Prelle's POV
"Patay na si Flow."
Agad akong natigilan at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya habang natatawa pa pero nanatili lang ang seryuso nitong reaksiyon dahilan para matigilan ako at agad na napailing. "Huwag kang magbiro ng ganiyan." Saad ko.
"Prelle, hindi ko kayang magbiro ng ganun." Sagot nito dahilan para matumba ako at napaupo na naman sa sahig. Para akong nanghihina.
"A-Anong nangyari sa anak ko?" Mahinang tanong ko habang nakatingin lang sa sahig.
"Nasagasaan siya ng truck ng papauwi na sila." Sagot niya dahilan para pumatak naman ulit ang mga luha ko.
"Paano ang iba kung anak?" Tanong ko pa ulit. Pumiyok na ako.
"Maayos silang dalawa." Sagot nito dahilan para sumaya naman ako kahit papaano pero mas matindi pa rin ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Ano bang nangyayari sa buhay namin..." Mahinang saad ko at napahagulhol na lang sa sarili kung mga palad.
Nawawala si Marco. Nasagasaan si Flow. At andito ako ngayon sa mental... Ang layo na ng buhay namin ngayon sa noon.
Normal lang naman ang buhay namin dati, ah?
Bakit biglang nagkaganito. Bakit umabot sa ganito. Bakit nararanasan namin 'to.
Parang sobra-sobra naman 'to para danasin namin.
"Sobra nga ba?"
Biglang may bumulong sa tenga ko dahilan para manindig ang balahibo ko at napalinga-linga sa paligid pero ako na lang ang tao sa loob ng kwarto. Wala na ang kaibigan ni Marco.
Napalunok naman ako at naikuyom ang kamay ko habang pinapakiramdaman ang buong paligid. Sobrang tahimik...
Dahil ba noon...
Pero matagal na 'yun...
Hindi pwede. Hindi pwede!
"Magsisisi kayong lahat..."
Iyon na naman ang boses dahilan para mapatayo ako at agad na napalinga-linga sa buong paligid at napasandal sa glass na dingding. Halos kainin na ako ng takot at pangamba.
"Waaaah!"
Agad akong napaatras at napahiyaw dahil sa sobrang gulat ng bigla na lang may humampas ng malakas sa dingding kung nasaan ako nakatalikod. Isang pasyente lang pala... Tumatawang umalis ito na parang wala lang nangyari.
Mapalunok na lang ako at napalayo na doon at agad na dumeritso sa kama ko at doon naupo.
Nakakabaliw ang katahimikan sa buong lugar. Para akong uti-unting pinapatay dito.
Nagpalinga-linga ako para maghanap ng bintana pero wala maski isa. Tanging glass na dingding at pinto. Puro puti naman ang lahat ng gamit sa loob. Mula sa sahig at kisame, beddings ng kama, table at kung ano-ano pa.
Kapag nagtagal ako dito... siguradong ikakasira nga ng ulo ko.
Nakagat ko na lang ang braso ko at napahikbi na naman dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang matulog para wala na akong iisiping problema. Pero natatakot ako na baka dalawin na naman ako ng mga masasamang panaginip ko kapag natulog ako.
Parang wala naman akong magawa...
Sino ba ang may pakana nitong lahat? Bakit niya 'to ginagawa sa pamilya ko. Naghihiganti ba siya?
Hindi pwede...
Ayaw kung mawala ang lahat ng mga mahal ko...
Pero anong gagawin ko para makaalis ako dito? Paano ko sila maiililigtas? Hindi ko man lang alam kung sino ang kalaban...
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]