Marco's POV
"Hey kids! I'm home." Pasigaw na tawag ko at binuksan ang pinto ng bahay.
"Bakit walang sumasagot?" Kumot-noong tanong ni Prelle at agad na pumasok.
"Baka busy sa paglalaro lang. Alam mo naman 'yang mga prinsesa natin." Tatawa-tawang saad ko saka naupo sa sofa.
"Diyan ka muna. Titingnan ko muna sila sa taas." Hindi na ako sumagot. Sobrang pagod ako ngayon dahil sa kasong hinahawakan ko plus pa iy case rin ni Merna na iniisip ko rin. Hindi ako ang humahawak noon dahil parte ako ng case pero kaibigan ko naman ang umaasikaso at minsan ay sumasama ako.
Siguro ay tama 'yung mga kasamahan ko na umuwi lang ng kanila si Merna dahil sa isang emergency o kung ano man kaya hindi na rin suya nakapagpaalam.
Isang malakas na sigaw ang nakapagpabangon sa akin at ng marealize na boses ni Prelle iyon ay agad na akong tumakbo papunta sa itaas at agad na binuksan ang pintuan ng makarating at agad kung nakita si Prelle na nasa sahig at tinatabunan ang magkabilang tenga. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ko habang hinihimas ang likod nito para pakalmahin siya.
"W-Wala. May nakita lang ako." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong nakita niya at napasigaw siya ng ganoon ka lakas?
"Anong nakita mo? Bakit parang takot na takot ka?" Pagtatanong ko pa ulit.
"A-Ah m-may malaking---malaking gagamba lang akong nakita. Sobrang laki....nakakatakot." Saad nito at agad na sinarado ang pintuan.
"Nasaan na? Baka kagatin tayo 'pag hindi natin napatay. Sandali papasok ako---"
"Huwag!" Biglang sigaw nito habang mahigpit ang kapit sa braso ko kaya lalong napakunot naman ang noo ko.
"Bakit?"
"N-Napatay ko na. Huwag ka ng pumasok diyan. Tara na sa baba baka andoon na ang mga bata." Nauna na itong naglakad pababa ng hagdan kaya sumunod naman ako sa kaniya pero bago iyon ay tiningnan ko pa muna ang pinto ng kwarto ng ikang segundo bago tuluyan ng umalis doon.
Nang makababa ay agad ko namang nakita ang nga anak namin kaya napangiti naman ako. "Andito lang pala kayo. Saan kayo pumunta kanina at wala kayo dito sa bahay?" Tanong ko sa kanila ng lumapit ang mga ito para humalik sa amin ni Stella.
"Diyan lang po sa labas. May truck po kasi kanina na dumaan at nagbebenta po ng ice cream kaya bumili kami." Napatango-tango naman ako saka ngumiti at nakipag-usap pa sa kanila habang si Prelle naman ay umalis at pumuntang kusina.
Pero maya-maya ay bumalik din habang gulat na gulat. "Sino 'yung nagluto ng ulam?" Maski ako ay nagulat man din ng marinig iyon.
Halos ilang linggo ng walang nagluluto ng ulam dito sa bahay dahil wala na nga si Merna. Palagi ring take out ang pagkain namin dahil pagod na kami pag-uwi. Hindi rin naman pwedeng iyong mga bata dahil hindi naman sila marunong.
"Basta po hindi kaming tatlo. Pagkauwi po namin galing school ay agad kaming lumabas eh at magkakasama po kami." Sagot ni Alex dahilan para nagkatinginan naman kami ni Prelle.
"At hindi rin naman pwedeng tayo dahil kakauwi lang natin." Saad ko naman.
What's happening here?
![](https://img.wattpad.com/cover/251124085-288-k32317.jpg)
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]