15~ That Strange Clown

430 45 7
                                    

Pauwi na ako galing palengke dahil bumili ng lulutuin. Buti na lang at may pera itong shorts na suot ko. May inilagay palang pera si Jess rito, naku buti naman. Mabuti rin at naglibot-libot ako sa lugar nina Jack kaya nakakita ako ng wet market kaya napabili ako ng isang kilong manok at mga hotdogs. Wala kasi akong maisip na bibilhin eh saka isa pa, gutom na gutom na talaga ako. Buti naman at 'di pa ako namatay, pero napansin ko lang sa sarili ko na parang nangangayayat na ako. Natanaw ko ang bigasan sa gilid ng tindahan, medyo malayo-layo pa kasi ako sa bahay ni Jack. Kaya dumaan muna ako para bumili ng bigas ngunit sa 'di inaasahan, natanaw ko ang isang pamilyar na tao—si Kuya Jeremy. May kahalikang babae sa sulok at ang worst, mina-massage niya ang dibdib ng girl! Nanlaki ang mata ko at nagtago sa buhok ko. Buti na lang meron kahabaan ito. Grabe naman 'yan, lantaran ang pag-aano nila.

“Bigas 'neng.” Muntikan na akong tumalon nang tanungin ako ng tindera ng bigas. Napalingon muli ako sa direksyon ni Kuya at ng babae bago ko binaling ang tingin ko sa tindera. Napakamot ako ng ulo at bumuntong hininga.

“Ah, isang kilo nga po ng bigas. 'Yong thirty nine pesos.” Agad naman nagsalok ang tindera at tiningnan ko na lamang siya. Ayoko na muling tumingin baka iba na ang susunod na makikita ko. Ayoko, masama 'yan sa mata ko kaya mas maiging hindi na lang ako titingin sa kanilang dalawa.

Inabot na sa 'kin ng tindera ang bigas at binayaran ko na iyon. Naglakad na ako pauwi kasi, alam ko naman ang daan pabalik eh. Tanga ko naman kung hindi ko pa alam, 'di ba? Hindi pa naman masiyadong mainit kasi hindi pa naman ala-una. Ngiti-ngiti akong may dalang pagkain. Subukan ko lang pakainin si Jack ng ibang pagkain, malay mo makakalimutan na niya ang kidney. Habang papauwi ako ay bigla akong hinarang ng isang tao. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko alam kung sino. Ang alam ko lang, itim ang kanyang sapatos, napatingin ako sa kanyang itim na pantalon, papunta sa stripes niyang black and white na long sleeve at—nagimbal ako!

Isa siyang—payaso! Takot pa naman ako sa payaso. Binangga ko siya at tuluyan akong tumakbo habang tagaktak na ang pawis ko sa takot! Takot na takot talaga ako sa payaso kasi nga meron na akong karanasan tungkol do’n. Muntikan na akong kunin ng payaso na minsan nang nagpasaya sa bahay ampunan. Pero akala ko mabait 'yon, 'yon pala, nangunguha ng mga bata.

Takbo pa rin ako ng takbo pero bakit naririnig ko ang tawa niya? Napalunok na lamang ako at binilisan ko pa lalo ang takbo ko. Bahala na kahit magkalat-kalat ang mga pinamili ko basta makabalik lang ako sa bahay ni Jack. Napatigil na lamang ako nang nasa harap ko na ang payaso. Nakakatakot ang mukha niya, hindi ordinaryong payaso. Meron siyang cone sa ilong na stripes 'tapos, he’s pale as Jeff. Ngumiti siya sa 'kin, isang ngiting nakakapangilabot! Lumapit siya sa 'kin, pero umuurong naman ako. Naiiyak na ako kasi ayokong maranasan muli ang nangyari sa 'kin no’ng bata pa ako.

“Do you like candy?” Isang boses na nagbigay sa 'kin ng kilabot. Hindi ko na siya pinansin at kahit takot na takot na ako, tumakbo na lang ako ng mabilis nang matanaw ko na ang bahay ni Jack. Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit na naririnig ko pa rin ang nakakatakot niyang tawa. Napapikit na lamang ako habang papalapit ng papalapit na ang tawa niya. Pero bigla akong nabangga kaya napaupo ako ng 'di oras. Natapon ko 'yong bigas, 'yong manok hindi nadumihan. Pero sayang ang mga binili ko, kaso ayos lang ligtas na 'ko.

“Ano’ng nangyari sa 'yo?” Inangat ko ang mukha ko at si Jack ang nakita ko. Nakaluhod siya sa harap ko at inilalahad niya ang kamay ko. Binitawan ko ang supot ng manok nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak ng todo. Nabigla yata siya kaya dahan-dahan niyang hinagod ang likod ko. Ayokong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Baka kasi kung ano’ng gawin sa 'kin ng nakakatakot na payasong 'yon eh.

“Shh, tahan na.” Sabay hagod niya sa likod ko. Napatingin ako sa paligid pero wala na akong naririnig na tawa, hindi ko na nakita ang payasong 'yon. Bigla akong humiwalay sa yakap sa kanya. Kinagat ko ang ibabng labi ko at pinikit ko ang mata ko. Tumulo muli ang mga luha ko pero agad naman niyang pinunasan 'yon.

“Ano ba’ng nangyari, Carol?” Mahinahong tanong niya sa 'kin. Pinunasan ko muna ang pisngi kong basang-basa na bago magsalita. “I saw a clown, a scary clown.” Bigla siyang napatingin sa paligid at inalalayan niya akong tumayo. Dinampot ko naman ang plastic na may lamang karne ng manok at pumasok na kaming dalawa sa loob.

Hindi pa rin ako makapagsalita kasi nauunahan iyon ng pagtulo ng luha ko. Nakapasok na kami sa loob ng bahay niya agad naman akong sumalampak sa sofa at niyakap ang unan. Kinuha niya ang supot na merong laman ng karne at inilagay niya iyon sa maliit na mesa. Tinanggal niya ang unan na niyayakap ko at hinawi niya ang buhok kong nakatakip sa kalahati ng mukha ko.

“Shh, tahan na. Yakapin mo 'ko, 'wag ang unan.” Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon sumandal ako sa dibdib niya at niyakap niya ako. Tumulo na naman ang luha ko dahil hindi talaga ako mapakali sa mukha ng payasong iyon, pakiramdam ko hahanapin ako no’n.

“Ano’ng hitsura ng payasong 'yon, Carol?” Napalunok muna ako bago magsalita. Barado na ng sipon ang ilong ko pero 'di bale na.

“Nakakatakot siya. Ang bilis niya, tinakbuhan ko na nga siya 'tas, nasa harap ko na siya kaagad. Tapos, 'yong tawa niya, 'yong tawa niya ang hinding-hindi maalis sa isip ko. Tila isang nakakatakot na tawang narinig ko sa buong buhay ko. Takot ako sa kanya, Jack. Takot na takot.” Dinig ko naman ang paghinga niya ng malalim.

“Is he wearing stripes na black and white?”

“Oo,” matipid kong sagot. “Does he have ang long claws? Pale white skin, a cone in the nose?”

“Oo, siya 'yon. Natatakot ako Jack. Ayoko nang lumabas muli, ayoko nang makita pa ang nakakatakot na payasong 'yon. Tinanong pa niya ako kung gusto ko ng kendi. Natatakot ako, Jack.” Humagulhol ako samantalang niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang pagpatong ng ulo niya sa 'kin. Ramdam ko ang maskara niya.

“Shh, lalabas ka, 'pag kasama mo ako. Para ligtas ka.” Hindi na ako nagsalita at parang ayoko ng lumabas pa sa bahay niya. Natatakot na talaga ako. “K-Kilala mo ba 'yon, J-Jack?” Nauutal kong tanong sa kanya. Ramdam ko pa rin ang paghagod niya sa likod ko. He’s trying to comfort me.

“Oo, si Jack siguro 'yon.” Bigla akong napahiwalay sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko siya ng seryoso. Teka, si—Jack? Eh, sino itong tao ang niyayakap ko, kung si Jack iyon? Nagtataka ako, naguguluhan. “Kung gano’n, ano ang tunay mong pangalan.” Dinig ko naman siyang ngumisi.

“Ibig kong sabihin si Laughing Jack. Ayokong kunin ka niya sa 'kin. Magkakapatayan kaming dalawa.” Napaisip ako roon, kung 'yon ay si Laughing Jack, eh—

“Malamang gulong-gulo na ang isip mo. Jack din ang pangalan ko. Maraming Jack sa mundo, Carol. 'Wag kang magtaka.” Agad na siyang tumayo at tumungo sa kusina. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Sabagay, marami nga namang Jack. Si Jack the ripper, Jack in the box, si Jack ng titanic, si Jack na hindi ko alam kung kaano-ano ni Jill. Tumayo na rin ako at kinuha ko ang supot na nasa maliit na mesa. Mas maiging magluto na lang ako kaysa iisipin ko 'yong nakakatakot na payasong 'yon. 

Unchained Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon