04

525 10 0
                                    

Prelle's POV


Pagpasok ko sa bahay agad bumungad saakin ang tahimik na salas. Napatingin ako sa relo ko at mag-aala singko na.

Hinubad ko lang ang sapatos ko saka pumasok na sa loob. "Merna! Andito na ako." Tawag ko kay Merna pero si Sam yung lumabas mula sa kusina.

"Hey baby." I hug her tight and kiss her cheecks pero may napansin ako na mantsa sa damit nito.

"Sam ano 'to?" Tanong ko sabay turo ng pulang mantsa sa damit niya.

"I don't know. Maybe liptint ni Alex or something." Balak ko pa sanang magtanong pero hinayaan ko nalang.

Biglang bumukas ang pinto at si Marco yung dumating. Nilagay ko na sa sofa ang bag ko saka nahiga. "Sam nakita mo ba si Yaya Merna mo?"

"I don't know. Nasa kwarto ako mula ng umaga hanggang kanina, bumaba lang ako para kumuha ng tubig." Kumunot naman ang noo ko, sa pagkakaalam ko ay hindi ugali ni Merna na umalis ng bahay lalo na kung hindi nagpapapaalam.

"Honey tingnan mo nga kung may pagkain na."

"Sige, gutom na rin ako." Sabi ko saka tumayo na at naglakad papunta sa kusina. Agad kung binuksan ang ref at kumuha ng tubi dahil nauuhaw na ako. Nakita ko na may ulam na nga. Afritada, Dinuguan, Adobo at meron ding Giniling. Sarap naman nito.

"Saan na kaya si Merna?"tanong ko saka kinuha na ang mga ulam at nilagay sa mesa.

"Marco, Mga bata, kumain na tayo."tawag ko sa kanila habang naghahain.

Maya-maya ay dumating na silang apat at wala si Merna. "Flow at Alex nakita niyo ba si Merna?"

"Natulog po ako ng hapon eh pero kaninang umaga nakita ko siya."sagot ni Flow na kumukuha ng kanin.

"Ewan ko din po, nagkulong din ako sa kwarto at naglaro ng online games pero kanina ng umaga nakita ko po siya na naglilinis diyan sa baba." Sagot ni Alex na nagbibilog ng kanin.

"Baka may binili lang sa Mall or may pnuntahan lang sandali." Napatango naman ako sa sinabi ni Marco at kumuha na ng kanin.

"Ang sarap ng Dinuguan." Dinig kung saad ni Marco kaya naman kumuha rin ako saka nilasahan.

"Ang sarap nga. Siguro ay Fresh pa ang mga ito ng lutuin ni Merna." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagsubo.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil ang sarap nung dinuguan atsaka giniling. Namalayan ko nalang ay ubos na yung ulam.

"Tataasan ko talaga ang sahod ni Merna kapag palaging ganito." Natatawang sabi ni Marco ng matapos kaming kumain.

"Sang-ayon ako diyan. Pati sa paglilinis ay maaasahan mo rin si Merna." Sa isang buwan niyang pamamalagi dito ay wala akong maalalang naging problema.

"Mommy balik na po kami sa taas, manonood kami ng Vlive." Paalam nila saka umakyat na.

"Huwag magpupuyat mga Anak."paalala ni Marco sa mga bata.

Naghugas ako ng pinagkainan ng ilang minuto pero natapos na ako ay wala pa rin si Merna. Gabi na ah?

"Honey tawagan mo nga si Merna. Gabi na oh pero wala parin siya."Nag-aalala na ako.

"Honey, baka may emergency lang, alam mo naman si Merna diba? Hindi aalis yun kung hindi importante." Sagot nito.

"Sige, mabuti ay matulog na tayo. Ang sakit ng katawan ko." Sabi ko saka nauna ng umakyat.

Pagdating ko sa taas agad akong pumunta sa silid ng mga bata at nakita kung tulog na silang tatlo. Inayos ko muna yung mga kumot nila at hinalikan sila sa noo bago bumabalik sa kwarto.

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon