Prelle's POV
Para akong nakalutang sa ere habang naglalakad ngayon papauwi sa bahay. Parang ayaw magsink-in sa isip ko ang mga narinig.
Naguguluhan ako...
Ano ba ang nangyayari sa amin ngayon. Dati ay hindi naman ganito ang buhay namin ah. Anong nangyari?
Napatitig na lang ako sa itaas ng bahay ng may makitang isang batang babae na nakatayo at may suot na puting damit.
Napalunok naman ako ng makita ang tatlong anak ko na tumatakbo papunta sa akin. Napatingin ulit ako sa taas at wala ng tao roon.
"Mommy! Nahanap niyo na po ba si Daddy?" Tanong ni Flow.
"Nasaan na siya, Mommy? Bakit hindi mo siya kasama?" Tanong rin ni Sam.
"Oo nga po, Mommy." Saad rin ni Alex.
"A-Ah...m-may pinuntahan lang. B-Baka mamaya ay andiyan na rin siya. P-Pumasok na lang tayo sa loob." Saad ko na lang.
Pagkapasok na pagkapasok sa loob ay ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa akin pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng kakainin.
"Flow, huwag masyadong malikot." Sigaw ko ng makitang nagtatatakbo na naman ito.
Napabuntong-hininga naman ako saka pumunta na lang sa ref para kumuha ng pagkain pero nanlaki ang mata at napasigaw ng may makitang ulo doon.
Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa sariling buhok dahil sa nakita. Para akong masusuka na hindi mapaliwang ang pakiramdaman ko.
"Mommy, anong nangyari?" Biglang tanong ng mga anak ko kaya napatingin naman ako sa ref at nakita ang pakwan.
A-Anong nangyayari sa'kin...
Naiyak na lang ako at niyakap ang mga anak ko ng mahigpit.
"W-Wala wala. May nakita lang si Mommy na malaking ipis. Balik na kayo doon sa paglalaro. Magluluto na ulit si Mommy." Nakangiting saad ko at sumunod naman sila.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo saka kumuha ng gulay doon at dumeritso na sa kusina.
Para akong walang pakiramdam habang gumagawa ng mga gawain ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nawawala ang asawa ko...
Nalaman kung patay na si...
Hindi ko na alam ang isipin ko.
Para akong mababaliw.
Dumagdag pa 'yung mga nagpapakita sa akin na hindi ko maipaliwanag.
Kung panaginip 'to gusto ko ng magising ng tuluyan at hindi na muling managinip pa.
Ang pangit nitong panaginip.
Kumain kaming apat at puro tanong pa rin ang mga bata sa akin. At sumasagot naman ako, minsan hindi nga lang totoo.
Habang naglilinis ng bahay ay lutang ako. Iniisip ko kung nasaan na ang asawa ko. Iniisip ko kung sino ang nagluluto ng mga nakaraan. Kung sino 'yung nagpaprank lang sa akin? Naisip ko na baka prank lang ang lahat ng 'to.
Kasi ayaw ko na sa ganito
Ayaw ko na na may parang nakasunod sa akin lagi. Ayaw kung may makita na mga kababalaghan. Makaramdam ng mga kababalaghan.
Napabuntong-hininga na lang ako saka pumunta na sa kwarto at naligo para mahimasmasan at kumalma naman kahit papaano.
Matapos ay tinuyo ko na ang buhok saka natulog na dahil umaga pa akong gigising bukas.
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorreurSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]