A/N: Yieeeee! May update sa story na ito ngayon HAHAHAHAH. Pero sa totoo ay ngayon ko lang naalala na may story pala ako na ganito HAHAHAHA. Nabubuang na ako dahil sa module. Btw, happy reading!
***
Prelle's POV
"Honey!" Sigaw ni Marco kaya napabangon naman ako. Tiningnan ko ang oras at alas singko palang. "Bilisan mo bumaba ka." Dahil baka importante, bumaba na agad ako.
"Ano iyon?" Kinakabahang tanong ko.
"Ang sarap nitong dinuguan oh. Ikaw ba nagluto nito?" Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Hindi. Kita mo naman, kakagising ko lang." Akala ko kung ano na. Napapansin ko nitong nakaraan ay palagi na lang akong kinakabahan.
"Eh sinong nagluto nito? Nakauwi na ba si Merna?"
"Hindi ko alam." Saad ko saka agad na hinalikan ang mga bata sa pisngi ng makitang lumapit sila. "Nakita niyo ba si Yaya Merna niyo?" Tanong ko sa mga bata pero agad lang silang umiling.
Kumuha na lang ako ng kanin saka dinuguan at agad ng nagsimulang kumain. Napatingin naman ako kay Flow na nakanguso habang nakatingin sa gulay. "Sorry baby, pero bawal ka sa dinuguan."
"Nakakasawa na po yung gulay." Nakangusong sabi nito.
"Oo nga Mommy, nakakasawa na yung gulay." Segunda ni Alex.
"Pero pwede ka namang kumain ng dinuguan Alex. Sadyang sobrang mahal mo lang si Flow kaya lahat ng gusto at ayaw niya ay ganoon ka rin."
"Ayaw ko po kasing malungkot si Flow." Ngumiti naman ako pero agad tumuon ang paningin ko kay Sam na tahimik lang. "Sam, may problema ka ba?" Nagtaas naman ito ng tingin at may kinuha mula sa bibig na kung anong bagay. "Ano iyan baby?" Nakakunot na tanong ko ng makitang kumikinang ito. "Baby, huwag kang maglalagay ng kung ano sa bibig mo." Binigay nito saakin ang kinuha mula sa bibig niya.
"Nakuha ko po mula sa dinuguan." Sagot nito at napatingin sa kamay ko kaya napatingin na rin ako.
Tumayo ako saka pumunta sa lababo para hugasan iyon at agad na nalukot ang mukha ko ng makita ang singsing ni Merna na suot-suot niya lagi. Pinamana pa daw ng lola niya iyon sa magulang niya at ngayon ay sa kaniya na. Pero bakit nasa dinuguan 'to?
Bumalik ako sa mesa at nilagay nalang sa bulsa yung singsing. Nagpatuloy na ako sa pagkain dahil pupunta pa ako sa trabaho ng alas siete mamaya.
Ang sarap talaga ng dinuguan kaya naparami na naman yung kain ko kanina.
Naglalakad na ako ngayon sa hagdan at andito na naman yung mga buhok. Palagi ko nalang napapansin ito. Si Sam lang naman ang may mahabang buhok saaming lahat dito sa bahay. Hayy.
Naisipan kung walisin muna dahil marami na iyon. Nang matapos ay agad na akong dumeritso sa kwarto at saka kumuha ng damit pero napansin ko ang isang manika na nasa ilalim ng kama. Napakunot naman ang noo ko, bakit may manika dito? Nakapasok ba ang mga bata dito? Pero palaging nakalock yung kwarto namin ni Marco.
Dahan-dahan naman akong lumapit pero agad akong napasigaw sa takot ng tumakbo ito papunta saakin. Kumakanta ito habang tumatakbo at nagca-clap yung kamay. "Sino ba ang nagdala nito dito." sambit ko saka pinulot at pinatay ito. Di battery na laruan lang pala. Parang lalabas puso ko sa kaba.
Hawak-hawak ang laruan ay agad akong naglakad papunta sa kwarto ni Sam. Sa kaniya ang laruang 'to. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok at agad kynf nakitang nagbibihis ito. "Hey baby, bakit andoon sa kwarto ang laruan mo?" Pakita ko sa kaniya ng manika.
"I don't know po." Kumunot naman ang noo ko pero agad ko na lang ring iniwaksi iyon saka agad na inilagay sa mga ibang manika nito ang hawak ko. "Bilisan mong mag-ayos baby, baka malate kayo sa school."
"Okay po." Ngumiti naman ako saka tinitigan muna siya sandali bago tuluyang isara ang pinto.
Agad naman akong bumalik sa kwarto ko saka kinuha ang tuwalya saka pumasok na sa banyo.
Habang nagsasabon ako ay parang may nakatingin saakin mula sa kung saan kahit na alam kung wala namang masisilipan dito. Pero nilibot ko pa rin ng tingin ang buong parte ng banyo pero wala naman. "Baka guni---" Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.
Huh? Sinarado ko na 'yan kanina ah?
Imbes na mag-isip ng kung-ano-ano ay sinara ko na lang ulit iyon saka nagpatuloy na sa pagligo pero makaraan lang ang ilang sandali ay unti-unti na namang bumukas iyon.
Baka si Marco?
"Honey, don't make fum of me." Sigaw ko pero walang sumagot kaya napabuntong hininga na lang ako saka sinarado na ulit ang pinto saka agad na nagpatuloy sa pagligo.
Pero makaraan lang ang ilang sandali ay bigla na lang bumukas ang pinto at may malamig na hangin na pumasok. Nagpatay sindi ang mga ilaw sa loob ng banyo kaya kinabahan naman ako. Dali-dali ko namang sinara iyon. "Marco! Hindi na nakakatuwa." Sigaw ko habang pinapakalma ang sarili.
Nanindig ang balahibo ko ng may maramdamang malamig na dumampi sa likuran ko. Unti-unti naman akong tumingin sa likuran ko at agad na napasinghap ng wala namang tao roon. Pero agad akong napatalon sa gulat ng may biglang may malakas na kumatok sa pinto at pilit na binubuksan ang pinto. Kinabahan naman ako kaya agad-agad ko itong inilock saka agad na nagtampi ng tuwalya.
"Honey! Open the door." Napakurap-kurap naman ako ng marinig ang boses ni Marco. Agad ko namang binuksan ang pinto pero agad akong napatanga ng walang tao sa labas ng banyo.
Halos manigas na ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Marco, d-don't make fun of me. Hindi na talaga nakakatawa." Kinakabahang saad ko habang palinga-linga sa paligid. Pero makaraan ang ilang sandali ay walang sumagot.
"Si.....sino iying kumakatok at sumisigaw kanina?" Bulong na tanong ko sa sarili. Agad namang bumukas ang pinto at napatingin ako roon at nakita ko si Marco na nakaayos na.
"Hindi ka pa nakakapagbihis? Aalis na tayo mamaya." Saad nito.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa baba." Kumunot naman ang noo ko. Eh sino iyong kumakatok kanina?
"M-May narinig ka bang ingay mula dito kanina?" Nag-isip naman ito saka agad na umiling.
"Wala naman. Ang tahimik nga ng bahay eh." Napatango-tango na lang ako saka pinilit na ngumiti.
Baka sa masyadong pagpapagod lang 'to. Tama, sa pagod lang 'to.
"Sige, magbibihis lang ako. Sabay na tayong bumaba." Saad ko saka dali-daling nagsuot ng damit saka inayos na iyon. Pagkatapos ay naglagay lang ako kunting make up saka sinuklay ang buhok.
Makalipas ang ilang sandaling paghahanda ay tuluyan na akong natapos. Kinuha ko na ang bag ko saka sinuot ang sapatos ko. "Tara na." Aya ko sa kaniya at agad ng lumabas. Pero bago ko isara ang pinto ay napatingin pa ulit ako sa loob ng kwarto.
Maybe Its just because of stress.
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]