8~ A Campus Cutie's Death

582 54 19
                                    

Naglalakad ako patungong dorm ko nang biglang may humablot sa 'kin at napasandal ako ng 'di oras sa puno na medyo malapit na sa dorm namin. Napalingon ako sa humablot sa 'kin—nagulat naman ako akala ko kung sinong nilalang na naman ang humablot sa 'kin 'yon pala, ay si Jess lang. Nagtaka naman ako at napaisip do’n, kasi nga naman bigla-bigla niya na lang ako hinablot at dito pa kami sa ilalim ng puno. Ano ba naman ang pinaplano ng babaeng 'to? May klase pa kaya ako at gusto ko pang magbihis kasi nga nakapambahay lang ako. And take note, hiniram ko pa ito sa bahay ng Jack na 'yon. Muntikan na nga akong 'di papasukin eh, pero buti na lang at nakilala ako ng isang guard na nagbabantay kaya pinapasok kaagad ako.

“Teka, bakit mo ko hinablot? Muntikan ng lumabas ang puso ko sa 'yo!” I crossed my arms as I lean on the tree. Tumingin muna si Jess sa paligid para masigurado na walang mata na nakatingin sa 'min. Saka isa pa, hindi ko alam ang nangyayari isang gabi lang ako nawala rito—teka, naalala ko si Mr. Manyak na muntikan akong ma-rape. Oo nga pala, pinaslang siya ni Jack, kainis, naalala ko naman 'yon. Nakaramdam naman ako ng konting kaba.

“Hoy, bruha! Ba’t ka namumutla riyan? Alam mo ba, si Mr. campus cutie ay deds na! Saka merong rumor na may nahila siyang girl no’ng party and guess what? Nakunan nila ng picture ang scene na 'yon! Kumalat na sa buong campus ang picture at nakarating na sa haliparot niyang nobya na si Aryl.” Na-shock ang ekspresyon ko nang sinabi iyon ni Jess sa 'kin. Kaya pala medyo may napansin akong kakaiba rito no’ng pagkapasok ko pa lang. Bigla naman akong niyugyog ni Jess na parang umaalog ang utak ko sa kakayugyog niya.

“Hoy, kinakausap kita!” Biglang bumalik ang diwa ko ng bigla siyang sumigaw sa 'kin. I shook my head at tiningnan ko naman siya sabay taas ng kilay na tila nagtataka. Well, wala naman akong pakialam kung sinong ca—teka, kakasabi lang niya na kakarating sa nobya niya. Well, sino siya?

“Teka, ang gulo mo magkwento. Pakilinawan mo nga, nang maliwanagan ang diwa ko sa mga kinukuwento mo?” She crossed her arms as she rolled her eyes. Ang gulo kasi niya magkuwento, sino si Aryl? Sino 'yong campus cutie, sino 'yong—teka, may hinilang babae si campus cutie during the party, then na deds siya which means namatay? Ngayon lang ako naging slow sa sitwasyon na 'to ah. Solving a mystery is really not my style. Hindi ako isang chismosa, ang chismosa rito ay itong si Jess. Nakita ko naman siyang kumamot ng ulo niya sabay buntong hininga.

“Hokay,” aniya sabay kamot-kamot sa batok niya. “Well, nakita mo 'yong roommate ko no’ng humiram ka ng dress sa 'kin?” Tumango naman ako.

“Siya si Aryl. Aryl Buenaventura the queen bit—este, bee. At 'yong boyfriend niya, si Stephen Dimaguiba which is the campus cutie na pagala-gala na yata ang kaluluwa niya rito sa camp—” Bigla ko naman siya hinampas ng matindi. Asar lang kasi, seryosong seryoso siya 'tapos hahaluan niya ng nakakatakot sa gitna ng kuwento niya. “Aray naman,” sabi niya sabay himas-himas sa braso niyang hinampas ko.

“Well, oo 'yong nakita mong mag-jowa sa room ko ay sina Aryl, at Stephen. Si Stephen, 'yon ang news dito ngayon sa school. Kasi nga, he brutally murdered by an unknown killer, dahil nga nakita ang kanyang bangkay sa damuhan. So ngayon, they concluded that the girl, whom he’d grabbed was the suspect. Tingnan mo, walang bakas ng babae doon sa kagubatan. At oops, hindi pa pala siya 'yong suspect, salarin lang muna siya.” Tumango-tango na lang ako at biglang nanindig ang balahibo ko! Paano kasi, ako 'yong babaeng hinablot ng Stephen na 'yon tapos muntikan pa niya akong rape-in.

“Teka nga lang, pwede ko bang makita ang kumakalat na picture na, hinablot niya 'yong babae?” Sumenyas naman si Jess na okay sabay labas ng kanyang phone at nag-browse. Biglang namilog mata niya at namula bigla ang pisngi niya. Napailing na lang ako habang nakatingin sa mukha niya.

“Eehh, oh my gosh! Ni-like ni cyber crush ko ang profile picture ko! Kyaaaahh…” Kinikilig naman ang bruhang 'to. At akala ko na-browse niya ang picture na trending sa campus ngayon. Bigla ko naman siya tinapik, mahirap na maging baliw 'to. Nagising naman yata ang diwa niya dahil ngumiti lang siya sa 'kin. Nakita ko naman na nag-b-browse siya ng mga pictures at namilog na naman ulit ang mata niya. 'Di siya nagsasawang magpapabilog ng mata niya, baka mamaya luluwa na 'yan sa eye socket niya! Ang creepy ng naisip ko no’n ah.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon