Prelle's POV
Wala akong trabaho ngayong araw sa school dahil sabado. Natapos ko na rin ang mga dapat gawin para sa school kaya araw naman ngayon para mag-ayos naman ako dito sa bahay.
Hindi na talaga namin nakikita si Merna dito sa bahay pero palagi namang may pagkain na nakahain tuweng gigising kami.
Nakakapagtaka iyon dahil nitong nakaraang mga araw ay wala ng nagluluto. Wala na ring paramdam talaga dahilan para mangamba naman kami kaya naisipan na namin iyong ireport sa mga pulis.
Kaya ito ngayon at may mga pulis sa bahay at hinahalughog ang bawat sulok.
Sinabi na naming wala si Merna dito sa bahay pero naghalughog pa rin sila. Ganoon nga naman siguro ang trabaho nila.
Ganoon na ganoon si Marco sa trabaho niya eh.
Natapos na rin kaming tanongin ng mga pulis kahapon at pareho lang ang sagot naming lahat.
Bakit ba kasi bigla na lang nawala si Merna? Maayos naman siya ng nakaraan ah.
Naisipan ko na lang na umakyat sa taas para linisin ang kwarto ng mga bata. Hindi ko na rin nalilinis iyon mula pa ng mga nakaraang linggo.
Habang nasa hagdan ay nakita ko na naman ang mga buhok na nagkalat doon. Habang pa-akyat ako ng pa-akyat ay meron talaga taga-baitang. Para bang naglalagas na hindi ko maipaliwanag.
Naglalagas kaya ang buhok ni Sam?
Siya lang kasi ang may mahabang buhok sa aming lahat na nandito maliban kay Merna na nawawala nga. Imposibleng sa kaniya ito.
Matanong na nga mamaya si Sam. Baka may problema na 'yung buhok niya at hindi lang nagsasabi.
Kumuha na ako ng walis at dustpan saka sinimulan ng walisin iyon. Palagi na lang ganito ang ginagawa ko kapag uumakyat ako dito sa hagdan. Palagi talagang may buhok.
Habang nasa gitna ay bigla kung napansin na tila may tumutulo mula sa taas ko. Basa iyon na hindi ko maipaliwanag.
Ano naman kaya 'to?
Sa may balikat ko banda tumulo iyon kaya hindi ko naman makita kung ano.
Unti-unti naman akong napatingin sa taas para tingnan kung ano ba ang tumutulong iyon pero parang nawalan ako ng dugo ng makita si Merna doon na parang butiki na nakadikit sa kisame at bigla na lang umikot ang ulo nito at humarap sa akin at kitang-kita ko ang mukha nito na walang mata at natahi ang bibig.
"Ahhhhhhhhhh!!!!" Isang malakas na sigaw ko at napaupo sa hagdan habang at tinatabonan ang mata ko.
"Anong nangyari dito?" Rinig kung boses ni Marco dahilan para mapakapit kaagad ako sa kaniya habang nanginginig pa rin.
Parang tumakas lahat ng dugo sa katawan ko dahil sa nakita.
"T-Tumingin ka sa taas." Saad ko habang nakakapit pa rin sa kaniya.
Hindi ko na kaya pang tumingin doon ulit. Baka tuluyan ng mawala ang kaluluwa ko kapag nakita ko pa ulit iyon.
"Anong bang meron? Kisame lang naman ang nakikita ko." Agad akong napatingin doon sa taas at napanganga ng makitang isang ordinaryong kisame lang ang nandodoon.
P-Pero...Pero kanina a-ay may--si Merna...
Nababaliw na ata ako.
"Anong nangyari dito? May narinig kaming sumigaw kaya agad na kaming pumunta dito." Saad ng mga pulis kaya agad ko namang inayos ang sarili ko.
"A-Ah nakakita lang po ako ng higanteng butiki Sir kaya ako napasigaw. Wala pong nangyaring masama." Nakangiting saad ko saka tinapos na ang paglilinis ng nga buhok.
"Sigurado kang ayos ka lang?" Tanong pa ulit ni Marco kaya nagpilit na lang ulit ako ng ngiti saka tumango. "Sige, babalik na muna ako sa labas para makausap ang mga pulis." Tumango lang ako ulit.
Naiwan akong mag-isa ulit dito. Napabuntong-hininga na lang ako at napahilot ng sentido.
Napapadalas na 'to ah.
Simula ng nakaraan ay palagi kung napapansin na parang may sumusunod sa akin o hindi kaya ay may nakikita ako pero parang namamaliknata lang rin pala ako.
Pero ang nakita ko ngayon....
Parang nakakatakot na.
Buhay pa si Merna. Mali 'tong mga nakikita ko. Hindi 'to tama. Buhay pa 'yung tao pero ganito 'yung nakikita ko.
"Mom--"
Napaigtad ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Napatingin naman kaagad ako doon at nakita si Flow na nakatingin sa akin. "Flow, anak, bakit ka nandito? Akala ko ba ay naglalaro kayo ni Alex?"
"Nakita mo din po ba si Yaya Merna kanina-kanina lang? Nakita ko din po eh." Saad nito dahilan para manlaki ang mga mata ko at agad siyang hinawakan sa braso at dinala sa kwarto at sinarado ang pinto.
"T-Totoo ba 'yang sinabi mo, baby? Nakita mo din siya?" Tanong ko sa kaniya ulit.
"Opo. Nasa kisame siya at nakatingin sayo kanina. Nakakatakot po ang mukha niya." Agad ko naman itong niyakap at napasinghap na lang.
Ibigsabihin ay hindi lang ako nakakita nun. Pati si Flow ay nakita rin ito.
"Mommy ng mga nakaraan ay may humahabol sa akin dito sa bahay." Saad pa nito.
"Baka si Alex lang 'yun anak. Alam mo naman ang kapatid mong iyon---"
"Hindi po siya Mommy. Sigurado po ako. Iba po 'yung humahabol sa akin. Tapos po parang palagi ng may nakasunod sa akin." So pati anak ko ay nakakaranas na rin ng nga ganoon.
Akala ko ay ako lang.
"Huwag kang mag-alala baby. Magiging maayos din ang lahat. Huwag ka ng mag-alala. Maayos din ito. Siguro ay stress lang tayo ngayon kaya may mga ganoon tayong nakikita. Kailangan lang siguro nating magpahinga." Saad ko saka hinagod ang likod nito.
"Mommy may sasabihin po ako sayo. Secret lang po natin 'to ah." Saad nito saka inilapit ang bibig sa tenga ko. "Tulong..."
"Huh---" Agad akong napakapit sa pintuan ng makita si Flow na wala ng mga mata at naliligo na sa sariling dugo habang hawak-hawak ang manika nito na may dalang kutsilyo.
Agad kung pinihit ang siradora ng pinto saka tunatakbo papunta sa baba habang kabog ng kabog ng malakas ang dibdib ko.
Parang lalabas ang puso ko.
Agad kung nakita si Marco kaya lumapit ako sa kaniya saka yumakap. "Ano na namang nangyari? Bakit parnag hinahabol ka ng demonyo diyan?" Tatawa-tawang tanong nito habang hinahagod ang likod ko.
"Si Flow...." Usal ko habang habol-habol ang hininga. Parang kakapusin na ako ng hangin.
"Nasa harap ng Tv at nanonood kasama si Sam at Alex. Bakit, may kailangan ka ba sa kaniya?" Hindi naman ako nakagalaw habang nakatingin kay Flow na nasa sofa at kasama ang mga kapatid niya.
Eh sino 'yung kasama ko kanina? Shit!
"W-Wala naman." Iyon lang ang naisagot ko saka napalunok na lang.
Ano na bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]