19~ The Call

416 42 5
                                    

Ang bilis naman ng takbo ng oras, parang kanina lang ay ginigising ko 'tong mokong na 'to na si Jack. Ngayon ay maghahapon na, grabe naman 'to, parang mas mabilis pa yata ito sa alas kwatro ah? Narito ako ngayon sa kwarto, nakahiga. Oo, feeling ko kwarto ko lang talaga ito kasi naman hindi naman hinahanap ng may-ari 'to eh. Pero pansamantala ko lamang itong kwartong 'to. Kasi nga, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari roon sa school. Is the case of Stephen already closed, dismissed or what? Naguguluhan lang kasi ako, baka kasi mahalata ng mga tao roon sa school na ako ang sinama ni Stephen or what-so-called Mr. manyak for me. Hay, sana naman ay 'di sila magdududa sa 'kin if ever na babalik ako ng school.

Napapiksi ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Agad ko naman nakita sa screen na may numerong tumatawag. 'Di ko kilala ang numero pero wala sa isip kong sinagot 'yon.

“Hello?” Tila ingay lamang ang narinig ko sa kabilang linya at agad na nagsitayuan ang balahibo ko sa braso. Teka, is aba 'tong—ghost call or what? Baka siguro, may koneksyon 'to sa kwarto na hinihigaan ko? Baka 'yong numerong tumatawag sa 'kin, ay 'yong taong nagmamay-ari ng kwartong ito.

“Hoy bakla, CAROL!” Bigla na lamang kumabog ang dibdib ko nang may nagsalita. Her voice seems familiar. Teka,

“M-May I-I know w—”

“Tama nga ako, 'di mo s-in-ave number ko riyan! Si Jessica Thomas 'to! Adik ka, nasunog ang buong floor ng dorm natin! Shit! Nilipat ngayon ako sa room 303. Magka-roommate tayo. Ikaw ang sinama ko. Dinahilan ko na lang na na-confine ka sa hospital mga 3 months. Well, na-settle naman ang papers mo. Nagpatulong kasi ako sa kakilala ko rito.” Bigla namang kumunot ang noo ko, at naisip ko ang mga gamit ko roon! Tama, ang mga gamit ko, baka natupok na ng apoy! Ayokong mawala ang mga munting ala-ala ng pagkabata ko. Maraming tanong ang dapat kong uusisain ko sa babaeng 'to.

“Teka, eh, 'yong mga gamit ko? Nasalba ba? Mga libro ko? Mga notes, pictures, damit—”

“'Wag ka ngang umarte d’yan! Oo, buti na nga lang, nagsimula kasi 'yon sa nakakatakot na room number thirteen. 'Di ko nga alam na bakit may room thirteen sa floor natin. Sa floor lang natin. Well, marami na namang mga sabi-sabi ang kumalat dito. Narinig mo naman siguro ang ingay rito, 'di ba? Sige, tatawagan na lang kita kung pwede ka nang makapasok muli rito sa school.” Huminga na lamang ako ng malalim at bumalikwas ng higa sabay yakap sa unan.

“Eh, kamusta na ang case ng campus prince ba 'yon?” Dinig ko naman siyang napamura, baka siguro hindi pa. Naku, tahimik lang ako na yakap-yakap ang unan. Gusto kong i-relax ang sarili pero kasi, feeling ko hindi pa tapos eh. Naku, ewan. Dinig ko naman siyang huminga ng malalim.

“Sorry girl kung napamura ako ha, buwisit kasi may bumangga pang babae na retokada sa 'kin. Nakakaasar lang. At oo, about sa case ni Stephen Dimaguiba,” she paused and she let out a sigh. “His case was dismissed! Yeah, you heard it right—aray! Dahan-dahan lang pwede? 'Di ka naman hahabulin ng apoy eh, as if ang ganda mo!” Napatawa na lamang ako sa kanyang ginagawa. Tiyak nagkakagulo na nga yata sa school. At teka, bakit at paano nagkaroon ng room thirteen sa dorm? Nakakatakot naman 'yon. Kaso nakakalungkot kasi nga, wala na ang 6th floor ng dorm na 'yon. Kumawala naman ako ng buntong hininga.

“Salamat, Jess. You’re the best I ever had.” Dinig ko naman siyang tumawa ng napakalakas.

“Sheeee! Drama mo! Ano ka, vertical horizon band? Haha best I ever had! Dami ko tawa sa 'yo, girl. O sige na, ibaba ko na 'to. Bye bye, love you. Ingat ka ha.” Ngumiti naman ako.

“Love you, ingat ka rin.” Binaba ko na ang cellphone ko at bumangon nang bigla akong napauron. Paano kasi nanggugulat naman 'tong si Jack. Nakabungad kasi siya kaagad sa kwarto ko. Hindi ko kasi palaging sinasara ang kwarto kasi pakiramdam ko may mga entity sa loob nito. Hay naku, kung anu-ano na talaga ang iniisip ko. Dahil siguro, hindi ko ito kwarto at may mga damit pa rito.

Sinuklay-suklay ko ang buhok ko at tumingin muli sa kanya. Pansin ko lang na hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin. Tila bang—galit na ewan? Kung galit siya, sa anong dahilan na naman, 'di ba? Inayos ko ang sleeveless na suot ko at tumayo sabay punta sa direksyon niya. Hinaplos ko ang maskara niya at binaba ko ang kamay ko sa dibdib niya banda. Teka, ba’t parang ang tahimik niya, may problema ba siya? Akmang yayakapin ko na siya nang bigla niya akong pinigilan.

“Sino kausap mo sa phone?” Seryosong tanong niya pero may halong galit iyon. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Naku, narinig pala niya iyon. Well, hindi ko pa pala nakukuwento sa kanya si Jess, ang tanging kaibigan ko sa school. Medyo inipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko at tiningnan ko muli siya.

“She’s my friend.” Akmang hahaplusin ko sana siya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko—ng mahigpit.

“A friend? She? Don’t make me fool, Carol. Friend, nag-a-I love you? Are you kidding me with that?!” Bakas sa boses niya ang galit kaya nakaramdam naman ako ng lungkot roon. Oo, ayokong magalit si Jack kasi, natatakot ako. I mean, iba siyang magalit. Hindi 'yong pangkaraniwan. I can explain to him about this.

“Babae siya, Jack. She’s my friend. Kaya 'wag naman sana nating pagtaluhan ito oh.” Tila nagtagis ang bagang niya at tinulak ako bigla.

“Liar. You said, I love you on a phone call pagkatapos, babae siya? Friend? C’mon, Carol, hindi mo ako maloloko.”

“Hanggang ngayon ba, wala ka talagang tiwala sa 'kin? Bakit Jack? Sa ilang araw o linggo na na pagsasama natin hindi mo pa rin ako mauunawaan? Can’t you understand? She’s my friend! My best friend! Kaya please, 'wag na natin 'tong pagtaluhan. Ayokong magalit k—”

“Ayaw mong magalit ako sa 'yo? Well stop calling with that BEST FRIEND.” Biglang diin niya sa salitang best friend. Nasapo ko na lang ang noo ko at ipinikit ko ang mata ko sanhi ng pagdaloy ng likido sa pisngi ko. Grabe naman siya, hindi niya ako mapagkakatiwalaan. Well this just a deal only, but heck. I love him now! Hindi na ito deal para sa 'kin, kasi iba na ang nararamdaman ko.

“Jack, please.” Humikbi na lamang ako at napatakip na lamang ng mukha. Wala, wala naman akong magagawa eh. Kung magagalit siya sa 'kin, wala na akong magagawa pa. Hindi ko kayang pahupain ang init ng ulo niya. Hindi ko rin alam kung galit nga ba siya o nagseselos lang? Pero hindi na ako mag-assume na nagseselos siya. Well, deal lang naman 'to eh. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Dapat 'di na lamang ako tumupad sa deal na ito eh. Tinanggal ko muli ang kamay kong nakatakip sa mukha ko at tiningnan ko siya ng seryoso.

Walang ni isa sa amin ang nagsalita sa mga sandaling ito. Tila bang muntikan na lang kaming tumahimik na dalawa. Yumuko muli ako at ramdam ko naman ang mga daliri niya sa baba ko at pilit niya itong inangat at hinarap sa kanya. Napakagat na lamang ako ng pag-ibabang labi ko habang tumutulo ang luha ko.

Dahan-dahan niya namang inangat ang kanyang masakara na siyang lumitaw ang kanyang labi. Ang kanyang labi na parang gusto mong halikan. Huminga na lamang ako ng malalim at napalunok ng konting laway. Napansin ko na lamang na, unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Is he going to kiss me? Hindi pa ako handa! 'Saka, medyo nadidirian ako sa kiss sa lips, 'no! I just…can’t! Napa-crossed finger sign na lamang ako nang gahibla na lamang ang pagitan sa 'ming dalawa. Teka, itutuloy niya ba talaga ito? Hindi ako pumikit, hindi. Na-o-awkward-an ako sa mga sandaling 'to. Tila bang isang magnet na dumikit ang labi niya sa labi ko.

Ramdam ko ngayon ang pamumula ng pisngi ko na parang gusto ko nang pumalag. Pero hindi ko mawari ang pakiramdam ko. Ang awkward nga naman ang hahalikan ka habang umiiyak. Siya lang ang gumagalaw sa halik na ito. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko, at sumabay sa kanyang paghalik. Ramdam ko pa rin ang init na namumuo sa buo kong katawan. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko. Mariin akong pumikit at bigla ko siyang tinulak ng mahina. Nabigla yata siya at tumingin ako sa kanya na naluluha pa rin.

“I’m sorry,” sambit niya. Tumalikod na siya sa 'kin, pero bigla akong tumakbo at niyakap ko siya.

“I’m sorry, too.”

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon