02

921 14 0
                                    


Prelle's POV


"Siya ang magiging Yaya natin mga Babies. Siya si Merna."pagpapakilala ko sa kinuha namin ni Marco para maging maid dito sa bahay lalo na at babalik na ako sa pagtuturo.

"Hi! I'm Flow."
"Hi! I'm Alex."
"Hello po. I'm Sam."

Pagpapakilala ng tatlong bata.

"Hello mga babies. Ako ang makakasama niyo rito kapag wala sina Mommy at Daddy niyo."

"Laro po tayo Yaya Merna." Aya sa kaniya nina Alex at Flow.

"Tapos na ba kayong dalawa sa mga projects niyo?"tanong ko sa kanila kaya agad naman ang mga itong ngumuso. "Mamaya na kayo maglaro kasama si Yaya Merna dahil ngayon ay maglilibot muna kami."

"Basta maglalaro kami mamaya ah?" Tanong ni Flow kaya tumango naman ako. Sayang-saya naman silang dalawa ni Alex na tumakbo papunta sa taas.

"Tara Merna, ituturo ko sayo ang kwarto mo."

"Sige po Maam. Prelle" Magalang na sabi nito.

"Just call me Prelle."nakangiting sabi ko saka   niyaya na siya papunta sa magiging kwarto niya.

Habang naglalakad ay iniisa-isa kung pinapaliwag kung kanino at kung anong kwarto ang nadadaanan namin, medyo malaki ang bahay kaya kailangan kung isa-isahin baka kasi magkamali siya ng kwarto na papasukan lalo na at parareho yung mga itsura ng pinto.

"Kayong lima lang po ba talaga ang nakatira dito?"

"Yes why?"

"Ang laki po kasi ng bahay. Parang isang angkan ang nakatira pero lima lang pala." Natawa naman ako.

"Maski ako ng unang beses kung pumunta dito ay ganiyan din ang sinabi ko. Binigay lang din saamin ang bahay na ito ng Lola ni Marco ng kinasal kami."

"Siguro ay sobrang yaman ng lola ni Sir Marco kasi may ganito siyang pag-aari na binigay niya sa inyo." Tumango naman ako.

"Base sa pagkakakilala ko sa kaniya ay parang ganon na nga. She own ten mansions at binigay niya lahat sa mga apo niya at isa na dun si Marco, but sadly, namatay na siya."

"Ang lungkot nga po nun."

"Yeah." Bumuga ako ng hangin saka ngumiti. "Tara sa taas. Ipapakita ko sayo yung mga kwarto ng mga bata."

"Sige po."

Nag-usap lang kami habang umakyat. Kung ano ang mga trabaho na gagawin. Kung kailan susunduin ang mga bata sa school at ilan pang mga bagay-bagay.

"Ito ang kwarto ni Sam." Binuksan ko iyon saka pumasok at nakita ko si Sam na nasa higaan nanaman at nagbabasa. .

"Ang ayos ng kwarto niya. Ang linis rin." Natawa naman ako.

"Bukod sa labahin ni Sam ay wala ka ng proproblemahin dahil marunong siyang maglinis ng kwarto niya."

"Wow naman. Ang galing-galing pala ni Sam." Saad ni Merna habang nakangiti kay Sam.

Umalis na kami doon at pumunta sa kwarto ni Alex. Dahil andun siya sa baba ay naging tahimik ang kwarto niya. Inayos ko sandali yung kwarto niya at tinuro kay Merna ang mga parte ng kwarto bago kami umalis.

Naglakad na kami papunta sa kwarto ni Flow at pagpasok ay agad bumungad ang mga napaka-ayos na silid. Kahit makulit si Flow ay  napakatalino at malinis rin ito. Halos tatlo naman sila ay matalino sadyang makulit lang talaga yung dalawa.

"Ang lalaki ng mga kwarto nila halos magkaparehas na ito doon sa condo na tinutuluyan ko dati."

"Saan ka nakatira dati Merna?" Tanong ko sa kaniya.

"Diyan lang po sa may Quezon City pero noon ay taga-Probinsiya talaga ako." Napatango-tango naman ako.

"Ilang taon kana nga ulit?"

"24 na po."

"May asawa kana ba Merna?"

"Wala pa po eh. Tsaka ayaw ko munang mag-asawa, pinangako ko kay Nanay at Tatay bago sila mamatay na magbebente-singko muna ako bago ako mag-asawa.

"Wala ka ng Nanay at Tatay?"gulat na tanong ko.

"Wala na ho eh. Namatay na sila ng nakaraan buwan lang. Kaya ako andito dahil wala naman na akong pamilya dun sa Probinsiya."

"Kinalulungkot ko. Pasensiya at masyado akong matanong ah."

"Ay hindi po. Ayos lang iyon."

"Mabuti pa ay bumaba na tayo." Sabi ko saka naglakad na.

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon