Prologue

1.1K 94 21
                                    

“I’M NOT your father. Pasok ka na, and take care.” Tuluyan na siyang tumalikod at humakbang paalis. Humagulhol ako sa pag-iyak dahil, iniwan ako ni Papa monster. Iniwan na nga ako ni Mama, iniwan niya na rin ako. Nakaupo na lamang ako sa ilalim ng puno habang umiiyak. Akala ko love ako nila? Bakit nila ako iniiwan. Iniwan na nga ako ng tunay kong magulang tapos, iiwan rin nila ako.

“Carolyn, oh ba’t ka umiiyak? Tara pasok na, marami pang palaro sa loob. Tiyak, mag-eenjoy ka.” Lumingon ako kay Sister Tessa. Nakatira ako sa bahay ampunan. Sila ang kumupkop sa 'kin no’ng may kaaway si Mama Leila na isang monster. Monster kasi, ang pangit niya. Si Papa monster, monster din naman kaso lang love na love niya si Mama Leila. Sana, makita ko pa sila ulit.

“Halika na,” inilahad ni sister ang kamay niya at kinuha ko 'yon. Tumayo na ako at pinunasan ko ang luha ko. Okay lang ako, sana naman—may aampon na sa 'kin. Lumaki lang ako na isang alila pa rin. Walang ina, walang ama.

Nang naging walong taong gulang na ako, may umampon sa 'kin na isang mag-asawa. Wala kasi silang babaeng anak kaya nakipagkasundo raw sila kay Sister Tessa na ako daw ang aampunin nila. Ayaw ko pa sana, kasi nga baka isa rin sila sa pamilyang aabandona sa 'kin. Ayoko nang maulit pa ang lungkot na dinanas ko, sa dalawa kong magulang.

“Hi, ikaw ba si Carolyn?” Tinapunan ko ng tingin ang babae, at tumango na lang. Nag-okay naman daw si Sister kaya pwede na nila ako iuwi. “Halika na, simula ngayon, kami na ang Mommy at Daddy mo.” Ngumiti sila at pinapasok na nila ako sa kotse nila.

Unang sakay ko pa lang sa kotseng iyon, kaya napayakap agad ako sa sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng lamig sa loob ng kotse. Tricycle lang kasi palagi ang sinasakyan ko eh. Mga ilang minuto ay nakarating na kami sa isang bahay na may kalakihan. Tila malawak ang lupain ng pamilyang ito, kaya 'di ko maiwasan na dumungaw sa bintana. Ang ganda ng bahay nila. Biglang huminto ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na agad ako at kumapit sa kamay ng ginang. Mommy na pala ang dapat kong itawag sa kanya.

Mabait naman sila kung tutuusin. Kaso nga lang, masiyadong mapag-utos si Mommy sa 'kin. Meron rin pala silang anak na lalaki. Sa mga tantiya ko, mas tanda sa 'kin ng tatlong taon o apat. Palagi ko kasi siyang nakikitang naglalaro sa harap ng computer niya. Tahimik siya, kasi 'di niya ako kinakausap at medyo masungit pa. Pero inintindi ko na lang iyon kasi, bago pa lang naman ako eh. Hindi ko pa siya masiyadong kilala.

Idinala na ako ni Mommy sa 'king kwarto, may katamtamang laki ito. Higit sa lahat, kumpleto na sa gamit. Sabi nga niya, ito ang pinakamaliit na kwarto sa bahay nila pero para sa 'kin, malaki na ito.

Pinaaral nila ako sa isang private school no’ng grade one hanggang nag-graduate ako ng elementary. Tuwang-tuwa naman sila dahil isa akong valedictorian. Para sa 'kin, isa na ring biyaya sa 'kin ang makapagtapos at makakuha ng maraming medalya. Kaya tuwang-tuwa ako no’ng graduation namin.

No’ng isang araw, pinagalitan ako ni Mommy dahil 'di ko raw tinapos ang mga gawain sa bahay kasi inuna ko pa raw ang mga assignments ko. Wala naman akong nagawa kundi sundin siya. Kahit sa may kayang pamilya pa ako napunta, ay hindi ko pa rin mararamdaman ang pagiging importante ko sa kanila. Mabait nga sila, 'yon nga lang, tinuturing lang nila akong bilang katulong nila.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon