Marco's POV
"B-Baka si Merna lang. You know.... napadaan siguro dito at naisipan na magluto muna bago umalis. Baka bumisita siya rito kanina." Saad ni Prelle kaya napatango-tango naman ako.
Ano ba 'tong nga inisip ko. Baka sa pagod lang kaya nagkakaganito.
"Siguro nga ay ganoon na nga. Tara na at kumain na lang. Gutom na ako eh." Saad ko naman saka tumayo na. Agad namang yumakap ang tatlo kung prinsesa sa akin kaya napangiti na lang ako.
"Ano po ang ulam?" Tanong ni Flow ng makaupo sa upuan nito at agad na kumuha ng kutsara at tinidor.
"Giniling at dinuguan." Sagot naman ni Prelle at inilagay iyon sa mesa.
"Ay." Natawa naman kami ng biglang napanguso si Flow dahil bawal siya sa ganoong mga pagkain. Nagkakarashes siya kapag nakakain ng ganoon.
"Hindi din ako kakain niyan hanggat hindi ka kumakain niyan Flow." Saad naman ni Alex dahilan para mapangiti na lang ako ng bahagya..
Palagi niya na lang dinadamayan ang kapatid.
Nagsimula naman na kaming kumain dahilan para manahimik muna sandali ang paligid. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig.
Siguro nga ay si Prelle ang nagluto ng ulam, ang sarap eh. Magaling talaga siyang magluto simula noon kaya nga siya ang kinuha ko na magiging Yaya dito eh.
Siguro ay may ginagawa lang ito kaya hindi nakakastay dito.
Makaraan ang ilang sandali ay natapos na kaming kumain kaya napagdesiyonan muna namin na manood ng Tv dahil maaga pa naman at busog pa kami para matulog kaagad.
"Flash report: Pasintabi po sa mga kumakain ngayon. May natagpuang mga buto ng tao sa XX village sa may damuhan. Meron pang mga laman-laman na natira pero naaagnas na iyon. Siguro ay matagal na panahon na itong naitapon rito. Sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang biktima pero ginagawan na ng paraan ng mga pulis para matukoy kung sino ba iyon. Wala pang binibigay na detalye tungkol sa krimin ang mga pulis, sa ngayon. At mula dito sa XX village, Romila Loraña nag-uulat. Back to you Sir Raffy."
"Diba po diyan lang po 'yan sa kabilang street?" Tanong ni Alex habang nakatingin pa rin doon sa Tv.
"Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?" Tanong ko habang nakatingin rin doon sa tv na iba na ang ipinapalabas. "Prelle mabuti pa at umakyat na kayo ng mga bata sa taas." Sabi ko at tumango naman agad ito saka dinala na ang mga bata sa taas ng makitang wala na sila ay agad ko ng tinawagan ang isa sa kasamahan ko.
"Nakita mo na rin siguro iyong nasa balita?"
"Oo. Alam niyo na ba kung sino iyon?" Tanong ko kaagad habang nakatingin sa Tv at pinapalabas na naman ulit ang flash report parehas ng kanina.
"Oo. Pero baka magulat ka kapag nalaman mo kung sino iyon." Saad nito kaya napakunot naman ulit ang noo ko.
"Sino ba kasi? Sabihin mo na para matapos na 'to at makapunta na ako roon sa crime scene total ay malapit lang naman iyon dito sa----"
"Kay Merna ang butong nakita pre---" Enend ko kaagad ang tawag ng marinig iyon. Ayaw ko ng marinig ang mga susunod na sasabihin nito. Nanginginig ang buo kung katawan.
"At si Merna ang kinakain niyo araw-araw." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na iyon mula sa likuran. Balak ko pa sanang humarap sa gawi nito pero naputol iyon ng hampasin na lang ako nito ng isang matigas na bagay sa ulo dahilan para mawala ang ulirat ko.
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]