7~ What? Boyfriend?!

591 62 15
                                    

Tinitigan ko pa rin siya at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. I saw his face behind his mask. Ang—pogi niya! Shemay! Bigla kong naramdaman ang pamumula sa pisngi ko, dahil nga umiinit na ito. Humakbang pa ako papalapit sa kanya, para bang isang bata na natututong maglakad. Nakatitig rin siya sa 'kin, his blue tantalizing eyes was staring at me. Handa na akong pasalamatan siya at yayakapin sana kaso lang bigla siyang umurong.

“Maligo ka muna,” malamig na boses ang narinig ko sa kanya. Napayuko naman ako at pakiramdam ko, na-bad vibes ako. Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko at tumalikod na sa kanya. Teka, sandali hindi ko alam kung paano ako makakaligo nito. Kasi naman wala akong tuwalya, at isa pa wala akong damit na pampalit. Oh my gosh, ano’ng gagawin ko.

“Tss,” bigla niya akong hinila papuntang—kwarto! What?! I think he’s going to rape me. Bigla akong nagpumiglas,

“Let me go! Ano’ng gagawin natin sa kwarto? HEL—” bigla niyang tinakpan ang bibig ko at tinutok sa 'kin ang kanyang kutsilyo. Teka, 'di ba dapat kakabahan ako? Eh, bakit parang kinikilig pa ako? Kasi nga, nakatalikod ako tapos 'yong kamay niya ay nasa tiyan ko banda at ang isang kamay niya na may hawak na kutsilyo ay nasa leeg ko.

Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa posisyon naming dalawa. Teka, teka—crush ko na ba siya?

Oo, crush mo siya! Kita mo, kahit ibaon pa niya ang kutsilyo niya sa leeg mo ay kinikilig ka pa rin! Sabi ko na nga ba eh, pero crush lang 'to, infatuation gano’n. Napalunok naman ako ng laway ko, at humugot ng hininga.

“You wanna call for a help, or I will kill you?” Aniya. Minsan, may sira rin 'tong lalaking 'to eh. Sabi niya, matagal niya ako minamasdan eh 'di ba, may gusto siya sa 'kin 'pag ganon, 'no? Ewan, wala akong kaalam-alam sa love. Peste 'yan, na-fi-feel ko lang 'yan sa mga nobelang nababasa ko.

Bigla niya akong nabitawan, at nagtungo sa closet. Binuksan niya iyon at bumungad sa 'kin ang maraming magagandang damit na pambabae. 'Yung totoo, babae ba si Jack o lalaki? Pero 'yong boses niya, lalaking lalaki ah. Paano siya nagkaroon ng mga pambabaeng mga damit? Baka may kapatid siya, tapos isang killer rin, tapos lumayas tapos ginawang bahay ito ni—hay! Ewan. Napakamot na lang ako ng ulo ko habang nakatitig pa rin sa bukas na closet. Maraming magagandang damit na para bang 'di ako makakapili. Gusto ko, every minute magpapalit ako ng damit. Kaso nga lang nakakahiya naman.

Napakamot na lang ako ng ulo ko ng bigla niya akong binato ng towel. Nagulat naman ako roon, tiningnan ko lang siya ng—teka, hindi ko talaga siya matingnan ng masakit. Kasi nga ang pogi niya, kahit may pagka-bluish gray 'yong kulay ng balat niya ay guwapo pa rin siya. He looks like an ideal guy. 'Yong mga ideal guy na nababasa ko sa mga love stories. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at ako naman ay napako na lang ang tingin sa mukha niya. Oo na, I’m blushing no doubt naman 'to, kasi nga ramdam ko ang init sa pisngi ko eh. Pakiramdam ko tuloy nagmukha na akong kamatis

Nginitian ko siya, subalit isang seryosong tingin lang ang pinukol niya sa 'kin. Nakatingala na ako sa kanya, kasi nga nasa harapan ko na siya. Medyo hinawi ko ang buhok ko at inilagay ko iyon sa likod ng tainga ko. Napayuko ako ng bahagya at kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Medyo sumulyap muli ako sa gwapong mukha ni Jack. Papalapit na ang mukha niya sa 'kin, pero wait—hindi pa ako pwede, at hindi pa ako ready na maging first kiss siya. No, kailangan 'yong prince charming ko ang hahalik sa 'kin.

Pero teka, ba’t 'di ko kayang kontrolin ang sarili ko? Malapit na talaga ang muk—

“Aray!” Napahawak ako sa ilong ko, kasi naman bigla niya akong pinitik. Kainis siya, pero buti nga 'yon, baka kasi maging first kiss ko siya eh.

“Maligo ka na, mukha ka nang kamatis na puno ng kolorete.” Agad na niya akong iniwan sa kwartong iyon. Nang nakalabas na siya, napangiti naman ako ng napakalawak as in, parang ngiti ni Papa Monster! Napahawak ako sa dibdib ko, normal ba 'to? Normal ba ang pagtibok nito? 'Yong parang nag-aagaw buhay na pasiyente? Teka, parang sa naghihingalo naman 'yon. Ewan, basta kampante na ako na nakita ko ang guwapong mukha niya. Guwapo nga si Jack, ang tangos ng ilong niya at 'yong mata niya nakaka-hypnotize, 'tapos 'yong bibig niya perfect pero pansin kong pointed teeth lang talaga siya.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng banyo at naligo na. Hay, sarap ng tubig sa banyo niya sakto lang kasi, 'di malamig. Medyo nagpatagal ako sa kakaligo sa loob ng banyo niya. Nakailang sabon na yata ako, kasi gusto kong makuha ang dumi na dumikit sa balat ko. Para paglabas ko, ay mabango na.

Trenta minutos din ako nag-stay sa banyo at nagtungo na muli ako sa kwarto. Ngiti-ngiti pa rin ako habang nagmimili n susuoting damit. Kinuha ko na lang ang simpleng kulay pink na t-shirt at shorts na kasyang kasya pa yata sa 'kin. Pero bago 'yon, nagsuot muna ako ng panty at bra. Nakakahiya nga eh, baka kasi sa kapatid ito ni Jack ang mga damit. Naku, baka ha-hunting-in ako no’n. Pero no choice ako kasi, babalik na ako ng school eh, tiyak maraming quizzes na akong na-missed do’n.

Kinusot kusot ko pa ang basa kong buhok na nababalutan ng towel at umupo na sa harap ng salamin. Biglang nanlaki mata ko dahil parang may aparisyon akong nakita.

“AAAHH!!” Kinurap-kurap ko pa ang mata ko, at kinusot kusot pa. Teka, ano 'yong nakita ko? Bigla akong kinabahan, baka kasi nasa haunted house ako. At si Jack, ay isa rin palang multo, 'no?

“Bakit ka sumigaw?” Napalingon ako sa bandang pintuan ng kwarto. Si Jack na may nilalamon namang kidney. Napayuko naman ako at umiling-iling. I pretended that I didn’t see that thing. Bumuga ako ng hangin at humarap muli sa salamin. Sinuklay-suklay ko pa ang buhok ko. Nais ko sanang tanungin si Jack kung kaninong bahay ito? Hindi naman kasi ako nakakasiguro na sa kanya ito, kasi nga—naku, ewan!

“Kuya, multo ka po ba?” Maamong tanong ko sa kanya habang nakaharap sa salamin. Dinig ko naman siyang ngumisi at nilunok na niya ang kinakain niyang kidney.

Tapos na 'kong magsuklay at mag-ayos ng hitsura ko. Kaya tumayo na ako at hinarap siya. Seryoso pala siyang nakatingin sa 'kin. Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Lumapit ako sa kanya, kasi may napansin akong likidong itim sa bandang gilid ng mata niya. Kumuha ako ng makapal na kahon at pumatong ako roon para maabot ko siya. Ang tangkad niya kasi, nakakahiya naman 'yon sa height kong sobrang liit. Tinitigan ko siya, at nakita kong may namumuong itim na sa gilid ng kanyang mata. 'Yong puti ng kanyang mata ay meron nang itim na likido. 'Yong nakikita ko sa maskara niya na tumutulo.

“Stop tha—”

“Sandali,” Dinukot ko ang panyo ko at pinunasan iyong likidong itim na nasa gilid ng mata niya. Tiningnan ko pa 'yong panyo na merong itim na likido at tumingin muli sa kanya. Nagulat yata siya, kasi nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko siya mahulaan, pero tingin ko para siyang kinakabahan na hindi ko alam.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya. Wala na siyang may sinabi bagkus ay hinawakan niya kamay ko at hinila na niya ako palabas ng bahay na 'yon.

Nang nasa labas na kami ay napahinto siya at tumingin siya sa kawalan. Hinahawakan pa rin niya ang kamay ko. Ang isa niya namang kamay ay may hawak na maskara niyang kulay blue. Tiningnan ko lang siya nang bigla niya akong binuhat at tumakbo. Medyo mabilis naman siyang tumakbo habang buhat-buhat niya ako. Mga bente minutos lang siguro ay nasa tapat na kami ng school ko. Pero dito niya ako binaba sa tapat ng school sa malaking puno. Napatingin ako sa kanya pero 'di ko na muli nasilayan ang guwapo niyang mukha. Tinakpan na niya iyon ng kanyang maskara, pero nakita ko namang tumulo ang likidong itim na iyon.

Kinapa niya ang pisngi ko. Namula naman ako roon, pakiramdam ko, tinitigan niya ako. Kasi diretso lang ang tingin niya sa 'kin. Pero pansin ko lang kung bakit ba siya nagmamaskara, kung may mukha naman siyang maipakita? Ano’ng silbi no’n? Dinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

“Ano’ng oras matapos ang klase mo?”

Napayuko naman ako na para bang nag-iisip, pero alam ko naman ang dismissal class ko. Pero sa dorm naman ako mag-s-stay pagkatapos ng klase eh.

“Mga alas singko.” Matipid na sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang tumango. “Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Susunduin kita mamaya.” Binigyan ko siya ng weirdong tingin. Ano’ng trip niya? Ayoko nang bumalik pa sa bahay niyang 'yon. Walang masarap na pagkain at tanging kidney lang 'yong laman ng ref niya.

“Pero—”

“Tandaan mo, Carol. Simula ngayon, girlfriend na kita at boyfriend mo na ako.” Agad na siyang tumalikod sa 'kin at humakbang paalis. Naiwan pa rin ako na nakasandal sa puno na blanko ang isip. Tila bang nabingi ako sa sinabi niya, ano raw? Boyfriend ko na siya? Pero 'di naman siya nanligaw sa 'kin. 'Di rin siya humingi ng permiso kay mommy at daddy na ligawan ako. Gano’n na lang 'yon? Ang gulo naman no’n. Napailing na lang ako at nagtungo na sa loob ng paaralan.

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon