Prelle's POV
"Where's your dad?" Tanong ko sa kanila ng makarating ako sa bahay.
"We thought that magkasama kayong uuwi, mommy? Wala po siya dito eh. Kakauwi lang rin po namin at hindi po namin siya nakita." Sagot ni Flow na parang nagtataka pa na hindi ko kasama ang daddy nila. Hayy.
Nasaan ka na ba?
"Dito muna kayong tatlo at huwag kayong lalabas, maliwanag? Pupunta ako sa station at titingnan kung andoon ang daddy niyo. Nag-aalala na rin kasi ako."
"Sige po. Mag-iingat ka po!" Sigaw pa nilang tatlo.
Nagmadali naman akong umakyat sa taas at agad na nagbihis at agad ring bumaba at nagpaalam at nagbilin pa sa mga anak ko bago tuluyang umalis.
Pumara lang ako ng taxi at inutusan ito na dalhin ako sa station kung nasaan nagtatrabaho si Marco. Pero kamalas-malasan namang inabutan pa ako ng traffic sa daan at halos ilang minuto pa ang nakalipas bago tuluyang makaalis doon.
Makaraan ang isang oras ay nakarating na ako. Nagbayad pa muna ako sa taxi driver saka na tiningala ang station. "Sana andito ka na. Nag-aalala na ako sayo." Bulong ko saka humugot pa ng hininga saka mahinang pinakawalan iyon saka na tuluyang pumasok at dumeritso sa kung nasaan palaging nakatambay si Marco pero hindi pa man ako nakakarating doon ay agad kung nakita ang kaibigan ni Marco kaya nilapitan ko na siya.
"Hey."
"Oh, Prelle?" Halatang gulat na saad nito habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"
"Hinahanap ko kasi si Marco baka sakaling andito. Hindi ko pa kasi nakikita mula kagabi hangang ngayon---"
"Pero hindi siya pumasok."
Halos mabingi ako ng marinig ang sagot niya. Parang bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib ko kahit na kanina pa iyon kumakabog, mas tumindi.
Pero sa huli ay mas pinili ko na lang munang ikalma ang sarili ko.
"May alam ka bang kung saan siya pwedeng puntahan? Kanina pa kasi ako nag-aalala sa kaniya eh."
"Wala eh. Akala ko nga ay nasa inyo at sumama ang pakiramdam matapos nung ibinalita ko sa kaniya kaya hindi siya natuloy sa pagpunta sa akin. Tsaka alam mo naman si Marco, Prelle. Hindi iyon palagalang tao. Halos trabaho at bahay na nga lang ang taong 'yun eh."
"A-Ano bang ibinalita mo sa kaniya?" Tanong ko dahilan para matigilan naman siya sandali pero agad rin namang nakarecover.
"Hindi niya ba sinabi sayo? Nakita na si Nelia."
"S-Saan?!" Tanong ko bigla sa kaniya.
"N-Nakita siyang p-patay na at halos buto na lang doon sa may malapit lang rin sa village niyo. Akala ko nga pupuntahan ako ni Marco dahil nagsabi siya sa akin na pupunta siya pero natapos lang ang gabi ay wala namang Marco'ng pumunta doon."
Para akong hinampas ng matigas na bagay sa ulo dahilan para hindi ako makapag-isip at basta na lang manginig.
P-Patay na si Prelle...
N-Nawawala si Marco...
Anong nangyayari? Bakit ganito?
"At Prelle, si Nelia ay halos mag-iisang buwan na mahigit na namatay sabi ng mga nag-autopsy sa kaniya kanina."
Doon na ako tuluyang napaupo sa sahig ay napatanga na lang sa kung saan.
WTF?
E-Eh...s-sino iyong araw-araw na n-nagluluto sa amin ng nakaraan???
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]