26~ A shoulder to cry on

453 35 15
                                    

Nagising na lamang ako sa isang ingay na narinig ko. At alam ko sa kwarto iyon ni Jack. Bumangon kaagad ako, teka paano ako nakapunta rito? Ay, oo nga pala, he saved me from Masky. Bumangon na ako at kinusot-kusot ko ang mata ko. Napalingon ako sa bandang kwarto, teka may lumabas na… babae. Hindi siya tipikal na babae, tingin ko, isa rin siya sa mga nakakatakot na nilalang. Nanlaki mata ko dahil nagtama ang paningin namin. Nginitian niya ako ng nakakatakot kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

That was supposed to be my room. Oo, doon siya lumabas, so I guess that this is Jack’s relative or what. Nagulantang na lamang ako nang nasa harap ko siya. How fast is she?! Napakunot na lamang ako ng noo.

“Nicole.” She said stretching her hands to me. Tinanggap ko naman iyon at nakipag-shake hands na sa kaniya.

“Carolyn.” Tumango-tango na lamang siya at tinaasan ako ng kilay. Napalingon na lamang kami sa isang pinto ng kuwarto ang bumukas. Doon iniluwa si Jack na halatang-halata nakakagising lang nito. Napalunok na lamang ako at tumayo na ng sofa.

“Ugh, I think, I have to—”

“Wait, Carol.” Pigil niya sa sana sa 'kin kaso agad namang pumulupot ang kamay ng Nicole sa braso niya. Kumuyom ang bagang ko at pinipigilan ko ang umiyak sa harapan nila. Why am I weak? Bakit? Kinagat ko na lamang ang labi ko at tumingin sa kanilang dalawa. They look good together, and yet I still can’t accept that he found someone now.

“Salamat nga pala sa pagligtas sa 'kin mula kay Masky.” Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay tumango na lang. Wala na ba talaga, Jack? Bakit ang bilis mo namang makalimot?! Para saan pa ang narinig kong I can’t resist you kung meron naman pala siyang kinakasama sa bahay niya. This is bullshit, I’m butt hurt, bigtime! Nakakabuwisit lang to the point na umaasa pa rin ako na mahal niya pa rin ako.

Tumalikod na ako sa kanila at tuluyan ko ng isinara ang pintuan. Doon na umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ano ba naman 'tong pinagdadaanan ko. Para akong isang karakter sa isang kuwento na pinahihirapan ng akda. Iyong tipong, ako ang naghahabol sa lalaki, ako ang nakikipaglaban. I’m not a soldier. Love for me is not a war. It’s just…I can’t accept that he moved on like that so easily.

Bumugso ang damdamin ko kasabay ng pag-ihip ng hanging amihan. Iyong tipong may dalang lamig na lalong magpapaiyak sa 'yo. Sakit, hindi ba? Bakit ko pa ba itatanong kung ano ang estado nilang dalawa ng Nicole na iyon. Siguro, mahilig lang siya sa mga babaeng may initial na N. Sorry, I’m C kaya hindi ako nababagay sa kaniya. Hanggang deal na lang ako, but it’s bullshit though. Deal nga pero ako naman itong nahulog masiyado. Akala ko, hindi na magiging drama ang buhay ko, iyon pala lalo pa itong nakakaantig sa damdamin.

Napahinto na lamang ako nang mahagip ng paningin ko ang payasong nakakatakot. Nasa playground siya ngayon na parang isang ninja na panay ang teleport. Hindi ko alam kung nagteteleport nga ba siya o sadiyang mabilis lang iyon.

“Hey, kid.” Nagulat na lamang ako nang nasa likod ko nap ala siya. Halos mapatalon na ako roon sa pagsulpot niya. Kunot noo ko siyang tiningnan at patuloy na dumadaloy ang luha ko.

“Why you look so sad? Do you want some candy? HAHAHAHAHAHAHA!” I don’t know why I’m not terrified of this clown anymore. Dahil siguro handa na akong ipapatapos ang buhay ko sa kaniya? I don’t know.

“I need shoulder to cry on, Jack.” Bigla naman nagseryoso ang hitsura niya pero ngumisi naman siya.

“Candy for you, girl.” Inilahad niya ang candy at tiningnan ko lamang iyon. I’m not into sweets though.

“I don’t like sweets.”

“You don’t like sweets but you like EJ.”

“Who’s that EJ?”

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon