Marco's POV
"Argh." Napadaing ako habang habol-habol ang hininga ko at napatago sa isang malaking puno.
Nakatakas ako sa pisteng bahay kung saan ako kinulong ng taong dumukot sa akin at siyang pumatay rin kay Merna. Nakita ko sa bahay na iyon ang damit at ilang gamit ni Merna.
Nasa gitna ng gubat ang bahay na iyon at hindi ko alam kung saan na ba ako. Hindi pa ako nakakapunta dito...
Hinahabol ako ngayon ng isang tao na nakasuot ng ulo ng baboy. May dala itong palakol at gusto akong patayin.
Agad na akong tumayo at balak sanang tumakbo ng biglang tumama sa puno na nasa harapan ko ang isang palakol dahilan para magulat ako. Agad akong napalingon sa likod at nakita ang taong tumutugis sa akin.
"Shit!" Agad akong tumakbo at humabol naman ito. Halos hindi ko na alam kung nasaan na ako. Sobrang kapal ng hamog at halos puro puno ang nadadaanan ko dahilan para hindi ko makabisado kung nasaan na ba talaga ako o nadaanan ko na ba ang lugar kung nasaan ako.
Takbo lang ako ng takbo habang naghahabol ng hininga. Hindi ako pwedeng mahuli ng taong 'yun dahil paniguradong ipapakain niya rin ako sa pamilya ko.
Sinabi nito sa akin na ng nasa gitna kami ng gubat kung nasaan ang bahay na pinaglagyan nila sa akin... Ang kinakain namin noon ay ang sarili naming katulong. Si Merna ang inuulam namin ng buo kung pamilya.
Halos naisuka ko lahat ng laman ng tiyan ko dahil sa sinabi ng mga ito. Ipinakita pa nila ang video kung paano nila niluto ang iba't-ibang parte ng katawan ni Merna.
Hindi na sila tao...
Kung sino man ang nasa likod nito... Pagbabayarin ko sila.
Napalingon na naman ako at nakita kung inihagis na naman nito ang palakol dahilan para mapayuko ako dahilan para ang puno na naman ang matamaan nito. Agad akong tumakbo ulit papalayo sa kaniya.
Bigla kung naalala ang gabi na may humampas sa akin. Nakita ko ang may gawa nun pero dahil sa tindi ng paghampas sa akin ay naging blur ang paningin ko at hindi naging klaro ang mukha nito. Siya rin ang unang nagsabi na si Merna ang unang kinakain.... Damn!
Bigla akong tumigil at nagtago sa isang puno at napatingin sa likuran pero wala ng nakasunod sa akin kaya napahinga naman ako ng maluwag pero agad ring nagulat ng makitang nasa harap ko na ito pagtingin ko sa harapan at nakataas na palakol. Agad ko naman siyang pinigilan pero agad ring napadaing ng sumakit ang tiyan ko kay saan ako may sugat. Nadaplisan kanina ng kutsilyo ng tumakas ako. Pero hinugot ko lahat ng pwersa ko saka tinadyakan ito sa dibdib dahilan para mabitawan naman nito ang palakol at agad na napahiga sa lupa. Agad naman akong tumayo habang hawak-hawak ang palakol. Pero nanlaki ang mata ko ng bigla itong bumunot ng baril dahilan para maitaas ko naman ang palakol at agad na ibinagsak sa dibdib nito. Dumanak ang maraming dugo dahilan para maghabol naman ako ng hininga.
Binitawan ko naman ang palakol at kinuha ang baril ko sa kamay niya saka dahan-dahang kinuha ang ulo ng baboy na ginawa nitong maskara na isinusuot sa buong ulo nito. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.
"Dina?" Gulat na usal ko habang nakatingin sa patay na babae sa harapan ko. Kaibigan siya ni Prelle.
Asawa siya...
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]