07

237 5 0
                                    

Flow's POV




"Alex?" Tawag ko kay Alex habang yakap-yakap ang teddy bear ko at palinga-linga sa paligid.

Sabado kasi ngayon at kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Sina Mommy ay baka mamaya pa makakauwi.

"Alex? Nasaan ka?" Tawag ko pa ulit sa kaniya dahil hindi ko ito makita pero walang sumasagot.

Ang tahimik ng buong bahay at ang daming kwarto kasi dito sa bahay. Baka nagtatago na naman ito sa mha kwartong iyon.

Agad naman akong tumakbo at itinapon nag teddy bear sa sahig at nagsimula ng buksan ang mga pinto.

"Alex, boo!" Panggugulat ko ng matapos buksan ang isang pintuan pero napanguso naman ako ng makitang walang tao roon.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kabikang kwarto at binuksan rin saka hinalughog ng hanap baka nagtatago roon si Alex pero wala talaga.

Sinunod ko naman ang iba pa na mga kasunod na kwarto pero naubos ko lang kakabukas ay wala naman akong nakita na Alex kaya napakamot na lang ako ng ulo. "Andito lang siya kanina eh." Bulong ko at bumalik na sa may una pinasukan ko kanina dahil andoon banda ang main door.

Napatigil ako habang habol-habol ang hininga ng nay mapansin. "Dito rin ako kanina nanggaling ah?" Inosenteng tanong ko habang nakatingin sa paligid. Dito ako kanina last na pumunta.

Pero tama naman ang dinaanan ko eh. Doon ang daan pabalik....pero bakit ako nandito?

"Alex? Huwag mo ang iprank...iiyak talaga ako kapag natakot ako sige ka." Saad ko habang palinga-linga sa paligid pero tanging hallway lang at magkaharap na nga pinto ang nakikita ko.

Makaraan ang ilang sandali ay walang sumagot sa akin pero naisapan ko na lang na unulit dahil baka ibang daan lang ang nadaanan ko kaya ako bumalik dito.

Nagsimula naman akong maglakad ulit pero bigla kung naramdaman na parang may tao sa likod ko at ng isipin na si Alex iyon ay agad naman akong humarap doon pero agad na kinabahan ng makitang walang tao doon.

P-Pero...may nakita akong anino ah? K-Kanino 'yun?

Napalunok naman ako saka nagpatuloy na sa paglalakad at maya-maya ay mas binilisan na ng makita ang aninong nakita ko. Nakasunod iyon sa akin.

"Mommy!" Hindi ko na maiwasang hindi mapasigaw dahil sa takot at kabang nararamdaman ngayon.

Takbo lang ako ng takbo at agad na napahinga ng maluwag ng makita ang  main door sa harapan ko. Agad na akong pumasok doon at inilock iyon saka na tumakbo papunta sa salas at agad na hinanap ang iba kung mga kapatid.

Napatigil naman ako sandali ng nasa may salas na ako. Nakahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga.

Siguro pinaglalaruan lang ako ni Alex. Baka siya lang kanina iyon.

"Ate what happened?" Nagulat naman ako ng may marinig na magsalita kaya agad naman akong napatingin kung sino iyon at nakita si Sam kaya napahinga naman ako ng maluwag saka lumapit sa kaniya.

"W-Wala. Nakita mo ba si Alex, Sam?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasama ko siya sa may sofa. Nanonood kami ng Tv. Kanina ka pa namin tinatawag sa kwarto mo, Ate. Pero hindi ka naman sumasagot." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng kapatid ko.

Kwarto? Kasama? Kami 'yung magkasama ni Alex mula pa kanina ah. Ngayon-ngayon lang naman siya nawala...

"Kanina mo pa ba kasama si Alex?" Tanong ko pa ulit.

"Opo. Mula pa kaninang tanghali Ate Flow. Namimiss ka na nga po niya eh. Hindi ka raw kasi lumalabas sa kwarto mo." Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya.

Hala! Kaninang tanghali?! Eh kanina pa nagtanghali? At magkasama kaming nagtanghaliang tatlo! Hindi lumalabas sa kwarto eh magkalaro kami ni Alex mula pa kaninang umaga.

At sino 'yung doon sa mga kwarto sa may left side ng bahay? Sino 'yung humahabol sa akin kung hindi si Alex 'yun?!

Napatingin naman ako bigla sa hawak ni Sam at agad na kumunot ang noo at inosenteng napatingin sa kaniya. "Saan mo nakuha itong teddy bear ko?" Tanong ko sa kaniya.

Naiwan ko ang teddy bear ko doon kanina ah? Bakit nasa kaniya na?

Niyakap naman niya iyon saka ngumiti. "Nakita ko kanina kaya pinulot ko. Baka kasi hanapin mo." Ibinigay nito iyon kaya tinanggap ko naman iyon saka ngumiti din.

"Salamat Sam. Kanina ko pa nga ito hinahanap eh. Saan mo ba 'to nakita?"  Kinunotan naman ako nito ng noo ng ilang sandali.

"Doon sa kusina ko nakita. Kumuha ako ng popcorn sa may cabinet tapos nakita ko ito na nasa sahig." Ngumiti naman ako saka sinuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang daliri ko.

"Salamat at nakita mo'to, Bunso. Mahalaga pa naman ito sa akin." Kimi naman itong ngumiti pabalik.

"Tara na ate. Baka naghihintay na si Alex." Tumango naman ako at naglakad na rin papunta sa may sofa.

"Flowwww! Naisipan mo ring lumabas." Sigaw kaagad ni Alex ng makita ako. Yumakap pa ito sa akin.

'Pero kanina pa ako nasa labas ah. Kasama pa nga kita eh.'

Gusto kung sabihin iyon pero ngumiti na lang ako saka naupo sa tabi nilang dalawa. "Medyo sumakit lang kanina ang ulo ko." Agad naman akong humingi ng patawad kay Lord dahil nagsinungaling na naman ako.

Matapos mag-usap ay natahimik naman na kami at nanonood na ng palabas. Sofia the first 'yung pinapanood namin ngayon since paborito namin iyong panoorin. Pero hindi ako makapagfocus sa panonood dahil mga nangyari.

Paanong si Alex na kasama ko at kalaro ko lang kanina ay hindi ko naman talaga pala kasama. At ang teddy bear na dala ko na naiwan doon ay nasa kusina na. At 'yung anino---'yung humahabol sa akin.

Ang weird.

Baka nanaginip lang ako? Ang sama namang panaginip iyon.

"Alex, paabot naman ng juice, please." Agad naman niya iyong inabot sa akin kaya napatingin naman ako doon ng tanggapin.

"Ito oh." Bigay nito at kinuha ko naman iyon pero hindi nakawala sa tingin ko pulang mantsa sa may sleeves ng damit nito.

Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali saka napalunok at agad na tumingin ulit sa Tv ng makita itong tumingin sa akin.

Parang kinabahan ako ulit bigla...

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon