28~ This night, this love

639 23 6
                                    

'Di ako makatulog sa gabing ito. Hindi ko nga ba alam kung bakit nasaisip ko pa rin si Jack. Sa totoo lang kasi, gustong-gusto ko na talaga siyang kalimutan. Ayaw ko ng isipin pa siya, ang mga pinagsamahan naming dalawa. At sa ngayon, ayoko pang umibig pang muli. Oo na, ako na itong talo ako pa itong masiyadong nasaktan. Ewan ko ba kung nasaktan din si Jack. Pero kahit na... nakita ko na ang totoong mukha niya, hindi pa rin nagbago ang pagtingin ko sa kaniya no'n.  Alam kong nagulat lang ako no'ng natanggal ni Masky ang kaniyang maskara pero hindi— teka, ayoko na siyang isipin pa! Ayoko na! Masasaktan lang ako.

Dumungaw ako sa bintana, maaliwalas at tila wala ng tao sa paligid. Natanaw ko rin ang punong nag-isa na nakatirik ng 'di kalayuan mula sa apartment ni Jess. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw ko pang pumasok sa school. Dahil siguro pinapatapos ko na lamang ang school year. Ilang buwan na lang naman ang natitira eh.

Bumaba na ako ng apartment at nagtungo doon sa nag-iisang puno. Wala naman tao kaya siguro safe dito. Umupo ako at sumandal sa puno tumingin sa mga nagniningning na mga bituin. Napasinghap na lamang ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ang sarap pala makapag-isa, pakiramdam ko pagmamay-ari ko na ang mundo. Ang saya naman nito. Pero minsan kailangan din natin ng tao na makakausap, masasandalan 'pag may problema at may kaibigan na handang makinig sa mga pinagdadaanan mo sa buhay. Maaga pa yata ito mga alas otso pa lamang ng gabi. Kanina pa kasi umalis si Masky. Pagkatapos niya akong hinatid ay umalis na kaagad siya. Wala na siya may ibang sinabi pa. Pero minsan, na-we-weirdo-han din ako do'n. Ewan ko lang ba, kasi parang hindi naman siya gano'n ang tingin ko kasi sa kaniya parang may pagka-playboy?

Nakapikit pa rin ako at dinadama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat. Tila humahalik ito. Napadilat na lamang ako nang may naramdaman akong yumayakap sa 'kin. Inirapan ko siya at tinulak ng mahina.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Iritableng tanong ko sa kaniya. Nakaluhod siya sa harap ko habang ako'y umuupo. Tiningnan ko lamang siya ng seryoso at biglang iwas din ng tingin.

"Carol let me—"

"NO! You have you Nicole, right? Bakit hindi ka do'n ma—"

"Carol, please. Pakinggan mo naman ako!"

"Para ano pa, Jack? Sapat na iyon lahat sa 'kin, sapat na ang sakit na pinaranas mo sa akin. 'Saka that's only a fucking deal, right? Wala na ako, tapos na ang deal na iyon, Jack. Tapos na ang kontrata mo sa akin. Tapos na kitang mahalin." No'ng sinabi ko iyon, naglabas siya ng isang buntong hininga.

"Pero ang pagmamahal ko sa 'yo hindi pa rin nawawala." Napakagat na lamang ako ng labi at umiwas muli ng tingin sa kaniya. Tumulo na naman ang luha ko at naalala ko naman ang pahanon na sinabi ko sa kaniya na mahal ko na siya at doon ko narinig ang sinabi niya. Pero panaginip niya lang iyon, 'di ba? Kaso, masakit pa rin eh. Dapat ako lang, iba ang past eh, iba ang past. Umiling na lamang ako bilang ganti sa kaniya.

"No, you must me kidding, right?" Mariin kong ipinikit ang mata ko sanhi ng pagbagsak ng mga luha ko sa lupa.

"How can I prove that I still love you? Ano'ng gagawin ko, Carol?"

"No need, Jack. We're over, right? You said it's over." Hinwakan niya ang mga kamay ko at agad ko na lamang naalala ang mga pinagsamahan namin. Meron pa rin spark sa aming dalawa. Maaari ko pa ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na lamang ako umimik pa hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako sa gitna ng dilim.

I rested my head on his chest. Tumugon na rin ako sa mga yakap niya nang biglang umulan ng malakas. Sanhi ng pag-iyak na hindi sa lungkot, kundi sa galak na naramdaman ko towards him. Napahiwalay ako bigla sa kaniya para tumayo pero sa hindi inaasahan, sabay pa kaming tumayong dalawa. Magkadikit ang aming noo, nakahawak siya sa baywang ko. Hinaplos ko naman ang maskara niya at inangat iyon. Mariin ko siyang hinalikan sa labi sa gitna ng ulan. Tumugon naman siya sa halik ko at ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang mga kamay sa likuran ko. Hinaplos na niya ang mga pisngi ko.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon