Prelle's POV
"Hindi ako baliw! Bitawan niyo ako! Hindi sabi ako baliw!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa dalawang lalaki na nakahawak sa magkabila kung braso.
"Matagal na kitang nahahalata, Prelle. You're so weird this past few weeks pero nanahimik lang ako pero ngayon ay kailangan mo na talagang dalhin sa mental." Saad ni Dina dahilan para umiling.
"Totoo ang sinasabi ko sayo, Dina. Gusto akong patayin ni Merna. Tulungan mo'ko. Huwag mo akong dalhin sa mental. Bitawan niyo ako! Tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ko habang umiiyak.
"Paano ka papatayin ng taong patay na Prelle?" Tanong nito saka napabuntong-hininga at umiling. "Huwag kang mag-aalala. Matutulungan ka ng mga tao sa pupuntahan mo. Mapapagaling ka nila. Magiging maayos ka rin at babalik sa normal." Saad nito dahilan para umiling naman ako.
"Huwag! Hindi ako baliw. Ayaw kung pumunta dun. Ano ba?! Bitawan niyo ako." Pagsisigaw ko habang nagpapamiglas pa rin pero wala talagang talab. Mas malakas sila sa akin.
Ipinasok na nila ako sa loob ng sasakyan at wala na akong nagawa. Kahit anong pagmamakaawa ko kay Dina ay hindi na ito nakikinig sa akin. Iniisip nito na may sira na ako sa ulo kaya niya ako pinakuha dito sa mga tauhan ng mental hospital.
Kinaladkad ako ng mga lalaki nang makarating na kami sa hospital. Ipinasok nila ako sa isang kwarto na puro puti ang nasa loob at napapalibotan ng glass.
Agad akong nagwala para palabasin nila ako pero umiling lang ang mga ito saka tuluyang umalis dahilan para malaglag na lang ako sa mga tuhod ko at napahagulhol.
Bakit ba nangyayari sa akin 'to?!
Nayakap ko na lang ang mga tuhod ko at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Wala na akong lakas para magwala pa. Wala rin naman akong mapapala kahit na magwala ako. Wala namang pumapansin sa sinasabi ko.
"Hi Prelle."
Nanlaki ang mga mata ko at napataas ng tingin at agad na nagulat ng makita na naman si Merna doon. "H-Huwag kang lumapit sakin. Huwagg!" Sigaw ko at napasabunot sa sariling buhok ko at napayuko.
Para akong pinapatay...
Agad kung kumatok ang glass na dingding pero dinadaan-daanan lang ako ng mga tao. Kahit anong sigaw at paghingi ko ng tulong ay hindi nila ako pinapansin.
Napatingin ako ulit sa likuran ko pero natigilan ako ng makitang wala na si Merna doon.
Napaupo na lang ako at agad na napailing nang may maisip ako. Umiling ako ng umiling habang umiiyak.
Hindi..
Hindi totoo...
Nababaliw na ako...
Hindi! Hindi ako baliw!
Napahagulhol na lang ako ulit at nahiga sa sahig dahil pakiramdam ko ay tumakas na lahat ng lakas na nasa katawan ko at wala ng natira para gumalaw ako.
Gusto ko ng makaalis dito...
Gusto ko ng umuwi...
Napatulo na lang ang luha ko habang nakatingin sa kisame na puting-puti kagaya ng mga bagay na nasa loob ng kwarto.
Bigla akong napabangon ng biglang may pumasok na pulis, kaibigan ni Marco. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya. "Salamat at nandito ka na. Alisin mo naman ako dito, oh. Dinala nila ako rito dahil baliw na raw ako. Tulingan mo'ko---"
"Patay na si Flow..."
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]