindi ko napigilan ang sarili ko at hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Nanatili siyang nakatalikod at nakayukom ang kamay niya. Ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya. Napalunok ako at tumalikod na rin para aalis na ngunit bigla siyang nagsalita.

“'Wag mo na akong utuhin, Carol. Alam kong bata ka pa, at tingin mo, sa bente anyos na 'to mauuto mo? 'Wag mo 'kong bigyan ng gano’ng rason, dahil nakikita mo gusto mo si Jeff.” Biglaang kumunot ang noo ko at lumingon muli sa kanya na nakatalikod pa rin sa 'kin. Bakit? Bakit ko pa kailangang kumbinsihin siya na hindi ko gusto si Jeff. Dahil ba na gusto ko siya? Hindi ko siya gusto, at kahit kailan, hinding-hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya.

“Bakit tumahimik ka?” Napukaw muli ako nang humarap siya sa 'kin. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa direksyon ko. Ako naman ay umuurong na lang. Hindi ko siya masiyadong tinitingnan ng diretso.

“W-Wala nga akong gusto sa kanya! Hindi mo ba talaga maintindihan 'yon?! Nakikita mo ba ito?” Ani ko, sabay turo sa sugat na ginawa ni Jeff sa 'kin. “Tingin mo magugustuhan ko pa siya kahit na ganito ang ginawa niya sa 'kin?” Napatingin naman ako sa bulsa niya dahil hinablot niya ang kanyang—kutsilyo.

“Sabihin mo sa 'kin kung nasaan siya.” Galit na may kasamang diin na sabi niya. Bigla namang tumulo ang mga luha ko galing sa mata ko. Umiling-iling na lang ako pasagot sa kanya. Bigla siyang sumigaw at sinaksak niya ang kutsilyo niya sa puno. Nilapitan ko naman siya at hinawakan ko ang isang kamay niya. Alam kong masama ito, pero—basta, gusto ko lang bumalik sa tapat ng abandonadong bahay kanina.

“J-Jack,” tawag ko ngunit hindi siya tumugon. Umupo na rin ako at dahan-dahan ko siyang niyakap. Hindi ko alam, kasi nakaramdam ako ng isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nakita kong nabitawan niya ang kutsilyo niya at tinanggal niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.

Biglang tumahimik ang paligid na tila kami lang ang tao rito maliban sa mga ibon na nagsisitunugan. Hinaplos ko ang maskara niya pababa sa kumukurbang labi nito. Teka—ano’ng ginagawa ko sa taong ito? Bakit ko 'to ginagawa? Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Hinaplos niya naman ang buhok ko dahil medyo natakpan ang kalahati ng mukha ko. Naramdaman ko na rin ang init na umakyat papunta sa pisngi ko. Kahit ang buo kong katawan ay uminit na. Hindi naman ako nilalagnat o ano, hindi ko lang talaga alam ang nararamdaman ko ngayon. Sumandal siya sa puno at kinandong ako. Napakagat ako ng labi at tumitig sa kanya. Nilakbay ko ang paningin ko sa kanya tila bang isang maze na hindi ko alam kung saan ako lalabas. Kinagat ko naman ang daliri ko na parang bata habang nakatitig pa rin sa kanya. Gano’n rin siya sa 'kin, pero nakahawak siya sa bandang bewang ko para masuportahan niya ako at 'di ako malaglag sa kandungan niya.

Pero 'di ba dapat mali 'to dahil ang bata ko pa? Bakit 'di ko kayang pigilan ang sarili ko? Alam kong anim na taon ang tanda niya sa 'kin, pero hindi ba ito pangit tingnan? Pero—hindi ko talaga alam.

Patuloy ko pa rin kinakagat ang daliri ko habang nakatitig sa kanya. Bigla niyang binitawan ang kamay niya na nasa bewang ko at muntikan na akong malaglag. Pero buti na lang, napahawak ako sa kanya—sa leeg niya mismo. Napansin ko naman ang bakal na nakakabit doon, hinawakan ko 'yon, at tumingin muli sa kanya.

“Bakit ka meron nito?” Maamong tanong ko habang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya. Umayos muna siya ng upo at medyo hinila niya ako palapit sa kanya. Hinahawakan na niya ang bewang ko. Napalunok muna siya, nakita ko kasing gumalaw ang adam’s apple niya.

“Ah, wala 'to.” 'Yon lamang ang sagot niya. Hindi ko na lang iyon inusisa pa baka kasi magalit pa siya. At ayoko na muling magalit siya dahil nakakatakot. Baka kasi, kukunin niya ang kidney ko at kainin. I cleared my throat at inayos ko ang upo ko sa lap niya. Buti na nga lang at walang tao eh, kasi kung nasa park kami, naku baka pagtitinginan kami ng mga tao. Pero sa totoo lang, wala kaming relasyon ni Jack. At hindi ko rin alam kung bakit ko pinayagan ang sarili ko na sumama sa kanya na kahit na pwede akong pumiglas sa pagkakahila niya sa 'kin kanina.

Hindi ko pa kasi makumpirma kung love ba ito o infatuation man lang. Wala pa kasi akong makitang bagay na makakapag-prove sa 'kin na ito ay love. At isa pa, hindi pa ako handang pumasok sa bagay na iyon sa kadahilanang bata pa ako. Pero tingnan mo ngayon, kasama ko ang bente anyos na kumakain ng kidney, how funny, 'di ba? Pero sabi nga naman ng iba—love can break the rules. Kung sa step-up pa, it’s better to break the rules, 'di ba?

Napailing na lang ako sa iniisip ko, at tingin ko edad ko lang ang katorse anyos pero ang isip ko hindi ko alam kung ilang taon na. Pero ang isip ko, parang may sinasabing kulang pa daw para maramdaman ko na nagmamahal ako—leche naman 'to. Pero nararamdaman ko nga, na parang hindi pa ito ang tadhana ko, na hindi pa siya ang tao para sa buhay ko. Napatingin naman ako dahil hinawi niya naman ang buhok ko.

“Mukhang malalim yata ang iniisip mo, Carol?” Napalunok muna ako at medyo umiwas ng tingin. Heto pa ang hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matawag-tawag na kuya kahit anim na taon pa ang tanda niya sa 'kin. Pero hindi ko lang talaga alam kung bakit ko iniisip ito. “Ah—wala, iniisip ko lang ang pag-aaral ko.” Pagsinungaling ko sa kanya.

Kasi naman 'pag sinabi ko sa kanya baka hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa 'min ngayon. Kaya mas maiging mag-alibi na lang kaysa sabihin ang totoo, 'di ba? Biglaang katahimikan na naman ang bumalot sa 'ming dalawa. Pero 'di naman nagtagal 'yon, dahil binasag niya.

“Carol,”

“Hmm?”

“Will you be my girlfriend?”

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon