16

159 2 0
                                    

Prelle's POV

Habang patagal ng patagal ay palala ng palala ang mga nararamdaman ko. Naereport na ang pagkawala ni Marco at patuloy na ang paghahanap sa kaniya. Habang kaming apat ng mga anak ko ay nagpatuloy pa rin sa buhay. Sila ay nag-aaral at ako ay nagtatrabaho. Pero hindi na natigil ang mga sari-saring mga hindi maipaliwanag na nakikita at nararamdaman ko.

Andito ako ngayon sa library para kumuha ng mga libro na ipapamigay sa mga bata. Sobrang tahimik na para bang ako lang mag-isa ang naririto pero ramdam kung may nakatitig sa akin mula pa kanina dahilan para hindi ako mapakali.

Palinga-linga ako sa paligid para timgnan kung may tao ba sa paligid pero wala naman. Tahimik na tahimik ang buong lugar.

Binilisan ko na lang ang pagkuha ng mga libro sa shelves at inilagay iyon sa box na nasa gilid ko lang. Nangangatal ang kamay ko habang kumukuha ng mga libro.

Nakakailang lunok na ako at nanginginig na rin ang kamay ko na hawak ang flashlight na nagsisilbing liwanag ko dito. Madilim talaga sa library kaya kailangan mo pa ng flashlight. Nasa harapan lang kasi ang may ilaw at sa likod ay wala na at hindi na rin nasasakop ng liwanag. Ewan bakit hindi nila nilalagyan...

Kinuha ko naman ang isang libro na natitira sa shelves. "Hello Prelle." Biglang lumitaw ang kamay ni Merna at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko dahilan para matigilan naman ako dahil sa pagkagulat. Nakita ko ang mukha nito sa kabilang banda ng shelves at nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Puno ng dugo ang mukha nito. Walang mga mata. Tinahi ang labi pero bumukas na ito dahil sa pwersa kaya nagkagutay-gutay na ang labi niya.

Agad akong napasigaw at binaklas ang pagkakahawak nito at agad na tumakbo palalayo pero agad rin akong nadapa. Umiiyak na tumingin ako sa likuran at napasigaw ng makita itong may dalawang palakol. Puno ng dugo at parang bali-bali ang buto niya. Gumapang ako papalayo sa kaniya habang nanginginig ang buong katawan.

"Takbo, Prelle! Kapag naabotan kita... patay ka!" Sigaw nito at agad na tumakbo dahilan para dali-dali akong mapatayo pero muntek ng madapa mabuti na lang at nabawi ko agad ang balanse ko dahilan para makatakbo agad ako palayo. Halos mabasa na ang damit ko ng mga luha dahil sa kakaiyak.

Takbo lang ako ng takbo para malayuan si Merna na nasa likod ko na tumatawa na parang demonyo.

Nakakatakot...

Nang makarating ako sa pintuan ay agad ko iyong inilock at napaupo na lang sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib ko.

Pero agad akong napasigaw nang biglang bumaon ang talim ng palakol sa gilid lang ng ulo ko. At nagpatuloy pa ito sa pagpalakol sa pinto.

"Ahhhhh!" Sigaw ko at agad na napaupo sa sahig ng biglang may tumapik sa balikat ko.

Habol-habol ang hiningang napatingin ako sa kaibigan ko. Doon ko lang narealize  na nasa office kami.

"Ayos ka lang?" Kunot noong tanong nito.

Napahawak na lang ako sa ulo saka nasabunotan ang buhok ko at nakalutang na napaiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod.

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon