Epilogue

417 6 0
                                    

Fin's POV


Nakasunod sa akin si Marco na may hawak na baril. Wala akong maski isang armas kaya hindi ako pwedeng sumugod basta-basta. Hindi siya mag-aalinlangang patayin ako kapag nagkataon.

Nagsimula ang lahat ng 'to noong gabing iyon. Kitang-kita ko si Marco at  Prelle na sinunog ang bahay namin. Nasa labas kami ng mga oras na iyon dahil biglaan kaming bumili ng pagkain. Pero ang inaakala ng mag-asawa ay nasa loob rin kami. Tinupok ng apoy ang buong bahay namin at kasama na doon ang Tatay ko. Ang tatay ko na mabait na tao.

Akala ko ganoon rin ang Tiyo ko dahil puro kabutihan ang pinakita nito pero ang totoo ay gusto pala nitong patayin ang Tatay ko para masulo ang yaman na ipinamana na dapat kay Tatay.

Totoo nga ang sabi ng iba...

Kaya kang gawing masama ng pera, galit at inggit. Dahil iyon ang nangyari sa taong mga nakakahalubilo ko.

Napatago ako sa isang puno para makapagpahinga at maikalma ang paghinga. Pero agad akong nagulat ng makita si Nanay na nasa harapan ko at wala ng buhay. Mas lalong umusbong ang galit sa dibdib ko at agad na kinuha ang palakol na nasa gilid at agad na tumakbo ng barilin na naman ako ni Marco.

"Huwag ka ng tumakbo, Fin! Papatayin din kita." Sigaw nito.

Kumanan ako at hindi pinansin ang sinasabi nito. Dahil palagi na akong gumagamit ng palakol noon para magsibak ng kahoy ay nasanay na ang maliit na katawan ko na buhatin iyon. Advantage na rin para sa akin  ang maliit na katawan ko dahil magaan at bumibilis ang kilos ko.

Bumaril ulit ito at napadaing ako ng madaplisan ako sa balikat. Pero hindi ko na ininda pa iyon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Malayo ito sa akin dahil na rin siguro sa tama nito sa tiyan.

Napatago ako ulit sa isang malaking puno para ikalma ulit ang paghinga at makabawi ng lakas. Napatingin ako sa balikat ko at maraming dugo ang lumalabas doon at tumutulo na papunta sa braso ko.

Nang makabawi na ay agad ulit akong tumakbo at hinabol naman ulit ako nito. Pumunta ako sa kaliwa at tumakbo palibot sa kaniya. Hindi ito makaasintang mabuti dahil sa mga kahoy na nakaharang. Patuloy lang ako sa ginagawa ko at patuloy rin naman ito sa pag-ikot at pagbabantay sa galaw ko.

Nararamdaman ko na ang pangangalay ng paa ko pero hindi ko na binigyan pa ng pansin iyon at nagpatuloy lang sa pag-ikot habang habol-habol ang hininga.

Kailangan niyang mamatay. Kailangan! Kailangan! Kahit anong mangyayari ay papatayin ko siya.

Nang makakuha ng tyempo ay agad akong tumigil sa pagtakbo at tyempong nakatalikod ito. Ngumisi ako habang habol-habol pa ang hininga ko at itinaas ang palakol. "Kill me, Daddy!" Sigaw ko at agad na inihagis ang palakol at tyempong humarap naman ito at binaril ako.

Nakita ko kung paano tumama sa gitna ng ulo nito ang palakol at natumba sa lupa pero kasabay nun ay napaubo rin ako ng dugo at napatingin sa dibdib ko na kumikirot. Nakita ko ang dugo doon. Napahiga na lang ako sa lupa at ang paningin ay nasa langit na. Napangiti na lang ako at naitaas ang kamay ko.

"Let's see in hell, Daddy. Siguradong doon ang punta nating dalawa." Saad ko at kasabay nun ay nalaglag ang kamay ko at pagdilim ng paningin ko.

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon