22~ Trapped

428 34 6
                                    

Sa likod kami ng bar na dalawa ngayon. Well grabe naman ang ginawa niya kay Kuya Jeremy. Oo, lasing siya pero sana hindi niya na lang sinugatan ang leeg no’n. Winaksi ko ang kamay ko na hinahawakan niya at humalukipkip. Madilim at hindi ko siya makita, pero alam kong siya ito. Kumawala ako ng mahabang buntong hininga at tinapik ko siya sa balikat. Nakaharap kasi siya sa akin ngayon.

“Hoy, gago, baket mo ako henela? Leshe ka! Bweshet!” Sinuntok-suntok ko na siya sa dibdib pero para lang siyang manhid na hindi nakaramdam. Naniningkit pa rin ang mata ko at parang mapipikit ko na nga.

“Shumagowt ka Jack! Leshe ka! May Nina Nina ka pang shinashabe sharap mong…” napatutop ako ng bibig bigla. Para kasing lalabas ang lahat ng kinain ko sa bibig ko ngayon. Nahihilo ako. Napahawak ako sa balikat niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at dumuwal ako ng maraming suka. Yuck, kadiri ko! Dinig ko naman siyang nag-tss at pinaupo niya ako sa damuhan. May damuhan pala rito sa likod ng West Town? Hala, teka baka hinahanap na ako ni Jessica! Akmang tatayo na ako nang bigla niya akong pinigilan at naramdaman ko na lamang ang panyo sa bibig ko.

“Tss, iinom-inom hindi naman kaya.” Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ko ang hindi pamilyar na boses! Sino itong kasama ko?! Bigla ko naman siyang tinulak at muntikan na siyang humiga sa damuhan. Oo, kitang-kita ko ang anino niya sa dilim. Bigla akong bumalik sa ulirat at tinampal-tampal ko ang sarili ko. God! Nakakahiya! Sino ba kasi itong humila sa akin?!

“'Wag kang lalapit sa akin,” banta ko sa kaniya. Nakita ko namang tinanggal niya ang maskarang nakakabit sa mukha niya. Agad ko namang kinapa ang bulsa ng shorts ko para kunin ang cellphone at mailawan itong kasama ko. Shit! Nando’n pala kay Jessica ang bag ko! Inayos ko ang sarili ko para tumayo ngunit hinawakan na naman ng lalaking ito ang kamay ko.

“Saan ka pupunta?”

“I don’t know you. Hindi ako kumakausap sa strangers. Hmp!” Dinig ko naman siyang ngumisi.

“Childish-type. I like that kind of attitude.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi pa rin ako nakaalis. Kasi nga, hinahawakan pa niya rin ang kamay ko.

“So, ikaw pala ang girlfriend ni Jack?”

“I’m not his girlfriend anymore. Hayop siya.” Tumawa naman siya at tumikhim. “I’m Masky. Jack’s friend.” Sabay lahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko muna siya ng maigi pero ang dilim eh, hindi ko maaninag ang pagmumukha niya.

“I don’t care.” Tumayo na ako at tuluyan nang umalis papasok pero—bigla kong naalala ang taong nasa picture na nakita ko sa chest drawer ni Jack! Agad naman akong bumalik kay Masky–pero wala na siya. Sa’n napunta iyon?! Yumuko na lamang ako at bumuntong hininga.

“Are you looking for me?” Muntikan nang lumabas ang puso ko nang nilingon ko siya mula sa likod ko. Grabe, may lahing kabute. Pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya at hinila muli papasok sa loob ng bar. Hindi ko alam kung ano’ng oras na pero alam kong around 1 o’clock or 2 na. Ang ingay na kasi lalo sa loob. Iyong tinatawag nilang happy hour? Hindi ko alam kung iyon nga 'yon. Gano’n kasi ang mga nababasa ko sa mga nobelang nabasa ko.

Dinala ko siya sa maliwanag na lugar ng bar. Pero wala akong nakitang liwanag kaya napagpasiyahan kong bumaba na lamang ng bar. Sa baba ng bar kasi, lobby na ng mismong hotel. Dire-diretso na lang akong umupo sa sofa at binitawan ko na ang kamay niya. Tiningnan ko siya at umiwas ng tingin. Pero sumulyap muli ako ng tingin sa kaniya. Hindi maipagkakailang guwapo siya. Minsan lang ako magsabi na guwapo sa isang tao kasi kadalasan ay sa mga kuwento ko lang nababasa ang mga iyon.

Pero seryoso ako, guwapo siya meron nga lang dark circles ang mata niya. He has a perfectly curved lips and pointed nose. Dumako naman ang tingin ko sa maskara niyang katulad sa babaeng nag-away kay Mama Leila. Napatingin na rin siya sa kaniyang maskara 'tapos ay binaling ang tingin sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya, in short, nagtititigan lang kaming dalawa rito.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon