20

277 4 0
                                    

Marco's POV



Nakatanga lang ako sa bahay ko na nasa harapan ko na ngayon. All this time... Doon lang pala nagtatago ang mga mamamatay taong 'yun sa lumang bodega na nasa gitna ng gubat na halos ilang metro lang ang layo mula sa bahay.

Agad akong tumakbo papunta sa loob ng bahay habang naghahabol ang hininga pero pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad na lang akong napatanga ng makitang maraming dugo. Maraming-maraming dugo...

Sinundan ko iyon habang nakatutok ang baril sa harapan. Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba at paghahabol ng hininga pero pinili ko na tapangan ang loob ko.

Biglang napunta sa kusina ang mga dugo dahilan para doon din ako dalhin ng mga paa ko at bigla kung nakita ang isang bata na nakatayo sa gitna ng kusina at may hawak-hawak na kutsilyo na puro dugo. Unti-unti namang napunta ang paningin ko sa paanan nito at natigilan nang makita si Alex at Sam na naliligo sa sarili nilang dugo at puno na ng saksak ang katawan.

"Hello, Daddy. Welcome home." Nakangising bati ng isang bata dahilan para mapalunok naman ako at napailing.

"Bakit mo ginawa ang lahat ng 'to? Anong kasalanan namin sayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo alam?" Natatawang tanong nito saka tuluyang humarap sa akin. "2013. May pamilyang sinunog ng buhay sa loob ng bahay nila. Sinabi sa balita na namatay ang tatlong myembro ng pamilya pero isa lang ang natagpuang bangkay. Pero wala ng pumansin nun dahil inaakala ng lahat na naabo na ang dalawa. Naaalala mo na?" Tanong niya. Natigilan naman ako at napatitig sa kaniya. "Diba kayo ang may gawa nun?" Nakangising tanong niya dahilan para ikagulat ko.

"Flow... Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pero nginisian niya lang ako. Alam na nagkukunwari akong walang alam.

Bigla kung naalala ang gabing iyon. August 18, 2013. Namatay ang kakambal ko at ang pamilya nito dahil sa pagkasunog ng bahay nila at napasama sila dito.

Ako ang pumatay sa kakambal ko. Pinatay ng pamilya ko ang pamilya niya dahil sa mana...

Napunta lahat iyon sa amin ng nawala sila. Naging maayos ang pamumuhay at hindi nakakaranas ng hirap.

Bumalik ako sa reyalidad at napatingin sa batang kaharap. Tinitigan ito ng ilang sandali saka tumalim ang tingin. "Hindi ikaw si Flow. Saan mo siya dinala? Nasaan si Prelle?! Sino ka?" Galit na sigaw ko.

"Oh, so you already knew. Si Flow? Matagal ng patay si Flow, Daddy. Matagal niyo ng pinapatuloy ang ibang tao sa bahay niyo at iniisip na siya ang anak niyo. 'Yung asawa mo? Nasa mental na at binabaliw pa lalo." Humalakhak ito dahilan para manindig ang balahibo ko.

Si Flow...

Matagal ng patay si Flow?

Nasa mental si Prelle?

"Fin Timber." Seryusong asik ko dahilan para tumigil naman ito at napangisi.

"Kamukhang-kamukha ko ang anak mo, no? Well, kamukhang-kamukha mo rin ang Tatay ko na siyang kakambal mo. Pero pinatay mo para lang sa yaman." Seryusong saad din nito agad na humigpit ang hawak sa patalim. "Die!" Sigaw nito at inihagis iyon dahilan para mapaiwas naman ako at binaril siya pero masyadong mabilis ang galaw nito at sinipa ako bigla sa tiyan dahilan para mapaigik ako dahil natamaan nito ang sugat ko.

"Ikaw ang papatayin ko! Hindi ka na dapat nabuhay pa dahil papatayin lang rin kita ulit." Sigaw ko at pinagbabaril siya pero tumawa lang ito habang iniiwasan ang mga bala.

"Kill me, Daddy! Let's see who will be dead in the end." Sigaw ng maliit na boses nito at humahalakhak na tumakbo ng sobrang bilis palabas ng bahay. Sinundan ko pa ito papunta ulit sa kakahuyan...

Nasimulan ko na...

Tataposin ko na rin...

Papatayin kita!

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon