14~ His Weakness

557 48 20
                                    

Gumising ako dahil maaga na pala. Tumingin ako sa gilid ng kama, wala na pala si Jack. Teka, sa’n napunta 'yon? Bumangon na ako at tumungo sa banyo para makapaghilamos. Medyo iba 'tong kwartong pinasukan ko ah—ay, oo nga pala kwarto pala ni Jack ito kaya pala parang iba. Pero teka—may nangyari kaya? Agad naman akong humarap sa salamin at inangat ko ang damit ko pero wala naman akong nakitang hiwa sa gilid ko na ibig sabihin, hindi niya kinuha ang kidney ko.

Pumasok na ako sa banyo para makapaghilamos. I’m sure kung saan naman siguro napunta si Jack at sana pagbalik niya may dala na siyang pagkain para sa 'kin. Dapat niya talaga akong pagsilbihan 'di dahil sa girlfriend niya ako, kundi dahil dinala niya ako rito sa pamamahay niya na hindi ko alam kung bahay niya talaga. Kinuha ko ang towel na nasa chest drawer niya at ipinamunas ko iyon sa mukha ko. Nagsalamin pa muna ako bago lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay agad ko siyang nakita sa sala nakahiga sa sofa na parang natutulog? Hindi ko kasi alam kung natutulog lang ba siya o ano? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo ako sa sahig. Kumbaga, kaharap ko siya mismo at tinitigan para masigurado kong tulog siya. Nakat-shirt pa rin siya at kitang-kita ko ang parang bluish gray niyang balat. Weird nga, pero ewan ko ba—tinitigan ko lamang siya. Mga ilang minuto rin akong nakaupo sa sahig habang titig na titig ako sa kanya habang natutulog. Oo, alam kong tulog siya dahil nga hindi siya gumagalaw kasi kung gising man siya edi sana nakita na niya ako.

“Hmm, tanggalin ko kaya ang maskara mo? Sana 'di mo maramdaman iyon.” Pabulong kong sabi habang nakatitig sa kanya. Napunta naman ang tingin ko sa leeg niya, hindi ko ba alam parang gusto kong tanggalin ang bakal na nasa leeg niya. Kasi nga, para siyang alipin na nakatakas. Hinaplos ko ang maskara niya at parang tatanggalin ko na nga iyon nang bigla siyang bumalikwas ng higa. Agad naman akong tumayo at tumalikod na parang pupunta ako sa kusina pero lumingon muli ako sa kanya. Nakatihaya na siya kanina kasi nakatagilid siya eh. Lumapit na naman ako sa kanya pero ang hirap ang titigan siya habang nakatihaya nakakapagod kaya ang tumayo.

Pero teka, bakit ko ito ginagawa? Diba, isang deal lang 'yon? Isang deal lang 'yon at wala ng iba pa. Napakamot na lang ako ng ulo at umupo sa tabi niya, meron kasing maliit na espasyo kaya nakaupo ako. Sana hindi niya ito maramdaman. Napatingin ako sa buhok niyang kulay brown, messy but sexy. Hala! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?! I shook my head as I stared at him while sleeping. Napadila ako ng labi ko at dahan-dahan kong hinawakan ang maskara niya. Iangat ko na iyon ng dahan-dahan pero bigla niya akong niyapos kaya napapatong ako sa kanya ng 'di oras!

Heto na naman ang pisngi kong namumula na naman na parang isang hinog na hinog na kamatis! Napapikit na lang ako, pero parang kinikilig ako? Kasi nga, dinig ko ang heart beat niya! Paano kasi, ang ulo ko ay nasa dibdib niya banda. Dinig ko naman siyang huminga ng malalim at napabuga ng hangin.

“Ang kulit mo rin, 'no? Hindi ako makatulog kaninang madaling araw kaya lumipat ako rito tapos nandito ka na naman.” Pambungad niya sa 'kin habang nakayakap. Hindi ako makagalaw kasi parang na-lock ako sa mga bisig niya. Grabe naman 'to, akala mo naman kung ano’ng gagawin ko sa kanya.

“Eh—'di ba, nakatulog ka na no’n? Bakit ka pa ba inaantok?” Umayos siya ng higa at ako ay parang kinikilig pa rin sa tibok ng puso niya! Oh my gosh, ako ba ito? Inuuntog-untog ko naman ang ulo sa isip ko lang.

“Pa’nong 'di ako aantukin eh kung saan saan na nakakapunta ang kamay mo kaninang madaling araw.” Biglang nanlaki ang mata ko. Wala akong alam ha! Teka, bakit hindi naman malikot kamay ko ah? Niloloko niya lang siguro ako, hmm.

“'Oy ano’ng kung saan saan? Hindi kaya ako malikot matulog.” Dinig ko naman siyang ngumisi. “Talaga lang ha?” Agad naman siyang bumangon at binitawan na niya ako. Tumayo na ako at siya naman ay umupo. Hoy kamay, ano’ng ginawa mo kaninang madaling araw kay Jack? Sumagot ka! Napailing na lang ako nang makita ko siyang papunta sa kwarto niya. Agad ko siyang hinabol nang bigla niyang isinara ang pinto.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon