Prelle's POV
"Marco? Marco, where are you?" Pasigaw na tawag ko habang nag-aayos na para umalis dahil msy trabaho kami ngayon at siya ang maghahatid sa akin at sa mga bata.
"Nakita niyo ba ang daddy niyo?" Tanong ko sa mga bata dahil hindi pa rin sumasagot si Marco at hindi ko rin ito mahanap.
"Hindi po eh. Akala ko po ay kasama niyo po?" Takang tanong naman ng mga bata kaya napakunot naman ang noo ko saka napag-isipan ng umakyat sa taas.
"Dito muna kayo. Titingnan ko sa taas at baka andoon pa." Kanina paggising ko ay wala na siya sa tabi ko at hindi rin siya pumasok roon para magbihis. Kaya inakala ko na baka doon siya natulog sa malaking kwarto na tinutulugan nila ng nga bata minsan.
"Marco?" Tawag ko at isa-isang binuksan ang pintuan pero natapos ko na lahat ay wala talaga akong nakitang Marco.
Baka nauna na sa trabaho? Baka may emergency? Siguro nga.
Bumaba na ulit ako saka nakita ang mga bata na ready na. "Tara na mga anak. Magtataxi na lang tayo. Baka kasi nauna na sa trabaho ang daddy niyo." Tumango naman sila kaya lumabas na kami ng bahay at sinarado ko naman ang pintuan at gate.
Nang makasakay na sa taxi ay tumingin pa muna ako sa bahay at agad na nanigas ng makita ang isang taong nakatayo sa may veranda.
Bigla na lang umandar ang taxi kaya napatingin pa ako doon pero hindi nagtagal iyon. Hindi ko man kang natingnan ang mukha ng taong nandoon. Pero ang isipin na may ibang tao roon ay...nakakatakot talaga.
Hindi ko rin naman masasabi na si Marco iyon dahil maliit ang nakita ko. Samantalang malaki si Marco at mataas.
Mas pinili ko na lang na magfocus sa pagtuturo ng makarating na ako para sa pang-unang klase ko sa umaga.
Pero habang patagal ng patagal ang klase ay unti-unting nag-iiba ang pakiramdam ko. Para bang may nakatingin sa akin mula sa kung saan na hindi ko malaman. At parang may tumatawag sa akin. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid pero wala namang kakaiba.
Bumalik na lang ulit ako sa pagsusulat sa board at naramdaman ko namang may nakatitig sa akin. Minsan ay alam ko namang tumingin ang mga estudyante ko sa akin pero hindi ganito, kakaiba.
Mas pinili ko na lang na magpatuloy na sa pagsusulat pero nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko na maisulat ng maayos ang mga dapat na isusulat ko pa.
Agad naman akong nagulat ng biglang may humawak sa balikat ko kaya tiningnan ko naman kung sino iyon at agad ring napasigaw ng malakas ng makita si Merna. Walang mata at nakatahi ang bibig. Bali-bali ang kamay at may butas ang dibdib kung nasaan ang puso niya.
"Lumayo ka sa akin! Lumayo ka!" Pagsisigaw ko habang nakapikit at tinatakpan ang tenga para hindi ito makita at marinig.
Parang lalabas na ang puso dahil sa kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]