09

154 3 0
                                    

Prelle's POV

Makaraan ang ilang mga araw ay hindi pa rin nakikita si Merna. Maraming hinuha ang lumalabas. Meron baka raw umuwi si Merna sa kanila. Meron naman na baka raw kinidnapped. At merong nagsabi na baka patay na raw siya.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan dahil maski ako ay hindi alam kung ano ba ang totoo.

Gabi na ngayon at kakatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin.

Si Marco naman at mga bata ay magkakasama doon sa isang kwarto. Gusto raw siyang makasama matulog ng mga bata ngayon.

Habang naglalakad sa hagdan ay bigla na naman akong nakakakita ng nadaming buhok pero hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Kahit ano naman kasing linis ko ropn ay bumabalik lang rin at minsan ay dumadami pa.

Nang makarating sa kwarto ay agad ko ng sinarado ang pinto saka isa-isa ng hinubad ang damit na suot at kumuha ng towel at pumasok na sa banyo para makaligo na.

Nagbabad muna ako sa tub habang nakapikit at narelax naman ako dahil doon. Napamulat na lang ako ng marinig na bumukas ang pinto ng kwarto namin.

Si Marco ata. Baka may kinuha lang.

Nagpatuloy na lang ako sa pagligo habang pakanta-kanta pa kays medyo natagalan ako bago matapos pero ayos lang rin naman kasi matutulog na lang naman ako pagkatapos.

Bigla naman ako nagulat ng biglang may narinig na kumakatok. Napalunok naman ako at agad na nagtampi ng tuwalya.

Biglang nawawala ang kumakatok at bumabalik rin kaagad. Dahil doon ay agad na naman akong nakakaramdam ng kaba.

Akala ko tumigil na pero heto na naman...

Unti-unti naman akong lumabas mula sa banyo at walang ingay na pumunta sa gawi ng pinto.

Patuloy pa rin ang kung ano man sa labas sa pagkatok na lalong nagpapakaba sa akin.

Hinawakan ko ang siradora ng pinto pero agad rin na nagulat at napaatras ng biglang pinihit ito ng nasa labas na para vang gustong-gusto nitong makapasok.

Agad naman akong bumalik doon at hinawakan ng maigi ang doorknob. Natahimik naman ang nasa labas ng ilang sandali. Nang akalain ko na wala na siya ay nagkakamali ako dahil bigla na naman itong kumatok na gumulat na naman sa akin. Mabuti na lang at hindi ako nakagawa ng ingay.

"Prelle? Are you there?" Agad kung binuksan ang pinto ng marinig ang boses ni Marco at agad na napayakap sa kaniya ng makita siya. "Anong nangyari? Bakit naka-lock ang pinto? Bakit ang tagal mong sumagot?" Sunod-sunod na tanong nito.

"W-Wala. Akala ko kasi kung sino 'yung kumakatok."

"Pero tayo-tayo lang naman ang nandito ah." Agad naman akong nag-isip ng pwedeng ipalusot.

Wala akong balak na sabihin ito kay Marco. Baka kung ano ang isipin nito.

"Prelle answer me. Bakit nakalock ang pinto?" Tanong nito kaya agad naman akong nag-isip ng sasabihin pero agad na nagulat ng may maalala.

Hindi ko naman inilock ang pinto kanina...

Oh god!

"I-I was in the bathroom so I-I locked the door... Para hindi makapasok ang mga bata. A-Alam mo naman ang ginagawa nila pagnakakapasok sila dito." Pagdadahilan ko at mukha namang naniwala ito.

"Oo nga pala. By the way, gusto mo bang sumama? Doon muna tayo matulog kasama ang mga bata. Matagal na rin mula ng huli tayong natulog na magkakasama." Mabuti pa nga. Baka kung ano na naman ang makita at maramdaman ko mamaya kapag nag-iisa ako dito.

I really feel weird...

"S-Sige. Magbibihis lang ako." Dali-dali akong pumunta sa closet at kumuha ng pajama na susuotin at ng matapos ay agad na lumapit sa kaniya at naglakad na palabas.

Napatingin pa ako sa loob ng kwarto bago tuluyang isarado ang pintuan.

Kung hindi si Marco ang pumasok kanina....Eh sino?!

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon